Thursday , June 4 2026

Mariel, pinangaralan ng mga basher

SLIGHTLY ay naimbiyerna si Mariel Rodriguez dahil sa ilang bashers sa kanyang social media account.

Kung ano-ano kasi ang comment nito dahil sumakay ng eroplano ang TV host kahit na buntis.

“ate wag sana travel muna. I hope bed rest muna para alagaan ang bby. Sana mag tyloy2 na at nang makta na namen ang bby mo. Concerned lang po.”

“diba ilang beses ka na nag miscarriage? Tapos nag ttravel ka pa? dapat nasa bahay ka na lang bed rest. Minsan kayo rin gumagawa ng mga bagay na ikakasakit niyo eh.”

“Sana ingatan mo mariel ung pagbubuntis mo… dahil mahirap ung end time knang nawalan…makakain mo naman ung pagkain na favourite mo khit nasa pinas ka lang. ang importante ung safety nyo ng baby mo.”

‘Yan ang comments ng mga follower ni Mariel na tila hindi nagustuhan ng TV host kaya naman rumesbak siya at sinabing, ”buti na lang happy ako. ‘Pag natapat na may topak ako…papatulan ko ‘yung mga kung mag comment akala alam nila lahat.  I am grateful sa concern. Even more grateful sa prayers pero ‘yung mga tactless…not worth my precious time. I will focus on the positive continue being happy and I will enjoy this beautiful journey.”

May mga nag-comment pa rin against her as one said, ”May point naman ‘yung mga sinabi ng mga nag-comment at saka people won’t be able to help it na mag-advice ng ganyan eh sila ‘yung nagpaalam sa lahat ng tao na twice na siya nakunan. It’s her life and choices nga naman pero common sense will tell you to take every safety measures needed. Tulad nga ng sabi niyong isang nag-comment, minsan sila rin naghahanap ng ikasasakit nila.”

“air travel is stressful to both mom and fetus…changes of altitude, time zone etc. i traveled 6 wks preggy nahirapan ako, lalo pa siguro siya. mashadong makulit! good luck!” say naman ng isa pa.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …