Saturday , July 27 2024

Walang banta sa Papal visit

112014 pope francisTINIYAK ng pamunuan ng pambansang pulisya na nananatiling highly stable at manageable ang national peace and order and security situation ng bansa partikular sa tinaguriang domestic threat groups.

Ito ay kaugnay sa pagbisita ng Santo Papa na si Pope Francis sa Ene-ro 2015 at ang naka-takdang APEC head of states summit.

Ayon kay Directorate for Intelligence Deputy Director, Chief Supt. Ge-neroso Cerbo, patuloy na mino-monitor ng PNP ang ano mang developments at galaw ng local threat groups partikular sa Southern part ng Filipinas.

Sinabi ni Cerbo, wala pang positibong ugnayan kung anong grupo ang nagbabalak na maghasik ng karahasan sa nakatakdang major activities sa susunod na taon.

Siniguro ni Cerbo na ang PNP at ang buong intelligence community ay nananatiling nakaalerto at mapagmatyag nang sa gayon ay ma-monitor ang ano mang mga planong pagbabanta.

Giit ni Cerbo, hindi sila nagpapakampante, at ginagawa nila ang lahat para maging mapayapa at matagumpay ang na-sabing mga aktibidad.

About hataw tabloid

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *