MAY koneksiyon pa rin kaya sa nakaraang eleksyon ang pambabastos kay Daniel Padilla sa nakaraan niyang show sa Isabela?
May mga grupo ng kalalakihan na nag-mid-finger sa kanya at sinisigawan umano ng ‘shutup’. Kitang-kita ni DJ ang pambabastos sa kanya.
Hindi totoong hindi siya pumalag. Napikon siya at nawalan ng control.
Napanood namin ang video na kumakanta siya sa entablado. Kasabay nito, nagsumbong si DJ at itinuturo ang mga grupong nag-bad sign sa kanya. Tapos binalikan niya ng tingin ang grupo at sinigawan ng , ”Oh, ano nasaan na kayo?”
Sinundan pa niya ito ng, ”Gago pala kayo, eh” na ibinaba ang mic pero nahagip pa rin ang boses niya. Medyo itinigil niya ang pagkanta at sinabayan din niya ng paghingi ng pasensiya.
Sa oras na ‘yun ay ipinakita ni DJ na tao lang siya at nasasaktan. Pero may mga taong nalungkot din sa reaksiyon niya dahil nagpahalatang napikon ito.
Biro naman ng isang katoto, okey lang daw kung nakapagmura si DJ sa stage dahil ‘yan na raw ang uso. Si Digong nga raw ay nagmumura rin sa harap ng TV camera.
Aray ko po!
Anyway, mukhang sunod-sunod ang kanti ng mga basher kay Daniel mula noong mag-endorse siya ng kandidato.
Sana magsilbing leksiyon na sa kanya na ‘wag ‘yung malaking pera na kikitain ang titingnan kundi ‘yung epekto ng pag-endoso sa election. Hindi naman kasi isasaalang-alang ng netizens kung ano ‘yung paniniwala at prinsipyo niya kaya ikinampanya niya ang kandidatong ‘yun.
Pag natalo pa ang inendoso niya, sa kanya pa rin ang balik at sisi. Nakababawas sa pagiging effective niyang endorser.
Gayahin niya ang mga big star ng Viva gaya nina Sarah Geronimo, James Reid, Nadine Lustre na hindi na pinayagan ni Boss Vic Del Rosario na mag-endorse ng kanilang mga artista dahil alam na niya na ganito ang mga feedback after ng election.
Ingat-ingat din sa pagtangap ng pagkakakitaan ‘pag may time!
TALBOG – Roldan Castro
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com