Binay kasama sa pagpipilian ni PNoy (Bilang manok sa 2016)
INAMIN ni Pangulong Benigno Aquino III na kasama pa rin si Vice President Jejomar Binay sa mga pinagpipiliang presidential bet na posible niyang iendoso sa 2016 elections.
Sa panayam sa Pa-ngulo ng Philippine media delegation sa Singapore kamakalawa, kinompirma niya na kinakausap niya ang mga grupong tumulong na maluklok siya sa Palasyo noong 2010 at umaayuda sa kanyang administrasyong hanggang nga-yon, pati na ang pangkat ni Binay.
Matatandaan, nagwagi sa 2010 presidential elections si Pangulong Aquino dahil sa grupong Balay na nag-endoso ng โNoy-Marโ tandem nila ni Mar Roxas, at Samar Group na nag-endoso ng tambalang โNoy-Biโ nila ni Binay.
โAlam nโyo, matagal-tagal ko nang pinag-iisipan โyan, at pinipilit kong magkaroon ng consensus, โyung pagkakasunduan sa lahat ng mga grupong sumuporta sa atin at sumusuporta sa atinโsumuporta noon at sumusuporta ngayon. Gusto mong maiwan nang buo pagdating ng 2016 para manigurado na โyung mga pinaggagagawa natin ngayon ay maipagpatuloy, โdi ba?,โ anang Pangulo.
ย

