Sunday , December 14 2025

Galing Laoag, Ilocos Norte
CESSNA PLANE PATUNGONG TUGUEGARAO NAWAWALA

Cessna plane

INIULAT ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at ng Office of the Civil Defense ang pagkawala ng isang Cessna plane nitong Martes ng hapon, 1 Agosto, matapos umalis ng Laoag, Ilocos Norte at bigong makarating sa Tuguegarao Airport, sa lalawigan ng Cagayan. Nakatakdang lumapag ang Cessna 152 plane (RPC-8598) sa Tuguegarao airport dakong 12:30 pm kahapon ngunit naniniwala …

Read More »

Bunsod ng malawakang pagbaha
BULACAN ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY

Daniel Fernando

ANG buong lalawigan ng Bulacan ay isinailalim sa State of Calamity nang ratipikahan ni Gov. Daniel Fernando ang Panlalawigang Kapasiyahan Blg. 579-T’2023 nitong Lunes, 31 Hulyo. Binigyang-diin ni Fernando, kailangan ang deklarasyon ng State of Calamity dahil sa malawakang pagkasira dala ng baha sa agrikultura, sa hayop at impraestruktura sa Bulacan. “Kailangang-kailangan iyan dahil unang-una, ang ating agricultural damages is …

Read More »

Ayaw magpaawat
SENGLOT LUMUSONG SA BAHA NATAGPUANG WALANG BUHAY

flood baha

BANGKAY nang matagpuan, ng mga sumaklolong volunteers, ang isang lalaking nalunod sa malawakang baha sa bayan ng Calumpit, sa lalawigan ng Bulacan nitong Lunes, 31 Hulyo. Kinilala ang biktimang si John Mark Arcega, 30 anyos, residente sa Brgy. Sta. Lucia, sa nabanggit na bayan. Ayon sa ulat, nalunod ang biktima sa bahagi ng irigasyon sa Brgy. Sta. Lucia na may …

Read More »

Pagtuklas sa ‘mass graves’ sa Bilibid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NAKAGUGULANTANG ang nabunyag na mga sikreto sa New Bilibid Prison (NBP), nagbunsod ng matinding pag-aalala kung ano ang gagawin ng gobyerno sa ganitong sitwasyon. Ang pagkakadiskubre ng mga “kalansay ng tao” sa isang septic tank sa piitan ay lumikha ng mga nakababahalang katanungan tungkol sa posibilidad na mayroong mass graves sa loob ng pasilidad. …

Read More »

Si Kapitan lang ba ang dapat kasuhan?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SASAMPAHAN daw ng kaso ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kapitan at mga tauhan ng bangkang lumubog sa Laguna de Bay sa Barangay Kalinawan, Binangonan, Rizal nitong 28 Hulyo 2023. Kakasuhan ng reckless imprudence resulting in multiple homicide. Hindi naman siguro lingid sa atin kaalaman na umabot sa 27 pasahero ng bangka ang namatay makaraang malunod. …

Read More »

Nasaan ang tulong-pinansyal ng mga tatakbong senador sa 2025?

Sipat Mat Vicencio

SIPATni Mat Vicencio SA KABILA ng matinding hagupit ng magkakasunod na bagyong Egay at Falcon, wala man lang pahayag na maririnig sa mga reelectionist senators sa 2025 na magbibigay sila ng personal na tulong-pinansyal sa mga pamilyang nasalanta. Kung titingnan mabuti, pawang milyonaryo ang mga senador at masasabing hindi kabawasan sa kanilang sandamukal na yaman kung magkukusa silang magbigay ng …

Read More »

It’s Showtime ipinatawag ng MTRCB; kulitan nina Vice Ganda at Ion ‘di nagustuhan ng netizens

Vice Ganda Ion Perez

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MARAMI ang na-offend at nabastusan sa kulitan nina Vice Ganda at Ion Perez sa segment nilang Isip Bata sa It’s Showtime. Ang kulitan ng mag-partner ay ang pagpapakita kung paano sila kumain ng icing ng cake. Dahil dito nagreklamo ang mga netizen sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Kaya kahapon, nagpalabas ng statement ang MTRCB na ipinatatawag ang prodyuser ng It’s Showtime dahil …

Read More »

Tito Sen sa TAPE: Wala silang karapatang ipagdiwang ang ika-44 anibersaryo

Tito Sotto Joey de Leon

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IGINIIT muli ni dating Sen. Tito Sotto na walang karapatan ang TAPE, Inc. na ipagdiwang ang 44th anniversary ng Eat Bulaga.  Sa kanyang Twitter account, inihayag  ni Tito Sen na, “Tape inc has absolutely no right to celebrate 44 years. They existed only in 1981. “They did not exist in 1979. EB ceased to be EB when TVJ left them.”   Sinang-ayunan ng karamihan ang …

Read More »

Sa Cotabato City
BUS TERMINAL HINAGISAN NG GRANADA BARKER SUGATAN

explode grenade

SUGATAN ang isang barker nang sumabog ang inihagis na hand grenade ng isa sa mga nakamotor na suspek  sa isang terminal ng bus sa lungsod ng Cotabato, nitong Lunes ng madaling araw, 31 Hulyo. Ayon kay P/Maj. John Vincent Bravo, hepe ng Cotabato City Police Station 2, sumabog ang granada sa gate ng Husky Bus terminal na nasa kahabaan ng …

Read More »

Sa North Cotabato
EX-TSERMAN, JUNIOR TODAS SA AMBUSH

dead gun police

BINAWIAN ng buhay ang isang dating barangay chairman na kilala sa kanyang ugnayan sa Bangsamoro peace-building activities, at kanyang anak nang tambangan sa bayan ng Matalam, lalawigan ng North Cotabato, nitong Linggo, 30 Hulyo. Kinilala ni P/Lt. Col. Arniel Melocotones, hepe ng Matalam MPS, ang mga biktimang sina Anwar Ebrahim Salem, 52 anyos, at kanyang anak na si Anwar Salem, …

Read More »

Wanted sa rape
KILABOT NA MANYAKIS NASAKOTE

Arrest Posas Handcuff

NAGWAKAS ang maliligayang araw ng isang pinaniniwalaang kilabot na rapist nang matunton ng mga awtoridad ang kanyang pinagtataguan hanggang tuluyang madakip sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 30 Hulyo. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si Alan Apolo, isang welder. Nakatala si Apolo …

Read More »

Sa Pampanga
BANAL NA MISA TULOY KAHIT BAHA SA LOOB NG SIMBAHAN

Simbahan Misa Baha Macabebe Pampanga

“BAHA ka lang, mananampalataya kami.” Ito ang masayang pagbati ng mga deboto ng Presentation of the Lord Parish sa Brgy. Batasan, sa bayan ng Macabebe, lalawigan ng Pampanga sa kanilang pagsisimba nitong Linggo, 30 Hulyo, sa kabila ng sitwasyon ng kanilang simbahan. Dahil walang tigil ang ulan, lubog na ang kanilang mga daanan, talipapa, paaraalan, at simbahan ngunit hindi nagpatinag …

Read More »

Sa San Leonardo, Nueva Ecija  
LUPA GUMUHO, 25 BAHAY NATABUNAN

San Leonardo, Nueva Ecija baha landslide

AABOT sa 25 bahay ang nasira matapos bumigay at gumuho ang lupang kinatitirikan sa Brgy. Tambo, sa bayan ng San Leonardo, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Linggo ng umaga, 30 Hulyo. Ayon kay Zenaida Gutierrez, barangay secretary sa nasabing lugar, una nilang naramdaman na dahan-dahan ang pagguho bandang 4:00 am kamakalawa at tuluyang bumaba ang lupa dakong 8:00 am. Tinatayang …

Read More »

Klase, trabaho suspendido
22 BAYAN AT LUNGSOD SA BULACAN LUBOG SA BAHA

Bulacan baha Daniel Fernando

LUBOG SA BAHA ang 22 munisipalidad at lungsod sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Lunes, 31 Hulyo, dulot ng tuloy-tuloy na buhos ng ulan dala ng bagyong Egay at ng habagat na pinalakas ng bagyong Falcon. Batay sa ulat mula kay Bulacan Vice Governor Alex Castro, lubog pa rin sa baha ang mga bayan ng Angat, Norzagaray, San Ildefonso, San …

Read More »

Job security ng PH child dev’t workers kapos sa ‘kalinga’

DSWD

SINITA ni Senador Win Gatchalian ang kawalan ng kasiguruhan sa employment status ng mga child development workers (CDWs) sa bansa, kung saan 11% o 8,739 lamang sa 78,893 CDWs sa buong bansa ang may permanenteng posisyon ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). “Kung gusto nating isulong ang professionalization at paigtingin ang early childhood care and development (ECCD) …

Read More »