Saturday , December 13 2025

Blog Layout

Yorme Isko, hanga sa talino ni Mayor Vico

HANGA si Yorme Isko Moreno sa kapwa niya mayor na si Vico Sotto. Ito ay dahil sa magandang serbisyo-publiko na ipinakikita ng binata ni Vic Sotto sa kanyang constituents sa Pasig City lalo na ngayong nahaharap ang bansa sa matinding problema ng Covid-19. Sabi ni Yorme Isko tungkol kay Vico, “Matalinong bata ‘yun, magaling.” Ayon pa kay Yorme, sana ay mahawaan siya ng talino ni Mayor …

Read More »

Kathryn, madalas hamunin ng hiwalayan si Daniel

GAANO katotoong maraming beses nang muntik maghiwalay sina  Kathryn Bernado at Daniel Padilla? Ito’y ayon sa isang mapagkakatiwalaang source. Aniya, kapag nag-aaway ang dalawa, laging naghahamon ng hiwalayan si Kathryn. Ang ginagawa naman ni Daniel, after ng awayan nila, bumibili ng flowers para ibigay sa kasintahan at inaamo/sinusuyo ito. At presto, nagkakabati na uli ang dalawa. Kaya napipigilan ang pagkakanya-kanya ng landas ng …

Read More »

Iza Calzado, na-ospital dahil sa pneumonia; resulta ng Covid-19 test, hinihintay pa

INIHAYAG ni Iza Calzado sa pamamagitan ng kanyang social media na kasalukuyan siyang nasa ospital dahil sa pneumonia kaya naman hinihintay niya ang resulta ng isinagawang Covid19 test sa kanya. Ani Iza, isang malaking pagsubok ang nangyayari ngayon sa kanya subalit hindi niya maikokompara ang hirap ng mga frontliner na nag-asikaso sa kanya. Kasabay nito ang paghingi ng aktres ng dasal para …

Read More »

Jay Sonza to Mayor Joy—You don’t have a true and sincere heart for the less fortunate

SA unang pagkakataon ay maraming pumuri kay Jay Sonza na rating brodkaster at kilalang basher din sa maraming bagay sa open letter niya kay Mayor Joy Belmonte bilang residente ng Barangay Tandang Sora, Quezon City. Ang nilalaman ng open letter ni Jay.   Mayor Belmonte Quezon City, Philippines Dear Ms. Joy, Greetings! As mayor of QC you have done your utmost best to implement …

Read More »

Angel, young version ni Mother Theresa; Kama at tent, kasado na

TRENDING na naman si Angel Locsin kamakailan sa panawagan niyang donasyong kama at tent para sa health workers na puwedeng gawing half-way house dahil karamihan sa kanila ay hindi makauwi ng tahanan dahil sa kawalan ng masasakyan na paralisado na ang lahat ng pampublikong sasakyan sa buong Metro Manila. Sa Lakehosre Tent, C6 Lower Bicutan, Taguig City naka-set up ang mga tent …

Read More »

Make-up artist ni Boyet, buhay at ‘di positive sa Covid-19

ITINANGGI ni Sandy Andolong, asawa ni Christopher de Leon, na may make-up artist sa seryeng Love Thy Woman na yumao dahil sa COVID-19 virus. Ang nabanggit na serye sa Kapamilya network ang huling nalabasan ni Boyet (Christopher) bago ito na-test na positibo sa corona virus. Sa interbyu  kay Sandy ni Gorgy Rulla sa DZRH radio program nito na Showbiz Talk Ganern noong Linggo ng gabi, March 22, sinabi ng aktres na regular …

Read More »

Christopher, pwede nang umuwi ng bahay

HINDI naman pala sa bahay nila ng misis n’yang si Sandy Andolong sa Paranaque nagpa-quarantine si Christopher de Leon pagkatapos siyang ma-test na positibo sa coronavirus kamakailan. Nagpaospital naman pala siya para masuri at magamot siya nang husto. At ayon kay Sandy, nakatakdang pauwiin ang mister n’yang kung tawagin n’ya ay “Bo” (mula sa kinagisnan na sa showbiz na palayaw ng aktor na “Boyet”). “Kahit …

Read More »

Matteo, nakalikom ng P4-M para sa mga pamilyang ‘di makapaghanapbuhay

NAKALIKOM si Matteo Guidicelli, ang brand new husband ni Popstar Royalty Sarah Geronimo, ng mahigit sa P4-M sa loob ng limang oras ng isang online (streaming) show na inorganisa n’ya at ipinalabas noong Linggo (March 22) mula 12:00 noon-5:00 p.m.. Sa Facebook page ni Matteo ipinalabas ang show. Ang nalikom na pondo ay ipantutulong sa pagbili ng pagkain ng mga kababayan nating pansamantalang ‘di-makapaghanapbuhay …

Read More »

Tik Tok ni Aiko, pang-inspirasyon; GMAAC, may pakulo

PINAGKAABALAHAN ni Aiko Melendez ang paggawa ng Tik Tok videos habang break sila sa taping ng Prima Donnas dahil sa Corona virus. Pero hindi basta aliwin ang sarili o ang kanyang followers ang rason niya sa Tik Tok videos, “It’s my own share of telling the people to smile amidst these challenges This is hope and sulking won’t help us now. “My Tik Tok account also is an avenue …

Read More »

Bistek, nami-miss lalo na ng mga taga-QC

MUKHANG tahimik lang si Bistek (Herbert Bautista). Natural dahil ayaw niyang masabing hindi na siya mayor ay namumulitika pa. Sa ngayon hinaharap niya ulit ang kanyang career bilang isang artista. Pero marami kaming nakakausap na mga tao na nagsasabing nami-miss  nila si Bistek, lalo na sa pagkakataong ito na may hinaharap na malaking problema ang lunsod. Naaalala kasi nila iyong ugali ni …

Read More »