Regine, โdi sinasabing may bayad ang anak (Sa pagiging PLDT Home ambassador ni Nate)
NAKATUTUWA ang bonding moment ng mag-inang Regine at Nate Alcasid. Madalas maglaro ang mag-ina kasama si Ogie Alcasid. Kaya hindi rin naging mahirap para kay Nate gawin ang commercial nilang mag-ina para sa PLDT Home para sa Smart Watch.
Ayon kay Regine, super nag-enjoy si Nate habang ginagawa ang TVC ng PLDT Home for Smart Watch.
โTheyโre enjoying the playing. May mga nag-a-assist sa kanya โyung kapag ginagawa โyung ganitong commercial kaya parang naglalaro lang naman siya,โ panimula ni Regine sa presscon/launching ng PLDT Home Smart Watchโs Peace of Mindโ campaign.
Anang Asiaโs Songbird, sinasabi niya kay Nate na, โHindi naman kasi laging mayroon (commercial), ine-explain ko sa kanya na โo youโre working ha, youโre working todayโ. Ganoon lang siya and behave naman siya.โ
Pero hindi raw niya sinasabi kay Nate na may bayad ang ginagawang trabaho. โHindi ko sinasabi kasi ayokong mag-isip na may pera o isipin niya ang tungkol sa pera. Pero nakaipon naman lahat ng kinikita niya. Ipe-placement ko siya para โpag tumanda siya kasi sayang eh kung andoon lang,โ esplika pa ni Regine habang sige naman sa pag-smile at pakikilaro si Nate.
Nilinaw din ni Regine na hindi sila mahilig ni Ogie sa sistemangย reward system. โHindi kami naniniwala na if you do good bibigyan kita ng ganito kasi parang lagi na lang na ganoon. Parang mamimihasa. Na laging may kapalit. Ang sa amin, you have to be a good boy because I say so.โ
Super enjoy naman si Nate sa Smart Watch ng PLDT Home gayundin si Regine na tamang-tama talaga para sa mga working mom na katulad niya. Si Nate na nga ang bagong kapamilya ng PLDT Home o ang baby ambassador.
โMalaki kasi ang maitutulong nito para sa mga working mom para lalo silang maging better mom,โ giit nito. โSpecifically I get a lot of help from PLDT Home. They have a suite of products and services that are designed to give moms like me peace of mind through the power of technology. So far, super helpful talaga siya for me especially when I have to away for work.โ
At bilang nangunguna sa digital innovations for the better home, nagdisenyo ang PLDT Home ng produktong makapagbibigay ng peace of mind sa mga magulang na tulad ni Regine para epektibong magawa ang mga bagay-bagay habang wala o malayoย sa kani-kanilang pamilya. Ang mga produktong ito ay ang FamCam at Smart Watch.
Ang FamCam ay isang home monitoring system na puwedeng mai-tsek ng mga magulang ang kanilang mga anak remotely at makipag-usap. Samantalang ang Smart Watch na personal na paborito ni Nate ay isang multi-functional gadget na puwedeng gamiting ng mga bata sa pagkuha ng picture, makinig ng music, at makapag-record ng voice.
Sabi nga ni Regine, mas madali na sa kanya na makausap si Nate dahil sa Smart Watch na naka-konek sa anilang Telpad o smart phone. Ginagamit din kasi ng pamilya nila bilang WiFi remote ito para sa Telpad o smart phone cameras para madali silang makapag-selfie o groupie saan man sila naroroon.
Kaya para sa mga millennial mom na katulad ni Regs, magpa-upgrade na ng Telpad plan na automatic na magkakaroon ng libreng 1Mbps Home DLS speed boost sa halagang P199 per monthย na puwedeng maisama sa Smart Watch. Available ang watch sa existing Telpad subscribers. Mag-order lang online at idedeliver ito sa inyo ng libre. Para sa ibang impormasyon bisitahin ang pldthome.com/telpad/smartwatch.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio
