Thursday , May 23 2024

Direk Tonette, aminadong mas magaling si Direk Irene

NAKAGUGULAT na aminado si Direk Antoinette Jadaone na mas magaling na direktor sa kanya ang kaibigang si Irene Villamor na nagdirehe ng box office hit na Camp Sawi mula sa Viva at N2 Films na pinagbibidahan nina Bela Padilla, Andi Eigenmann, Kim Molina, Yassi Pressman, at Arci Munoz.

Lahat ng nakapanood ng Camp Sawi ay iisa ang sinasabi, napakagaling ng pagkakadirehe ni Irene at maging sa mga review na nabasa namin ay puring-puri ang pelikula.

May nabasa pa kami na mas magaling nga raw si direk Irene kay direk Tonette kaya naman pagkatapos ng Q and A presscon ng seryeng Till I Met You ay hiningan namin ng reaksiyon ang huli.

Napangiti si direk Tonette at sabay sabing, ”alam n’yo, hindi lang nabibigyan si Irene (chance), mas nauna lang siguro akong nabigyan ng opportunity na magdirehe, pero actually, magaling talaga si Irene.

“As in I will go as far I say na magaling talaga siya. Noong pumasok ako as script con (consultant), si Irene, matagal na siya kay direk Joyce, so nag-start din siya as script con kung paano rin ako pumasok kay direk Joyce.

“Noong pumasok ako kay direk Joyce, nawala ‘yung assistant director niya, at naging AD si Irene, tapos ako script con pa rin. So si Irene, matagal na siya kay direk Joyce na nag-AD.

“Panahon pa ng mga Piolo (Pascual) at Juday (Judy Ann Santos) (‘Till There Was Yo’ at ‘Don’t Give Up on Us’ movies), magaling talaga si Irene kasi siya ay very emotional direktor. Kunwari kung ako mas (forte) ang rom-com, si Irene sobrang sincere, very passionate director and nakita ko ‘yun sa ‘Relaks, Its Just Pag-ibig’ movie palang, sa amin dalawa ‘yun, co-writer and co-director. Pero ako lang ‘yung nababanggit noon.

“Kaya sobrang happy ako sa ‘Camp Sawi’ for Irene. Noong unang-unang ko palang napanood ‘yung rushes, sobrang nagandahan na ako talaga, kaya noong pinanood namin ‘yung premiere night, katabi ko si direk Joyce at next niya si Irene, sobrang happy talaga ako at pumapalakpak talaga ako for her (Irene) kasi first solo movie ni Irene ang ‘Camp Sawi’.”

Dapat pala may follow-up movie na kaagad si direk Irene.

“Actually, gusto pa ulit ni Irene mag-pelikula, marami siyang naka-bangkong (script),” sagot naman sa amin ng direktora.

Wala bang offer si direk Irene na mag-teleserye? ”Hindi ko alam, sinasabi ko nga sa kanya mag-serye siya, pero siguro may ganoon talaga kapag kunwari, kaka-break (launch) mo pa lang ng pelikula, nandoon ka pa sa high ng pelikula, gusto mo gumawa ulit ng pelikula.”

Iba-iba talaga ang trip ng mga direktor, ‘yung iba, mas type mag-serye lang kasi mas malaki raw ang kita. ‘Yung iba naman, mas type ang pelikula kasi mas mabilis makilala o sumikat.

Pero iba ang pananaw ni direk Antoinette, ”kasi siguro mas love nila ang TV kaya ayaw mag-pelikula. Kasi kapag love na love mo ang isang bagay, parang hirap umalis sa comfort zone mo.

“Like ako, noong pelikula pa lang, ang tagal ko nag-pelikula parang takot na takot akong mag-TV kasi baka may mali akong (gawin),” katwiran ng direktora.

Hindi naman din nagkamali si direk Tonette dahil ang ganda ng resulta ngOn The Wings of Love, ”natulungan kasi ako ng mga taong nasa paligid ko,” napangiting sabi sa amin.

Ngayong busy na ulit sa TIMY si direk Tonette ay malabo na naman siyang makagawa ng pelikula na aniya, ”oo, wala muna kasi baka mamatay na ako,” sabi kaagad sa amin.

Kung ganoon maghihintay ulit kami ng isang taon para mapanood muli ang pelikula ni direk Tonette kasi siguradong mahaba ang Till I Met You, ”ha, ha, ha, hindi naman, hindi ko alam. ‘Wag naman, gusto kong gumawa ng indi film,” tumatawang sabi sa amin.

Hala, ayaw na ni direk Tonette mag-extend ng mag-extend ang TIMY,”depende sa kuwento, pangit naman kung ini-extend lang dahil kailangan,”salo kaagad.

Dagdag pa, ”nami-miss ko na, kasi last indie ko, ‘That Thing Called Tadhana’, ang tagal na.”

Teka, bakit mas feel ni direk Tonette ang indie movie kaysa mainstream, eh, mas may pera rito.

“Mas maraming compromise kasi kapag mainstream (movie), sa indie, walang pera, pero in some magic may nagagawa maski wala kang budget,” katwiran sa amin.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Ralph Dela Paz

Coco at Ruru gustong makatrabaho ni Ralph Dela Paz

MATABILni John Fontanilla PAGKALIPAS ng ilang taon ay nagbabalik showbiz ang aktor, stage actor, at …

June Navaja Vincent Marcelo Piolo Pascual Toni Labrusca

Piolo at Toni wish makasama ng mga bida sa isang BL series

MA at PAni Rommel Placente SINA June Navaja at Vincent Marcelo ang mga bida sa BL series na My Bae-Bi …

Nash Aguas Mika dela Cruz Angelica dela Cruz 

Angelika nilinaw Mika ‘di buntis kaya nagpakasal kay Nash

MA at PAni Rommel Placente INIINTRIGA si Mika dela Cruz.  Buntis daw umano ito kaya bigla …

Jeric Gonzales Ruffy Biazon Trina Biazon Muntinlupa

Jeric Gonzales haharanahin mga Natatanging Ina ng Muntinlupa

RATED Rni Rommel Gonzales PASASAYAHIN at pakikiligin ni Jeric Gonzales ang mga taga-Muntinlupa City dahil haharanahin ng …

Blind Item, Mystery Man, male star

Aktor pa-victim ang drama, matapos magtago super pa-interview na

I-FLEXni Jun Nardo VISIBLE ngayon sa showbiz events ang isang aktor na nasangkot sa isang malaking kontrobersiya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *