Wednesday , July 17 2024
Tito Sotto Joey de Leon

Tito Sen sa TAPE: Wala silang karapatang ipagdiwang ang ika-44 anibersaryo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IGINIIT muli ni dating Sen. Tito Sotto na walang karapatan ang TAPE, Inc. na ipagdiwang ang 44th anniversary ng Eat Bulaga. 

Sa kanyang Twitter account, inihayag  ni Tito Sen na, “Tape inc has absolutely no right to celebrate 44 years. They existed only in 1981.

“They did not exist in 1979. EB ceased to be EB when TVJ left them.”  

Sinang-ayunan ng karamihan ang tweet na ito ni Tito Sen at siyempre mayroon ding kumontra. 

Anang mga kumontra, ang pamilya Jalosjos din ang may-ari ng Production Specialist na unang producer daw ng Eat Bulaga.

“Production Specialist is the 1st producer of EB which is also owned by Romeo Jalosjos,” komento ng isang netizen.

Noong Sabado, July 29, nagdiwang ng ika-44 anibersaryo ang Eat Bulaga sa GMA 7 kasabay ng paglulunsad ng bago nilang theme song, ang Tahanang Pinakamasaya, Eat Bulaga.  Kinanta ito nina Isko Moreno, Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, Mavy at Cassy Legaspi, Winwyn Marquez, Chariz Solomon, Dasuri Choi, Yasser Marta, Michael Sager, at Kimpoy Feliciano.

Samantala, nagdiwang din ang TVJ ng kanilang anibersaryo kasama ang kanilang mga co-host ng “National Dabarkads Day” sa  show nilang E.A.T. sa TV5.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Titus Low

Videos ni Titus Low pinagkakaguluhan ng mga beki

HATAWANni Ed de Leon NAGMUKHANG laos ang mga bagong BL films at BL internet series …

Barbie Forteza

Barbie dapat mabigyan ng magandang project

HATAWANni Ed de Leon NAGPUNTA kami sa isang malaking mall noong isang araw dahil may …

Priscilla tinapos relasyon kay John

HATAWANni Ed de Leon MUKHANG tinuldukan na nga ng modelo at international beauty queen na …

Vilma Santos

Nominasyon ni Vilma bilang National Artist haharangin daw

HATAWANni Ed de Leon MAY isa kaming kaibigan na nagsabing ano raw kaya ang magiging …

50th MMFF

Vic, Piolo, Vice movies pasok sa first batch ng 50th MMFF

MARICRIS VALDEZ INANUNSIYO na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Film Festival (MMFF) chairman na si Don …