Saturday , April 27 2024
Cessna plane

Galing Laoag, Ilocos Norte
CESSNA PLANE PATUNGONG TUGUEGARAO NAWAWALA

INIULAT ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at ng Office of the Civil Defense ang pagkawala ng isang Cessna plane nitong Martes ng hapon, 1 Agosto, matapos umalis ng Laoag, Ilocos Norte at bigong makarating sa Tuguegarao Airport, sa lalawigan ng Cagayan.

Nakatakdang lumapag ang Cessna 152 plane (RPC-8598) sa Tuguegarao airport dakong 12:30 pm kahapon ngunit naniniwala ang mga awtoridad na napilitang mag-emergency landing ito o bumagsak sa isa man sa mga kalapit na lalawigan ng Apayao, Abra, o Kalinga.

Ayon kay Rogelio Sending, Jr., Cagayan Provincial Information Officer, sakay ng eroplano sina Capt. Edzel John Lumbao Tabuzo, ang piloto, at student pilot  na si Anshum Rajkumar Konde, isang Indian national.

Dagdag ni Sending, huling nakita ang eroplano 32 nautical miles mula sa Alcala, Cagayan.

Samantala, hinihintay maglabas ng pahayag ang may-ari ng Cessna plan — ang Echo Air International Aviation Academy, Inc., kaugnay sa insidente.

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …