Monday , July 14 2025

Mensahero agaw-buhay sa tandem na holdaper sa Binondo (Magdedeposito sa banko)

080114 gun hospitalKRITIKAL ang kalagayan ng isang 32-anyos mensahero makaraan holdapin at barilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo sa Binondo, Maynila kamakalawa.

Nilalapatan ng lunas sa Saint Luke’s Hospital ang biktimang si Vincent Besabe, ng Escolta Street, Binondo, Maynila

Habang mabilis na tumakas ang mga suspek tangay ang halagang P150,000 cash na idedeposito sana sa Union Bank Escolta Branch.

Ayon kay Senior Inspector Alexander Rodrigo, hepe ng Manila Police District Theft and Robbery Section, dakong 2:30 p.m. nang maganap ang insidente sa harap ng Escolta Restobar sa Binondo.

Naglalakad ang biktima patungo sa nasabing banko, nang bigla siyang tutukan ng baril ng mga suspek saka inagaw ang dala niyang bag. Pumalag ang biktima kaya binaril siya ng mga suspek.

Nang makuha ang bag ay mabilis na tumakas ang mga suspek habang isinugod ng mga saksi ang biktima sa pagamutan.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Dave Gomez Sharon Garin

Gomez, bagong Press Secretary Garin, itinalagang Energy chief  

IPINAHAYAG ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., …

dead gun

Tagayan nirapido ng tandem, napadaan na katagay patay

ISANG 25-anyos na lalaki ang namatay habang sugatan ang dalawang iba pa nang pagbabarilin ng …

Marikina

Marikina LGU suportado shoe industry ng bansa

MULA noon hanggang ngayon, suportado ng Marikina City local government unit (LGU) ang kabuhayan ng …

PAGASA Bagyo LPA

Sa loob at labas ng PAR  
3 LPS INAANTABAYANAN

MASUSING binabantayan ng ­Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang tatlong low pressure …

Arrest Posas Handcuff

Illegal alien may patong-patong na kaso
Utol ng economic adviser ni Duterte inaresto

DINAKIP ng mga tauhan ng Pasay City Police ang Chinese national na si Tony Yang, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *