Tuesday , December 24 2024

Showbiz

2nd QC Pride March, sa Dec. 5 na!

MATAGUMPAY ang unang isinagawang LGBT Pride March noong 2014 ng Quezon City Pride Council, kaya naman muling magsasagawa ng Pride March ang organizer na may temang Magkakaiba at Nagkakaisa, sa December 5,  Huwebes, sa Tomas Morato, Quezon City. Para sa taong ito, ipinapangako ng organizer na may pawang mga exciting activities ang isasagawa tulad ng Pride parade, pride program kasama …

Read More »

Direk Caparas, hands down sa galing ni Andi

HINDI naiwasang ikompara si Andi Eigenmann kay Hilda Koronel dahil ang huli ang unang gumawa ng Angela Markado (1980). Expected na rin naman ito ni Andi. Ang Angela Markada ni Hilda noon ay hinangaan lalo’t ang magaling na director na si Lino Brocka ang nagdirehe nito at napakahusay ang pagkakaganap dito ng aktres. Sa bagong Angela Markado, si Direk Carlo …

Read More »

Elmo, excited nang makatrabaho si Janella

GRATEFUL si Elmo Magalona sa limang taong ibinigay sa kanya ng GMA7 para ipakita ang kanyang talento sa pag-arte at pagkanta. Pero dahil nais pa niyang mag-grow at tapos na rin naman ang kanyang kontrata sa Kapuso Network, lumipat na siya ng ABS-CBN. Hindi raw siya lumipat dahil pinabayaan siya ng kanyang unang network kundi nais din niyang makatrabaho ang …

Read More »

“A Second Chance” movie nina John Lloyd at Bea certified blockbuster agad sa loob ng dalawang araw (Pelikula puring-puri ng mga director)

Phenomenon talaga ang One More Chance, nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na naging iconic ang mga character na ginampanan sa pelikulang ito bilang mag-sweethearts na sina Popoy at Basha. Tumatak sa kanilang followers ang pinakawalang mga hugot line sa movie na “Sana ako pa rin. Ako na lang. Ako na lang ulit,” na dialogue ni Bea kay Lloydie …

Read More »

Sa Because of you ng GMA 7, Carla Abellana pag-aagawan nina Gabby Concepcion at Rafael Rosell (Pilot episode ng soap mapapanood na tonight)

MASAYA si Carla Abellana at malaki ang pasasalamat ng magandang aktres sa GMA dahil hanggang ngayon ay patuloy siyang nabibigyan ng magagandang project ng kanyang mother network. Ngayong gabi mapapanood ang pilot episode ng bagong teleserye ni Carla na “Because of You,” sa GMA Telebabad right after Little Nanay. Feeling relax at enjoy raw ang aktres sa kanilang tapings. Maski …

Read More »

ABS-CBN Integrated Public Service bumuo ng mga health center

NAGKAISA ang ABS-CBN Integrated Public Service (IPS) at Health Futures Foundation Inc. (HFI) sa layuning bumuo ng mga pangmatagalang health center sa mga komunidad sa ilalim ng proyektong Building Sustainable & Caring Communities (BSCC) lalo  na sa Brgy. Looc, Balete, Batangas. “Sa paggawa ng health center, tiniyak naming malilinang maige ang limang sangay ng health and wellness: basic health care, …

Read More »

Polo, parang nagsisimula pa lang ang career

PAGKATAPOS ng press conference nila niyong Angela Markado ay nakausap pa namin ang isa sa mga actor na gumanap din bilang rapist ni Angela, si Polo Ravales. Inamin ni Polo na malaking bagay para sa kanya ang pelikulang iyan. Iyong huli raw niyang pelikula ay isa lamang indie na ginawa niya noong nakaraang taon pa. Iyong huli niyang mainstream movie …

Read More »

Angela Markado movie, brutal dahil bayolente

SA pagkakataong ito, si direk Carlo J. Caparas mismo ang gagawa ng remake ng kanyang kuwentong Angela Markado, na naisapelikula na rin naman noong araw sa direksiyon ni Lino Brocka. Pero sinasabi nga ni direk Carlo, ang pelikula ni Brocka ay umani ng awards dito sa Pilipinas at maging sa abroad, pero ang nakikita naman niyang advantage, dahil siya ang …

Read More »

TV5 Entertainment TV, pasisiglahin ng Viva Entertainment

MAS pinasiglang TV5 ang dapat abangan ng mga manonood sa pagpasok ng 2016! Sa kabila ng mga usapin nitong mga nakaraang buwan na sisinghap-singhap, kundi man, tigok na ang departamentong Entertainment TV ng nasabing estasyon, parang dextrose na bubuhayin itong muli ng Viva Entertainment, siyempre, sa pamumuno ni Boss Vic del Rosario. With Viva’s entry, asahan ang napakalaking pagbabago sa …

Read More »

Kathryn, itiniwalag na ba o tinalikuran na ang INC?

FOR sure, sa paglabas ng kolum na ito’y may linaw na tungkol sa status niKathryn Bernardo na kabilang sa Iglesia Ni Cristo (INC). As we go to press, kahit ang mga balita sa ilang tabloid—in at least three days ng aming pagmo-monitor—ay walang tuwirang impormasyon kung itinawalag na ba o kasapi pa rin ang young actress sa INC following her …

Read More »

Sylvia at Ningning, muling tumanggap ng pagkilala

KINILALA ang mag-lolang Ningning (Jana Agoncillo) at Mamay Pacing (Sylvia Sanchez) ng top-rating ABS-CBN tanghali serye na  Ningning dahil sa kanilang angking galing sa pag-arte ng magkaibang award-giving bodies. Hinirang si Jana na Best Child Actress sa 2015 Philippine Edition Network’s 4th Reader’s Choice Television, isang annual online entertainment voting awards ng blog site na Philippine Edition Network. Pinabilib rin …

Read More »

AlDub at LizQuen, kapwa German Moreno Power Tandem awardee

PAREHONG bibigyan ng German Moreno Power Tandem  sina Alden Richardsat Maine Mendoza, Enrique Gil at Liza Sobearano sa 29th PMPC Star Awards For TV na gaganapin sa December 3 sa Kia Theater. Sa isang panayam, sinabi ni Enrique na suportahan na lang ng fans ang love teams at iwasan ang pag-Aaway-away. Happy din si Quen (tawag kay Enrique) sa tinatamasang …

Read More »

Guesting ng UpGrade sa Rated K, twice nag-trending

MULING umariba ang grupong tinaguriang Trending Cuties dahil dalawang beses nag-trending ang guesting ng isa sa group internet sensation, ang UpGrade na kinabibilangan nina Casey Martinez, Rhem Enjavi, Raymond Tay, Miggy San Pablo, Ivan Lat, Armond Bernas, at Mark Baracael sa Rated K hosted by Korina Sanchez last Sunday, Nov. 22 sa hashtag na #UPGADEonRatedK at #WatchUPGRADE. Nagpapasalamat nga ang …

Read More »

Sunshine, gustong bumalik sa pagkokontrabida

“I don’t know. I just want to constantly offer something new. Parang I don’t want to be stuck to one role.” Ito ang pahayag ng award winning actress na si Sunshine Dizon na gustong subukan muli ang kontrabida role para maiba naman. Anito, “Kasi, feeling ko rin naman na I’m at the point of my career na parang I’m not …

Read More »

Atty. Persida, ‘di halatang kabado sa pag-arte

SOBRANG Excited  na ang masipag at mabait na Public Attorney’s Office  ( PAO ) Chief na si Atty. Persida Acosta dahil hindi man siya aktres ay nabigyan siya ng magandang role sa Angela Markado ni Direk Carlo Caparas na ipalalabas sa December 2 na isang abogado ni Andi Eigenmann ang role niya. Ani Atty. Acosta, “Malapit sa puso ko  ang …

Read More »

Aldub Nation, titiyakin ang pangunguna ng My Bebe Love

GRABE ang dating ng trailer ng My Bebe Love, isa sa mga official entries ng 2015 Metro Manila Film Festival na pinagbibidahan nina Ai Ai delas Alas, Vic Sotto, at ng Phenomenal tandem nina Alden Richards at Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza at mula sa direksiyon ni Joey Reyes. Hindi nga magkamayaw sa katitili ang mga tao sa isang sinehan noong …

Read More »

Music, posibleng bonding nina Janella at Elmo

SI Janella Salvador ang leading lady ni Elmo Magalona sa first niyang teleserye for ABS-CBN, ang Born For You. When asked kung nakapag-bonding na sila ng bagong Kapamilya actor, Janella said, ”Well, hindi pa kami talaga masyadong nag-uusap. Nag-meet lang kami pero I see him as a very nice guy, napaka-gentleman. He’s friendly naman.” Nang matanong naman si Elmo about …

Read More »

Regine, ‘di totoong mag-oober-da-bakod sa Dos!

NALOKA marahil si Regine Velasquez-Alcasid sa chikang kumakalat sa social media na lilipat na siya sa ABS-CBN. Kalat na kalat na kasi ngayon sa internet na   tapos na ang negotiation para makalipat siya sa Dos. Napilitang magsalita si Songbird tungkol dito at sa Facebook niya inilagay ang kanyang sagot. “Thank you, actually I’m not moving. I don’t know where that …

Read More »

Kayla Acosta, biggest break ang pelikulang Angela Markado

ITINUTURING ni Kayla Acosta na biggest break niya ang pelikulang Angela Markado na pinagbibidahan ni Andi Eigenmann. Ito ay mula sa Oro de Siete Films at sa direksiyon ni Carlo J. Caparas. Si Kayla ay 23-year old na graduate ng Ateneo. Una siyang lumabas sa Maratabat ni Direk Arlyn dela Cruz na prosecutor ang naging papel. This time, isa namang …

Read More »

Sunshine Cruz, gustong makatrabaho si Vice Ganda

sunshine cruz

AMINADO si Sunshine Cruz na idolo niya si Vice Ganda. Kaya naman nang naging Hurado ang magandang aktres last week sa It’s Showtime, sinabi ni Shine na enjoy siya kapag nagge-guest sa noontime show ng ABS CBN at masaya siya dahil suki ba siya sa naturang show. “Super nag-enjoy ako, suki kasi ako rito sa It’s Showtime. Pang ilang beses …

Read More »

Charo, ibinida ang Filipino content sa International Emmy Awards (Piolo, naggawad ng parangal sa Best Telenovela category…)

IPINAGMALAKI ni ABS-CBN President, Chief Content Officer, at CEO Charo Santos-Concio ang husay ng mga Filipino sa larangan ng paggawa ng mga dekalibreng programa sa telebisyon sa ginanap na 43rd International Emmy Awards sa New York na siya ang napiling kauna-unahang Filipino Gala Chair. Sa talumpati ni Concio sa harap ng pinakamahuhusay na TV producers, creatives, at talents sa mundo, …

Read More »

Paulo, makakaribal ni James kay Nadine

TIYAK na maraming fans ang aalma sa paglabas ng karakter ni Paulo Avelino sa tumitinding kuwento ng hit ABS-CBN primetime teleserye na On The Wings of Love. Paano’y makakaribal ni James Reid (Clark) sa puso ni Nadine Lustre (Leah) si Paulo na gagampanan ang papel ni Simon, ang bagong boss ni Leah sa advertising firm na kanyang pinagtatrabahuan. Kung nagugulo …

Read More »

Shaun, dinuro ni Bret dahil kay Ella

“DINURO-DURO ni Bret (Jakcson) si Shaun (Salvador) sa dressing room noong TV5 trade launch. Galit na galit si Bret,” ito ang halos hindi humihingang kuwento sa amin sa kabilang linya. Kuwento sa amin, bigla na lang daw pumasok si Bret sa dressing room o stand by area ng cast ng #ParangNormalActivity habang isinasagawa ang trade launch ng TV5 sa Valkyrie …

Read More »