Saturday , December 13 2025

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino tuwing gumagamit ng mga pirate site, ito ay ayon sa isang pag-aral. Ito’y nagpapaigting sa halaga ng pagpasa ng batas na magpapahintulot sa site blocking sa Pilipinas–panukala na nakabinbin pa rin hanggang ngayon. Sa pag-aaral ng Motion Picture Association (MPA) na isinulat ni Dr. Paul Watters ng Macquarie University, …

Read More »

Crown sa Miss Universe gawa ng Pinoy

Miss Universe crown

I-FLEXni Jun Nardo KAHIT hindi manalo bilang Miss Universe ang pambato ng bansa na si Chelsea Manalo, panalo na rin ang ‘Pinas dahil ang crown na gagamitin ngayon sa Miss Universe ay gawa ng isang Pinoy, huh! Sa Mexico gagawin sa susunod na araw ng pageant. Eh nang tanungin naming ang isang beauty pageants expert sa chances ni Chelsea, sabi niya, “Maraming kagaya …

Read More »

Roderick balik-GMA, ABS-CBN masikip na sa 2 Rhoda

Roderick Paulate Mga Batang Riles

I-FLEXni Jun Nardo NATUWA naman kami nang makita si Roderick Paulate sa trailer ng coming GMA series na Mga Batang Riles. Male young stars ng Kapuso Network ang mga bida sa series led by Miguel Tanfelix at Kokoy de Santos. Kasama rin sina Raheel  Bhyra, Bruce Roeland, at Antonio Vinzon. Ito raw ang papalit sa Pulang Araw series ng network. Nag-message kami kay Dick para hingan ng reaksiyon sa pagbabalik niya sa GMA. Wala pa …

Read More »

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

Tom Rodriguez

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat na buwang gulang na. si Korben. Pero teka bago kayo magtatalak diyan, tatlong taong mahigit na silang hiwalay ni Carla Abellana. Divorced na rin sila, kaya walang kaso kung magkaroon man ng anak si Tom na apat na buwan na. Hindi ninyo masasabing kinaliwa ni Tom si …

Read More »

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin ay i-withdraw ang petition for green card ng asawa niyang si Gerald Sibayan. Sabihin niyang iniwan siya niyon at tiyak mapauuwi iyon sa Pilipinas. Lalo na nga sa policy ngayon ni Trump laban sa mga alien workers sa US, tiyak mapapasibat iyon at kung mag-TNT at mahuli siya, …

Read More »

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

Robbie Jaworski Andres Muhlach

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang matinee idol talaga.  Ewam namin kung anong build-up ang gagawin sa kanya ng ABS-CBN, mahirap mo kasing masabi dahil wala naman silang prangkisa at aminado silang nalulugi ng P2-B taon-taon. Kasi para maipalabas ang mga ginagawa nilang content kailangan silang magbayad ng blocktime sa ibang …

Read More »

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa publiko tungkol sa isyu sa West Philippine Sea (WPS), at para makakuha ng suporta para sa Philippine Coast Guard at ibang ahensiyang kasama sa pagtatanggol ng ating teritoryo. Ibinunyag ito ni Padilla nitong Miyerkoles sa isang seremonya sa BRP Teresa Magbanua, kung kailan na-promote ang …

Read More »

Tulfo una sa bagong survey

Erwin Tulfo

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng Political Economic Elemental Researchers and Strategists (PEERS). Nakakuha si Tulfo ng 55.70 porsiyentong boto sa survey na ginawa sa buong bansa na may ±2.5 margin of error. Inihayag ito ng PEERS sa kanilang pagdalo sa lingguhang Agenda sa Club Filipino. Pumangalawa si dating senador Panfilo …

Read More »

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

Senate PCO

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na magsagawa ng seminar sa mga opisina ng Senado tungkol sa pagsugpo ng fake news. Ginawa ito ni Pimentel sa plenary deliberations ng 2025 General Appropriations Bill ng ahensiya nitong Miyerkoles, 13 Nobyembre 2024. “Siguro, if they are very experienced in operating training seminars on how …

Read More »

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

Siling Labuyo

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng siling labuyo at iba pang produktong agrikultural sa merkado bunsod ng mga nagdaang bagyo. Ito ang iginiit ni dating Senador Kiko Pangilinan, kasabay ng panawagan sa Department of Trade and Industry (DTI) at mga lokal na pamahalaan na tiyaking naipapatupad ang price freeze sa mga …

Read More »

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

Las Piñas Seal of Good Local Governance

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance (SGLG) 2024 mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG). Ang parangal na ito ay isang makasaysayang pagkilala sa lungsod, sa ilalim ng pamumuno nina Mayor Imelda Aguilar at Vice Mayor April Aguilar, na ipinagpapatuloy ang Tapat at Progresibong Serbisyo para sa Las …

Read More »

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. Iba-ibang genre na ang kanyang nagawa, kabilang sa mga pelikulang nagmarka talaga ang Hawla, Kubli, Scorpion Lovers, at iba pa. Ngayon ay may bagong pelikula si Direk Paul, ito’y pinamagatang “Ako Si Juan” na hango kay St. John of the Cross OCD. Tampok dito sina …

Read More »

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

Black

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong mapagkakatiwalaan, makatao, intelihente, at may pagmamahal sa bansa ang dapat iboto sa darating na May 2025 midterm elections.  Ang Independent Minded Group (IMG) ay isang boses ng mga mamamayan, mga magbubukid, laborers, guro, estudyante, at trabahador, ay humihikayat sa mga Filipino na ang kanilang mga …

Read More »

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

COMELEC Vote Election

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para mapawalang bisa ang joint venture ng  Commission on Elections (Comelec) at poll service provider na Miru System. Ayon kay Erice, dapat nang ideklarang null and void  ng SC ang kontrata sa pagitan ng Comelec at  MIRU matapos mag-withdraw ang local partner  nito na St. Timothy. …

Read More »

PH public schools kapos sa principal

Principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga pampublikong paaralan, bagay na makakamit kung babaguhin ang mga lumang polisiyang nananatili sa Department of Education (DepEd). Mahigit kalahati ng mga pampublikong paaralan sa bansa ang walang punong guro. Sa isang pandinig na pinamunuan ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), iniulat ng DepEd …

Read More »