Saturday , May 18 2024

Paglaladlad at pagka-inlavey ni JC Santos kay James Reid ikina-Shock ng televiewers ng “Till I Met You”

Although sa simula pa lang ay alam nang may lihim ang pagkatao ng karakter ni JC Santos bilang Ali sa toprating romantic-comedy series na “Till I Met You,” una, dahil mas gusto niyang maging chef kaysa maging kadete sa  PMA. Shock, pa rin sa maraming viewers ng TIMY sa pag-out ni JC.

Inamin niya sa ka-MU na si Iris (Nadine  Lustre) na in-love siya kay Basti portrayed by James Reid. Hanep ang performance na ipinamalas ni JC sa nasabing eksena mararamdaman talaga at kita sa facial expression na hirap siya sa pagtatago ng tunay niyang pagkatao na alam niyang hindi ganoon kadaling matatanggap siya lalo ng minamahal sa buhay.

Sa nasabing episode ipinakita na nagtapat na si Basti ng kanyang tunay na nararamdaman kay Iris, na nakilala niya sa Greece,  at nagtatrabaho siya bilang tour guide. Narinig ni Ali ang dalawa kaya sabay bitaw nito ng dialogue na “May gusto ka kay Iris, ang sakit,” sabay iwan sa kanila. Mas lalong magiging komplikado ang sitwasyon lalo’t gustong itago ni Ali ang nararamdaman kay Basti. Mas intense, mas mature ang parehong character ng JaDine loveteam at mas controversial kom-para sa On The Wings of Love.

Kaya umaapaw ang taas ng ratings nito gabi-gabi sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng number one action-drama series ni Coco Martin na “FPJ’s Ang Probinsyano na pumalo naman sa rating na 29.1%.

A huge success gyud!

Naging viral ‘yung sayaw ni Marian Rivera sa labas ng GMA network na isa sa pasabog na number last Sunday sa first anniversary ng “Sunday Pinasaya.” Super impressive ang rating ng unang part ng first birthday episode ng nasabing Sunday noontime comedy-variety show lalo sa mega-Manila.

Bukod kay Marian at mga regular host ng programa na sina AiAi Delas Alas, Jose Manalo, Wally Bayola, Alden Richards atbp ay pinasaya at pinakilig rin ni Alden at ng kalabtim na si Maine Mendoza ang lahat ng fans nila na nasa studio at bahay. Grabe, sobrang sweet ng AlDub sa kanilang number at bagay talaga ang dalawa na maging mag-sweetheart.

Nagtagumpay ang GMA-7 sa kanilang programa na binago ang nakasanayang palabas sa telebisyon tuwing Linggo ng tanghali. Kung dati kasi , puro sayawan at kantahan ang mapanonood sa timeslot, Ang Sunday Pinasaya, naghain ng komedya. Kaya huwag raw magtaka kung bakit pumatok sa mga Kapuso. Ang ganitong palabas, ay maiuugat sa isang uri ng pagtatanghal na pa-milyar sa mga Bodabil na tinangkilik ng maraming Filipino mula dekada 50 hanggang 70. Present ang big boss ng APT Entertainment na si Mr. Tony Tuviera at bigwigs ng Kapuso network na personal na sinuportahan ang anibersaryo ng SPS. Ngayong Linggo, inyong mapapanood ang part two ng selebrasyon.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *