Tuesday , December 10 2024
Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino tuwing gumagamit ng mga pirate site, ito ay ayon sa isang pag-aral. Ito’y nagpapaigting sa halaga ng pagpasa ng batas na magpapahintulot sa site blocking sa Pilipinas–panukala na nakabinbin pa rin hanggang ngayon.

Sa pag-aaral ng Motion Picture Association (MPA) na isinulat ni Dr. Paul Watters ng Macquarie University, ang mga Filipino ay 33 beses na mas maaaring ma-expose sa mga cyber threat kapag gumagamit ng mga sikat na website na may pirated content kompara sa mga lehitimong platform ng pelikula at TV.

Inilatag ang pag-aaral na ito sa isang anti-piracy symposium na inorganisa ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL), Alliance for Creativity and Entertainment (ACE), GMA Networks, Inc., at Globe.

Ayon kay Watters, nagiging target ng mga pirata ang mga Filipino dahil sa high internet at mobile data usage sa bansa. Aniya, kailangan magpatupad ng mga panukala para sa compliance at awareness building ukol sa panganib na dulot ng paggamit ng pirate sites.

Site-blocking of the most popular pirate sites is the most effective baseline option,” ani Watters sa isang fireside chat.

Para naman kay Yoly Crisanto, Chief Sustainability and Corporate Communications Officer ng Globe, kailangang amyendahan agad ng Kongreso ang Intellectual Property Code ng Pilipinas para paigtingin ang laban sa content piracy. Kapag nagsara na ang session ng kasalukuyang Kongreso at nakaupo na ang bagong liderato pagkatapos ang 2025 elections, balewala na ang lahat ng progreso sa panukalang batas na ito.

Isinusulong ng Globe ang isang ligtas na digital world. Ipinakikita ng pag-aaral na ito kung gaano kahalaga ang pagpasa ng batas na magpapahintulot sa site blocking upang protektahan ang mga consumer, lalo na ang ating mga kabataan, mula sa mga panganib ng paggamit ng pirate sites,” sabi ni Crisanto.

Mawawala ang lahat ng progreso sa pag-amyenda ng mga panukalang batas kapag natapos na ang kasalukuyang Kongreso at maupo ang mga bagong lider pagkatapos ng 2025 elections.

“Panawagan namin sa Kongreso na ipasa ang mahalagang batas na ito bago matapos ang kanilang sesyon para mas mapaigting ng batas laban sa piracy sa ating bansa,” giit pa ni Crisanto.

Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta

NAGKAISA ang ilang malalaking personalidad sa entertainment industry para suportahan ang  panawagan para mas epektibong pigilan ang content piracy.

Sa isang fireside chat na pinangunahan ni TV host Pia Guanio, idinetalye nina Team Globe of Good Ambassadors Edu Manzano, Shaina Magdayao, at Kim Atienza, kung ano ang masamang epekto ng piracy sa entertainment industry.

Ayon kay Edu, dating head ng Optical Media Board, noon ay umaabot sa 200 pelikula ang nagagawa ng Philippine film industry sa isang taon. Pero dahil sa piracy, bumaba na ito sa mas mababa pa sa 30 pelikula kada taon. Dahil dito, maraming  entertainment industry workers ang nawalan ng trabaho.

“It was a tough time because we could not find work for over 9,000 unemployed workers in our industry. We saw the direct effect. Sad to say people show up in the office to ask for a buck or two,” ani Edu ukol sa dinanas na hirap ng industriya noong unang umusbong ang piracy.

“To this day, I have to say that the industry has not recovered,” aniya.

Idinagdag pa ni Edu, dapat magpasa ng matinding batas para masawata ang piracy.

“Right now, with the way it’s going, I personally feel that we need legislation. We have to pressure like-minded members of the House of Representatives and the Senate and let them realize that laws become flawed soon after they pass because technology advances at an amazing pace,” aniya pa.

Sinabi naman ni Shaina na nagiging hadlang ang piracy sa paglago ng entertainment industry ng Pilipinas kahit kaya sana nitong makipagsabayan sa ibang bansa.

“At the end of the day, to be honest, as a worker myself, show business is a “business.” If walang ROI ang producers and investors because people are not willing to go to the cinemas anymore or pay legit streaming channels, producers won’t be investing in our talent and work anymore or even funds to train, educate and hone the talents of emerging filmmakers in the country,” sambit ni Shaina.

Lagi ko rin iniyayabang sa foreign producers whenever I attend International festivals na maganda ang Pilipinas. We have beautiful locations, beautiful people and talents ….. but how will we, as talents and as an industry grow and expand if no one invests? Piracy limits Filipinos from reaching global cinema na kayang-kaya naman sana natin, given the proper opportunity, help and support,” dagdag pa ng kapatid ni Vina Morales.

Matagal nang itinataguyod ng Globe ang mas ligtas at responsableng digital space. Bilang isang miyembro ng AVIA-CAP at Video Coalition of the Philippines, aktibong sinusuportahan ng Globe ang panukalang payagan na sa bansa ang site-blocking sa ilalim ng Intellectual Property Code.

Naniniwala ang Globe na dapat protektahan ang industriya ng paglikha para matiyak ang isang sustainable na kinabukasan para sa mga content creator at consumer. Ang matagal na nitong kampanyang #PlayItRight ay nagpapataas ng kamalayan ng publiko sa mga panganib ng content piracy at nagsusulong ng mas maigting na proteksiyon para sa industriya ng bansa.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Judy Ann Santos Chito Roño Lorna Tolentino Janice de Belen Chanda Romero

Direk Chito muling makikita bagsik bilang Master Horror Director

I-FLEXni Jun Nardo PINAKAMAGASTOS na horror movie na ginawa ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso ang Espantaho. Ito rin …

SPEEd Christmas Party

SPEEd magdo-donate sa mga nasalanta ng kalamidad 

MAKULAY at makabuluhan ang Christmas Party ng Society of Philippine Entertainment Editors(SPEEd) ngayong taon na dinaluhan …

GMA7 ABS-CBN

GMA bilib sa pagka-creative ng ABS-CBN

IYONG ABS-CBN naman ang husay gumawa ng mga drama. Maski nga ang dati nilang kalaban noong may …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris at Anthony pinagwelgahan na ng mga produktong ineendoso

HATAWANni Ed de Leon NOONG una naming marinig ang statement at apology na ginawa niyong …

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night FEAT

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night

METRO MANILA – BingoPlus, the country’s most comprehensive digital entertainment platform, together with your 24/7 …