Sunday , April 28 2024

Sylvia, puring-puri ang pagiging ma-respeto at lalim umarte ni Joshua

SOBRANG pinupuri ni Sylvia Sanchez si Joshua Garcia, ang gumaganap na apo niya sa seryeng The Greatest Love na nagsimulang umere na noong Lunes, Setyembre 5.

Kinumusta kasi namin ang katrabaho ng batang aktor na si Ibyang,”mabait siyang bata, ma-respeto, sobrang mahiyain nga lang,” bungad sa amin ng aktres.

Sumang-ayon kami sa sinabi ng aktres na totoong mahiyain nga si Joshua dahil huling nakausap namin siya ay bilang lang ang mga sinasabi nito at nagba-base lang ang sagot niya sa mga tanong sa kanya, hindi man lang nag-e-elaborate.

“Oo ganyan nga siya. Napagsabihan ko nga kasi sobrang mahiyain, ngingiti lang, nahihiya raw lumapit sa akin, sabi ko, dapat close tayo kasi apo kita rito. Eh, sabi niya, nahihiya nga raw siya baka isipin na feeling close, sabi ko hindi, mas gusto ko ‘yung malapit. Pansin ko, malambing siyang bata at ma-respeto at tahimik, sobra,” paglalarawan ni Gloria, karakter ni Ibyang sa TGL.

Binanggit din namin na pari ang nagpalaki kay Joshua at malapit siya sa lola niya kaya mabait na bata talaga at mahilig matulog.

“Ha, ha, ha, oo nga, napansin kong mahilig mahiga, matulog kapag walang gagawin. Tulog ng tulog,” tumawang sabi ni Sylvia.

At pagdating sa pag-arte, ”alam mo, may lalim umarte si Joshua, mabigyan lang ‘yan ng chance at magandang role, asahan mo, malayo mararating niya, magaling siya sa edad niyang ‘yan, malalim ang hugot.”

Marami kasing pain na pinagdaanan si Joshua kaya siguro nakakaarte siya, ‘di ba nga Ateng Maricris, iniwan siya ng nanay niya at an early age tapos titong pari ang nag-alaga sa kanya dahil ang tatay yata niya ay wala rin.

Sabagay, pansin naman sa batang aktor na magalang sa lahat at palangiti.

At isa pang napansin ni Ibyang, ”parang hindi siya mahilig sa gadgets, hindi ko nakikita, mas gustong matulog.”

Bumagay kay Joshua ang papel na apo ni Ibyang sa The Greatest Love na kasa-kasama niya dahil wala sa piling niya ang mga anak na sina Dimples Romana, Aaron Villaflor, at Matt Evans. Bagamat kasama sa bahay siAndi Eigenmann ay may sarili rin itong isyu sa katawan.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *