NASA kostudiya na ng Manila Police District ang Army reservist at suspek sa road rage killing na si Vhon Martin Tanto. Ito ay apat na araw makaraan ang pamamaril sa siklistang si Mark Vincent Garalde dahil lamang sa alitan sa trapiko sa P. Casal street sa Quiapo, Maynila. Makaraan ang police booking procedures ay ang suspek ay dinala sa Department …
Read More »TimeLine Layout
July, 2016
-
31 July
CCTV dapat pondohan ng LGUs — Dela Rosa
HINIMOK ni PNP Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang local government units LGUs na pondohan ang pag i-install ng mga CCTV sa kanilang komunidad partikular na sa matataong lugar. Ito ay makaraan maging susi ang video footage mula sa CCTV sa pagkakilanlan ng road rage suspect na si Vhon Tanto na bumaril at nakapatay sa siklistang biktima na si …
Read More » -
31 July
Luzon power nasa red alert status, 7 planta pumalya
MULING nagtaas ng red alert ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Luzon dahil sa kakapusan ng koryente. Ayon sa abiso ng NGCP, epektibo ang pinakamataas na alerto simula 11:00 am hanggang 3:00 pm. Habang yellow alert ang paiiralin simula 4:00 pm hanggang 11:00 pm. Nag-ugat ito sa aberya ng pitong planta na pinagkukunan ng supply para sa …
Read More » -
31 July
Party-list system inaabuso (Kontra con-ass binuweltahan ni Duterte)
INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte, tatanggalin na ang party-list system sa bansa kapag nabago na sa Federalismo ang porma ng gobyerno. Sinabi ni Pangulong Duterte, sobra na ang pagkaabuso sa sistema kaya bago sisimulan ang pag-amyenda sa Saligang Batas, igigiit niya ang pagtanggal sa party-list system. Ayon kay Pangulong Duterte, sinasamantala ito ng mayayaman na bumibili o bumubuo ng party-list …
Read More » -
31 July
3 drug trafficker tiklo sa P50-M shabu
AABOT sa P50 milyon high grade shabu ang nakompiska ng mga awtoridad sa magkakasunod na operasyon sa Pasig City at Taguig City. Sa ulat kay NCRPO-Regional Director, Chief Supt. Oscar Albayalde, kinilala ang mga nadakip na sina Saadodin Badron, Sukarno Bansil, at Mahatir Malaco, Napag-alaman, dakong 3:10 pm nang masakote ng pulisya si Badron makaraan ang isang linggong surveilance sa …
Read More » -
31 July
10 lugar signal 1 kay Carina
ITINAAS na ang anim lugar sa tropical cyclone signal number 1 bunsod ng Tropical Depression “Carina” ayon sa ulat ng weather bureau Pagasa kahapon. Ayon sa Pagasa, napanatili ni Carina ang lakas, na may maximum sustained winds na hanggang 55 kilometro kada oras. Habang palapit si Carina sa lupa, nadaragdagan ang mga lugar na inilalagay sa signal number 1. Kabilang …
Read More » -
31 July
Sink hole lumawak, 134 pamilya inilikas (Sa South Cotabato)
GENERAL SANTOS CITY – Aabot sa 134 pamilya ang sapilitang inilikas mula sa Brgy. Silway 8, Polomolok, South Cotabato makaraan ang patuloy na pag-ulan sa kanilang lugar na malapit sa sink hole. Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC), pinangangambahang mas lumawak pa ang butas sa lupa na may lawak na 40 metro at lalim na 35 feet …
Read More » -
31 July
DTI official pinagreretiro ng konsyumers
HINIKAYAT ng Filipino Consumer Federation (FCF) si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na palitan na si Undersecretary Victor Dimagiba na sinasabing responsable sa pagkalat ng substandard products kagaya ng bakal, semento, electrical wires, plywood at iba pang construction materials sa bansa. “Aside from questionable actions of Dimagiba, he is already above the mandatory retirement age of …
Read More » -
31 July
3 drug personalities patay sa shootout sa Ilocos Norte
LAOAG CITY – Tatlong drug personalities sa Ilocos Norte ang napatay makaraan lumaban sa mga awtoridad sa isinagawang drug buy-bust operations kamakalawa. Namatay habang ginagamot sa Mariano Marcos Memorial Hospital si Andres Pasalo, residente ng Brgy. 6, San Nicolas, Ilocos Norte, makaraan lumaban sa mga pulis sa drug buy-bust operation sa isang sabungan sa Brgy. 16 sa nasabing bayan. Una …
Read More » -
31 July
Bebot utas sa saksak ng ex-dyowa
PATAY ang isang 27-anyos ginang makaraan pagsasaksakin ng kanyang dating live-in partner habang nagtatalo sa Tondo, Maynila kamakalawa. Ayon sa ulat ng pulisya, 13 beses sinaksak ng suspek na si Resie Sese, 30, ang dati niyang kinakasama na si Rizza Sanchez, 27, kapwa residente ng 226 H. Lopez, Balut, Tondo, Maynila. Sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balingan ng Manila Police …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com