Sunday , December 14 2025

The Condo King

HINDI lang pala overpriced, hacienda at bidding-biddingan king, pwede na rin palang tawaging ‘condo king’ si Vice President Jejomar Binay batay sa mga inihayag ni dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado sa Senate hearing. Ayon kay Mercado, hindi lang umano sa overpriced building at bidding-biddingan namumunini ang mga Binay. Gumagamit din umano ng dummies ang mga Binay para sa condominium …

Read More »

20-anyos bebot 8 buwan sex slave sa lodging inn (Nag-check-in dahil nalasing)

CAGAYAN DE ORO CITY – Nailigtas ng mga tauhan ng Agora Police ang 20-anyos babae na sinasabing walong buwan naging sex slave ng isang lalaki sa loob ng lodging house sa siyudad na ito. Ayon sa reklamo ni Gina, walong buwan siyang ginawang sex slave sa basement ng lodging house na pagmamay-ari ng pamilya ng suspek na kinilalang si Rito …

Read More »

Walang banta sa Papal visit

TINIYAK ng pamunuan ng pambansang pulisya na nananatiling highly stable at manageable ang national peace and order and security situation ng bansa partikular sa tinaguriang domestic threat groups. Ito ay kaugnay sa pagbisita ng Santo Papa na si Pope Francis sa Ene-ro 2015 at ang naka-takdang APEC head of states summit. Ayon kay Directorate for Intelligence Deputy Director, Chief Supt. …

Read More »

De-kontratang taxi talamak ngayon sa MOA at sa iba pang mall (LTO-LTFRB nganga!?)

BABALA lang po sa mga kumukuha ng taxi d’yan sa mga mall lalo na kung hindi naman kayo taxi rider, mag-ingat po kayo doon sa mga nango-ngontratang driver. Nagkalat po ngayon ‘yan sa SM Mall of Asia at sa iba pang Mall kung makalulusot sila. Kung in good faith po ang taxi driver, ang dapat ay pasakayin muna nila ang …

Read More »

Kaepalan isantabi para sa sambayanan

HINDI naman siguro tanga at lalong hindi naman bobo sina Department of Health Acting Sec. Jante Garin at AFP Chief of Staff, Gen. Catapang at sa halip ay magagaling na opisyal ang dalawa. Kaya nga sila pinagkakatiwalaan ng Pangulong Noynoy. Iniupo ang dalawa sa pinakamagarbong upuan ng kani-kanilang departamento dahil sa tiwalang malaki ang kanilang maitutulong sa bansa. Pero ano …

Read More »

Binay kasama sa pagpipilian ni PNoy (Bilang manok sa 2016)

INAMIN ni Pangulong Benigno Aquino III na kasama pa rin si Vice President Jejomar Binay sa mga pinagpipiliang presidential bet na posible niyang iendoso sa 2016 elections. Sa panayam sa Pa-ngulo ng Philippine media delegation sa Singapore kamakalawa, kinompirma niya na kinakausap niya ang mga grupong tumulong na maluklok siya sa Palasyo noong 2010 at umaayuda sa kanyang administrasyong hanggang …

Read More »

Mag-ingat sa pagbili ng condo sa Megaworld (Senate warned on mafia-like Megaworld)

Dear Senators, Over nine (9) years ago (Oct 2005), I bought a condo from Megaworld, at the Resorts World, next to the Marriott Hotel, just across NAIA 3, the contract says turnover was March 2010, when March 2010 came and I walked thru my condo, there were many defects so I did not accept turnover until all defects would be …

Read More »

‘Fix-cal?’

NAKALULUNGKOT isipin na ang mala-impiyernong braso ng katiwalian ay mukhang umabot na nga sa ating mga piskal, tulad nang nakita sa pagkakaaresto kamakailan sa isang prosecutor sa entrapment operation na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI). Sinunggaban ng mga ahente ng NBI si Quezon City Assistant Prosecutor Raul Desembrana habang tumatanggap ng P80,000 marked money mula sa abogado ni …

Read More »

Pagkakatiwalaan ba natin ang maiitim na kamay ni Binay?

SOBRA na ang pambabastos ni Bise Pre-sidente Jejomar Binay sa mga miyembro ng Ikaapat na Estado kaya nakapagtataka at nakapagdududa kung bakit punong-puno ang mga pahayagan ng mga istor-yang pabor sa kanya lalo kung katatapos lamang ng pagdinig sa Senado laban sa overpriced Makati Cityhall Building. Matapos obserbahan ang pakanang protesta ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez nitong Nobyembre 8, …

Read More »

Garin pinagbibitiw ng health workers

PINAGBIBITIW ng isang samahan ng health workers si Department of Health (DoH) Acting Secretary Janette Garin. Ito’y kasunod nang pagbisita ng opisyal sa mga peacekeeper na naka-quarantine kontra Ebola virus sa Caballo Island. Giit ni Dr. Genevieve Rivera-Reyes, secretary general ng Health Alliance for Democracy (HEAD), alam lahat ng mga doktor na mali at labag sa protocol ng quarantine ang …

Read More »

Mensahero agaw-buhay sa tandem na holdaper sa Binondo (Magdedeposito sa banko)

KRITIKAL ang kalagayan ng isang 32-anyos mensahero makaraan holdapin at barilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo sa Binondo, Maynila kamakalawa. Nilalapatan ng lunas sa Saint Luke’s Hospital ang biktimang si Vincent Besabe, ng Escolta Street, Binondo, Maynila Habang mabilis na tumakas ang mga suspek tangay ang halagang P150,000 cash na idedeposito sana sa Union Bank Escolta Branch. Ayon kay Senior …

Read More »

Austrian tiklo sa Subic (Wanted sa Europe)

MAKALIPAS ang mahigit isang taon na pagtatago sa Filipinas, naaresto ng pinagsanib na pwersa ng mga awtoridad ang isang Austrian na wanted sa Europe dahil sa internet fraud. Ang pag-aresto sa Austrian na si Andreas Woelfl sa compound ng isang exclusive villa sa Subic ay isinagawa nang pinagsanib na pwersa ng Bureau of Immigration, Philippine National Police-Region 3 at Austrian …

Read More »

9 karnap na sasakyan narekober sa Parañaque

NAREKOBER ng mga tauhan ng Anti-Carnaaping Unit ng Parañaque City Police ang siyam pinaniniwalaang karnap na sasakyan habang patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang magkapatid na karnaper. Ayon kay Parañaque City Police chief, Senior Supt. Ariel Andrade, ang magkapatid na sina Russel at Romulo Dolor Pacia Jr. ng 3 Chapel Road, Sun Valley, Brgy. 195, Pasay City, na kapwa nakalalaya pa, ay …

Read More »

14 karnaper tiklo sa QCPD

BAGSAK sa detention cell ng Quezon City Police District (QCPD) ang 14 karnaper makaraan maaresto ng mga operatiba ng QCPD sa Malabon City. Ayon kay Quezon City Police District Acting Director, Senior Supt. Joel Pagdilao, apat sa most wanted persons ng Quezon City ang magkakasunod na naaresto ng mga pulis kabilang ang nagpakilalang propesor sa Maynila. Isa sa apat naarestong …

Read More »

NCRPO nagbabala vs kawatan sa Holiday season

NAGBABALA sa publiko ang pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) laban sa pagsalakay ng mga kawatan na nagiging aktibo ang operasyon habang nalalapit ang holiday season. Partikular na tinukoy ni NCRPO chief Police Director Carmelo Valmoria ang pamamayagpag ng grupong Salisi Gang, Ipit Taxi Gang, Siksik Gang, Riles gang, Budol-Budol, Condo Criminal at Solicit Gang. Paalala ni Valmoria …

Read More »