Wednesday , January 28 2026

Disenteng trabaho alay sa Parañaqueño (Mega job fair 2016)

Bulabugin ni Jerry Yap

PATULOY ang pagsisikap ng lokal na pamahalaan ng Parañaque City para iangat at bigyan ng disenteng pamumuhay ang kanilang constituents. Sa pamamagitan ng paglulunsad ng Mega Job Fair naniniwala si Mayor Edwin Olivarez na unti-unti ay makikita ng mga kabataan ang kahalagahan ng edukasyon at hanapbuhay. Bukas  Biyernes (19 Agosto 2016), mula 8:00 am hanggang 4:00 pm, gaganapin sa Parañaque …

Read More »

Odd/even 24-hours sa EDSA o MM ang dapat!

PERHUWISYONG problema sa trapik sa EDSA at maging sa secondary streets ang isa sa sinasabing pumapatay sa negosyo sa Metro Manila. Iyan ang lumabas sa pag-aaral kamakailan. Hindi lang milyon ang nawawala hindi umaabot na rin sa bilyon – sa loob ng isang taon marahil. Siyempre, kapag naapektohan ang ekonomiya ng bansa sanhi ng problema sa trapiko, lahat ay apektado …

Read More »

Maraming ‘naïve’ at ‘hipokrito’ sa ating lipunan

PANGIL ni Tracy Cabrera

When a man gives his opinion, he’s a man. When a woman gives her opinion, she’s a bitch. — Bette Davis PASAKALYE: BELATED happy birthday BONG SON… MARAMI ang nabigla sa malaking bilang ng mga drug pusher na sumuko sa mga awtoridad simula nang maupo bilang pangulo ng bansa si dating Davao City Mayor Rodrigo Roa Duterte. Ano ba sila, …

Read More »

Libing ni Macoy tantanan na

BAGAMA’T tuloy-tuloy na mga ‘igan, ang pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa “Libingan ng mga Bayani,” na siyang ipinangako ni Ka Digong sa sambayanang Filipino, ay paparami nang paparami pa rin ang mga petisyong itinataas sa Korte Suprema upang mapigilan ang pagpapalibing ng labi ni Macoy sa “Libingan ng mga Bayani.” Sus ginoo! Anak ng teteng! Kailan tatantanan ang …

Read More »

Pagkikita nina Chavit at Pia, ‘di totoong itinago

SA nakaraang pa-dinner ni ex-Governor Chavit Singson ay natanong siya kung okay pa rin bang lumaban ulit si Sen. Manny Pacquiao sa November? Nagsabi na kasi rati ang Pambansang Kamao na hindi na siya lalaban ulit at ang pagiging public servant na ang aasikasuhin. “Mas maraming ‘di hamak na gustong lumaban siya, eh. Nangako nga siya pero mas maraming may …

Read More »

Isabelle, nilinaw na wala silang gap ni Cristine

PABIRONG sinabi ni direk Ruel S. Bayani sa nakaraang bonggang pasasalamat presscon ng Tubig at Langis na ilang araw na lang mapapanood ito, ”ayoko namang sabihing ikakasal na kasi si Issa (tawag niya kay Isabel) kaya matatapos na ang ‘Tubig at Langis’, kasi ano pa ang mangyayari kapag nawala siya? “Let her (magpakasal), at saka patapos na rin naman talaga …

Read More »

Tambalang Vina at Ariel, may chemistry at may kilig

NARIRINIG din daw ni Vina Morales na maraming kinikilig na viewers sa kanila ni Ariel Rivera sa seryeng Born For You na kasalukuyang umeere ngayon sa ABS-CBN na pinagbibidahan nina Elmo Magalona at Janella Salvador. Ayon sa mga viewer na nanonood, mas may kilig daw kasi ang chemistry nina Vina at Ariel kompara kina Ariel at Ayen Munji-Laurel na gumaganap …

Read More »

Abe Pagtama, dream come true ang Los Angeles Philippine International Film Festival

INABOT ng fifteen years bago nagkaroon ng katuparan ang matagal nang pangarap ng Fil-Am Hollywood actor na si Abe Pagtama na magkaroon ng Los Angeles Philippine International Film Festival. “I started thinking about having a Filipino film festival in LA, about 15 years ago. The idea come to me when I found out that every Asian country has their own …

Read More »

Kitkat, balik-Kapamilya at hahataw din sa Dirty Old Musical

HATAW na naman sa work mode ang magaling na performer na si Kitkat. Ginagawa niya ngayon ang una niyang musical play at may bagong soap opera rin siya sa ABS CBN. Pinamagatang Dirty Old Musical, ito ay ukol sa isang all male group band noong 80’s na nagkaroon ng one time big time hit at nagkawatak-watak. Ngayong sila ay nasa …

Read More »

7 senador pinulong ni Digong

ISANG linggo bago simulan ng Senado ang imbestigasyon sa sinasabing extrajudicial killings dulot ng “drug war,” pinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pitong senador sa Palasyo kamakalawa ng gabi. Sa meeting sa State Dining Room sa Palasyo, nakasalo sa hapunan ni Pangulong Duterte sina Senators Joel Villanueva, JV Ejercito Estrada, Cynthia Villar, Alan Peter Cayetano, Ralph Recto, Richard Gordon, at …

Read More »

21-anyos bebot ibinugaw ng parak sa kapwa preso (May kasong droga)

ARESTADO ng kanyang mga kabaro ang isang pulis makaraan magsumbong sa isang police official ang 21-anyos babaeng preso na sapilitang ibinugaw sa isang inmate sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Valenzuela City police chief, Senior Supt. Ronaldo Mendoza ang suspek na si PO3 Fernando Mariano, 38, nakalataga sa Valenzuela Detention Cell Unit at residente sa Lot 7, Blk. …

Read More »

Kontrol sa pulisya at militar igigiit ni Duterte (Sa peace nego sa CPP)

IGIGIIT ni Pangulong Rodrigo Duterte na manatiling kontrolado niya ang pulisya’t militar sa idaraos na usapang pangkapayapaan ng kanyang administrasyon at Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa Oslo, Norway. Sa kanyang talumpati kamakalawa ng gabi, inilahad ng Pangulo na sa kanyang pulong sa NDF panel sa Malacañang, tinalakay nila kung paano …

Read More »

Tiamzons mananatili sa PNP Custodial Center (Tatlong court order wala pa)

MANANATILI sa PNP Custodial Center ang mag-asawang komunista na sina Benito at Wilma Tiamzon. Ayon kay PNP Headquarters Support Service (HSS) Chief Supt. Phillip Phillips, isang court order pa lamang ang natanggap nila para sa pansamantalang pagpapalaya sa mag-asawang Tiamzon. Sinabi ni Phillips, hinihintay pa nila ang release order mula sa tatlo pang ibang korte na may kasong kinakaharap ang …

Read More »

Drug ring sa killings tukoy na ng PNP

ronald bato dela rosa pnp

IBINUNYAG ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa, isang malaking sindikato ang nasa likod ng nagaganap na extrajudicial killings sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sinabi ni Dela Rosa, may ideya na ang PNP kung sino-sino ang nagpapatayan ngayon. Pahayag ng PNP chief, magugulat na lamang ang publiko dahil kanila itong ibubunyag lalo na kapag nakita ang data na …

Read More »

Death toll sa habagat 8 na — NDRRMC

UMAKYAT sa walo ang patay dahil sa pananalasa ng malakas na pag-ulan bunsod ng habagat na nagdulot ng pagbaha sa ilang lugar sa bansa. Iniulat ni National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) Executive Director at Undersecretary Ricardo Jalad, dalawa ang naitalang namatay sa Metro Manila, dalawa sa General Nakar sa Quezon province nang mag-collapse ang tunnel doon habang …

Read More »