Saturday , December 13 2025

Blog Layout

US military arms aksaya sa pera

AKSAYA sa pera ng bayan ang pagbili ng mga armas pandigma sa Amerika, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ng Pangulo na bagama’t nagpapasalamat siya sa pagiging galante ng US sa Filipinas ngunit hindi magagamit nang maayos ng bansa ang mga biniling military equipment sa Amerika dahil kulang ito. Inihalimbawa ng Pangulo ang ibinentang dalawang F50-A ng Amerika na hindi …

Read More »

PUP president dapat bumaba sa puwesto (Sa utos ni Duterte)

ISANG barikada ang itinayo ng Kilusang Pagbabago – PUP at ang Duterte Youth for Change kasama ang ilang propesor at estud-yante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa main entrance ng unibersidad kamakalawa ng hapon, para paalalahanan ang pangulo ng unibersidad na bumaba sa puwesto. Sa nasabing protesta, ipinawagan ng mga guro at estud-yante na bakantehin ni Emanuel De …

Read More »

Checkpoint ops paiigtingin ng PNP at AFP

INIUTOS ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa ang pinaigting at pinalakas na checkpoint ope-rations kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP). Ang direktiba ni Dela Rosa ay kasunod nang isinagawang surprise inspection kamakalawa ng gabi sa Calapan, Oriental Mindoro. Ikinatuwa ng PNP chief ang ipinatutupad na checkpoint operation sa lugar ng mga pulis kasama ang ilang mga …

Read More »

Conjugal visits sa Bilibid suspendido

SINUSPINDE ng New Bilibid Prison (NBP) ang conjugal visits sa maximum security compound simula kahapon. Base sa statement mula sa spokesperson ng PNP Special Action Force (SAF), ang bagong development ay bahagi nang pinahigpit na seguridad sa national penitentiary. Bago ang suspensiyon, ang mga asawa ng mga bilanggo sa Bilibid ay puwedeng matulog sa piitan Sabago ng gabi hanggang Linggo …

Read More »

Dyowa ng sekyu ni VP Robredo sangkot sa droga

KINOMPIRMA ng Office of the Vice President, ang isang security detail ni Vice President Leni Robredo na si PO3 Joey Regulacion ay live-in partner ng babaeng sumuko sa mga pulis makaraan makatok sa Oplan Tokhang ng Quezon City Police District sa Brgy. Culiat nitong Miyerkoles. Ayon kay Georgina Hernandez, tagapagsalita ni Robredo, pinabalik muna si PO3 Regulacion sa kanyang mother …

Read More »

MAG-ASAWA TIKLO SA PASIG DRUG DEN

SWAK sa kulungan ang isang mag-asawang sangkot sa pagmamantina ng drug den sa Pineda, Pasig City makaraan ang pagsalakay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation Anti-Illegal Drug Division kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina Marcos Castañeda Jr., 42, at Alma Castañeda, 35, pitong buwang buntis, at may anim na anak. Sinalakay ng NBI-AIDD ang bahay …

Read More »

Half bro ni Lea, 2 pa tiklo sa 80 ecstacy

ARESTADO ang tatlong hinihinalang tulak ng ecs-tacy party drugs, kabilang ang half-brother ni singer-actress Lea Salonga, sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) na nakompiskahan ng 80 pirasong iba’t ibang klase ng ecstacy na nagkakahalaga ng P120, 000 sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa lungsod at Pasig City. Sa ulat kay QCPD director,  Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. …

Read More »

6 habambuhay kulong sa P2-B drug case

MAKUKULONG nang habambuhay ang anim responsable sa isang malaking drug case sa bansa noong 2013. Sa promulgation ng Olongapo Regional Trial Court Branch 75, guilty ang naging hatol ng korte sa mga personalidad na naaktohang nagde-deliver ng shabu na nagkakahalaga ng P2 bilyon sa Subic. Kabilang sa mga napatunayan sa kasong drug possesion at transportation sina Joselito Escueta, Coronel Desierto, …

Read More »

P5-B marijuana sa Kalinga sinira

TUGUEGARAO CITY – Umaabot na sa mahigit P5 bilyon ang halaga ng marijuana na sinira ng mga awtoridad sa bayan ng Tinglayan, Kalinga, sa nagpapatuloy na marijuana eradication. Ayon kay Senior Inspector Nestor Lopez, hepe ng Tinglayan-Philippine National Police (PNP), mahigit sa 24 milyon fully grown marijuana ang kanilang binunot at sinunog. Ito ay mula sa mahigit 81 ektaryang lupain …

Read More »

4 DRUG PUSHER/USER PATAY SA SHOOTOUT

PATAY ang apat hinihinalang drug pushers at users makaraan lumaban sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Galas Police Station 11, sa drug bust operation sa Quezon City kahapon ng madaling araw. Sa ulat kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang mga napatay na sina John Lester Lacion, 20; Aniceto Villamor, 40; Richard Hilbano, …

Read More »