Thursday , June 4 2026

James Robert, game magpaka-daring sa pelikulang Balatkayo

00 Alam mo na NonieBIGGEST break ng newcomer na si James Robert ang pelikulang Balatkayo na pinagbibidahan nina Aiko Melendez, Polo Ravales, Nathalie Hart, at iba pa. Ito’y mula sa pamamahala ni Direk Neal ‘Buboy’ Tan.

Mapapanood din sa pelikula si Christine Barreto na tulad ni James ay kabilang sa unang batch ng mga bagong mukha na bibigyan ng break sa showbiz ng BG Productions International na pag-aari ng businesswoman na si Ms. Baby Go.

Si James ay tubong Cebu City, 21 years old at graduate ng BS Nursing. Nakalabas na siya sa ilang shows ng GMA-7. Naging lead actor sa Cebu Catholic Television Network na nanalong Best Actor sa 2015 Film festival doon.

Gaganap siyang anak nina Aiko at Polo na masasangkot sa isang video scandal.

Hindi ba siya nagdalawang isip na magpaka-daring dito? “Noong una po kasi, sinabi po muna ng manager ko (Benjie Alipio) na ganito yung mangyayari. So, tinanggap ko rin naman kasi parang napaka-challenging po kasi. First time ko, tsaka mas maganda po yung challenging role para gumaling ka talaga.”

Hindi ka ba nahirapan magdesisyon sa gagawin mong daring role rito?

“Nahirapan po ako, kaunti lang pero mas nangingibabaw pa rin po sa akin yung trabahong natanguan ko, na dapat kong gawin.”

Anong ipapakita mo rito sa Balatkayo, anong ipapasilip mo? “Buong katawan po yata eh, hahaha!” Nakatawang saad niya. “Abangan na lang po ninyo.”

Game ka bang magpakita ng butt dito, kung sakali?

“Opo, kung talagang kailangan sa pelikula, ‘di ba? At saka trabaho lang naman eh. Wala pong ano, walang malisya, kumbaga,” esplika pa ni James.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …