Friday , November 22 2024

Bulabugin

Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw

HETO pa ang isa! Matigas (ang mukha) na pinaninindigan ni Commission on Elections (COMELEC) retirabale chairman Sixtong este Sixto Brillantes, Jr., na dahil malapit na siyang magretiro kaya hindi na siya lumalahok sa mga deliberasyon sa poll body. ‘Yan ay sa harap mismo ng hearing sa joint congressional oversight committee (JCOC) on automated elections na nag-iimbestiga sa alegasyon ng iregularidad …

Read More »

Tumimo kaya kay DSWD Sec. Dinky Soliman ang homiliya at mga pahayag ng Santo Papa?!

BAKIT kay Social Welfare Secretary Dinky Soliman natin itinatanong ito? Sa temang Mercy and Compassion, ipinakita at ipinadama ng mahal na Santo Papa – Pope Francis – ang kanyang pagpapahalaga at pagmamahal sa mga bata at matatanda lalo na yaong may mga sakit at mahihirap. Ganoon din, binigyang-diin niya ang paggalang sa damdamin ng mga kababaihan lalo na kung sila …

Read More »

Mga pulis sa papal visit nabukulan?!

HETO pa ang isang walang konsensiya. ‘Yung mga pulis na nag-duty nitong nakaraang Papal Visit ay dapat tumanggap ng P2,400 sa kabuuan ng kanilang tour of duty. Actually, maliit pa nga ‘yan kung ikukumpara sa ginawa nilang pagbabantay. Kumbaga, talagang todo ang pagtatrabahong ginawa nila. Ulanin at arawin ay hindi sila umalis sa kanilang puwesto para lamang ipakita sa buong …

Read More »

Maraming Salamat Sto. Papa Francisco!

NAGSITIKLOP ang mga TRAPO (traditional politician) sa pagbisita ni Jorge Mario Bergoglio a.k.a. POPE FRANCIS sa ating bansa mula Enero 15 hanggang Enero 19. Pero hindi nagsitiklop ang mga TRAPO dahil inirerespeto nila ang nasabing pagbisita. Nagsitiklop sila dahil sila ang unang tinamaan ng mga pahayag ni Pope Francis laban sa korupsiyon. Sa kanyang pagdating sa bansa agad nanawagan ang …

Read More »

PIO ng Caloocan City nanghihingi ng komisyon?!

NITONG nakaraang anibersaryo ng HATAW naglabas ang ating pahayagan ng mga solicited advertisement sa iba’t ibang personahe, company, government agencies and  local government units (LGUs). Natuwa tayo dahil isa ang Caloocan City sa pamumuno ni Mayor Oscar Malapitan na sumuporta at nagbigay sa atin ng isang pahinang advertisement ukol sa kanyang mga accomplishment sa lungsod at mga bagong programa. Ang …

Read More »

Sumadsad na naman si VP Jejomar Binay

PARANG batong inihulog sa gilid ng bangin ang latest SWS survey kay Vice President Jejomar Binay. ‘Yun bang bato sa gilid ng bangin na unti-unting dumadausdos pero hindi tumitigil. Sa pinakahuling survey, dumausdos pa ng 5 porsiyento si Binay. Pero sabi ng kanyang bagong Spokesman na si Atty. Rico Queso ‘este Quicho, okey lang ‘yun dahil number one pa rin …

Read More »

Seguridad para kay Pope Francis huwag naman gawing overacting

Napanood natin sa telebisyon ang pagbisita ni Pope Francis sa Sri Lanka. Ang una nating napansin, napaka-normal ng sitwasyon. Maraming tao, may security force, pero hindi overacting. Nagugulat kasi ako sa mga press releases na nababasa ko nitong mga nakaraang araw tungkol sa ginagawang preparasyon ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa pagdating ni Pope Francis. Aba ‘e parang sa …

Read More »

Repair ng footbridge sa Brgy. Sto. Niño, Parañaque City tunay na perhuwisyong bayan!

AKALA ng mga taga-Paranaque mababawasan na ang nararamdaman nilang stress tuwing mapapadaan sila diyan sa Sucat Road mula Multinational Village hanggang Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Tapos na raw kasi ang ginagawang repair sa nabanggang Sto. Nino Footbridge noong nakaraang taon kaya inisip nilang giginhawa na ang traffic sa Sucat Road. Pero mali na naman pala ang kanilang akala, kasi …

Read More »

Solaire Casino napasok ng sindikato

BAGO matapos ang taon 2014, naging mainit na usap-usapan ang isyung napasok ng sindikato ang Solaire Casino. Halos ilang buwan umanong namayagpag ang nasabing sindikato at milyones (kuno) ang nadale sa Solaire casino. Ayon pa sa ating impormasyon, pineke ng sindikato ang P10k-worth Casino chip. Napakahusay umano ng pagkakapeke kaya kahit ang kanilang chip machine detector ay hindi ito nakilatis. …

Read More »

Davao Immigration mukhang sasalto na kay Mayor Rudy Duterte

PANAHON na upang tuluyan nang harapin ni Immigration Commission Siegfred Mison ang sindikato naman ng mga kotongero sa Davao Immigration. Mukhang hindi umano nakontento sa mga nabibiktima nilang mga dayuhan kaya maging ang local government unit (LGU) na pinamumunuan ni Mayor Rodrigo Duterte ay inilakad ng KOTONG sa mga Bombay. Mayroon umanong impormasyon at sumbong na nakaabot kay Mayor Duterte …

Read More »

Breakfast forum ni Mayor Fred Lim biglang dinumog

NAKAGUGULAT ang biglang pagdami ng mga nagsisidalo, umaaligid o nagsi-uzi sa Breakfast Forum ni Mayor Alfredo Lim. Dati kasi ang nakikita nating regular na dumarating lang ay sina Itchie Cabayan, Jerry Tan, Caloy Baltazar at ilang beterano at ilang senior citizen na hindi na kayang tawaran ang katapatan at paghanga kay Mayor Lim. Pero nagulat tayo nang mapansin natin na …

Read More »

37,000 puwersa ng pulis at militar itututok kay Pope Francis (May snipers pa raw?!)

SA SOMALIA ba o sa Philippines dadalaw si Pope Francis ngayong darating na Huwebes?! Hindi kaya OVER ACTING na ‘yang inihahandang seguridad para sa Santo Papa? Kung 37,000 pulis at militar ‘yang security force, aba ‘e sila lang pala ang ookupa sa kalye at makatatanghod kay pope Frances. Hindi ba’t ang special request ni Pope Francis ay makadaupang-palad niya ang …

Read More »

Sumisirit na presyo at buwis pasabog ng 2015

PAGKATAPOS ng dagdag-pasahe sa MRT at LRT na talagang ikinadesmaya ng sambayanang commuters (mula P15 naging P37) heto na naman ang taas-singil sa serbisyong tubig. Hindi pa nga natin nararamdaman ang komportableng serbisyo ng dalawang concessionaire ng Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS), nagkaroon pa sila ng lakas ng loob na magdagdag ng singil sa kanilang serbisyong mas mabilis lang …

Read More »

MPD PS-3 Plaza Miranda PCP tahimik pero sagasa pa rin sa “intel”?!

Matapos ang kapistahan ng poong Nazareno ay usap-usapan pa rin sa hanay ng pulisya sa Manila Police District (MPD) ang tahimik pero malalim na ‘intel’ ng ilang operatiba ni Plaza Miranda PCP commander TINYENTE ROMMEL ANICETE. Ayos naman daw sana ang pagiging malalim sa INTEL pero ibang intel pala ang tinutukoy nila… intel as in intelihensiya pala?! Pasok (timbrado) pa …

Read More »

Paki-explain MTPB Chief Carter Logica!

SIR sumbong ko lang 2 Metro North Impounding 2 buwan sla wala trabaho pero tuloy daw ang koleksyon kaya kuhanya dto sa Parolatoda 7k week utos daw sa kanila ni mtpb Chief Carter at ang hepe nila sa North. kaya pala dati ang kotse gamit Carter luma ngayon bago na at Avanza pa may 2 body guard pa na Police …

Read More »

Sino ang dapat managot sa pagpaslang kay Nerlie Ledesma!?

NAKATATAKOT na dumarating tayo sa panahon na wala tayong magawa kundi makiramay at kondenahin ang pamamaslang sa isang kasama sa larangan na ating ginagalawan. Sa Bisperas ng translasyon ng Itim na Nazareno at ilang araw bago dumating si Pope Francis sa bansa, buena mano ang dugo ni Nerlita “Nerlie” Ledesma, isang mamamahayag na nakabase sa Bataan at news reporter ng …

Read More »

May kulong pala sa taong sobrang kaepalan?

WALA tayong masamang tinapay kay epal este tourist guide Carlos Celdran. Pero ang pambabastos sa pananampalataya ng kapwa ay hindi natin kinikilingan. Inirerespeto natin na sabihin niya kung ano ang saloobin niya tungkol sa isang relihiyon o paniniwala pero para pasukin ang teritoryo nito at doon umepal at tila gustong ipakita sa sambayanan na siya ay bastos at matapang, parang …

Read More »

Kasama ba sa nakasuhan si Garlic Queen? (Nasaan na siya!?)

HINDI raw kukulangin sa 119 katao ang kakasuhan ng Department of Justice (DoJ) dahil sa pagka-kartel ng bawang at sibuyas. Grabe kasi ang itinaas ng presyo ng bawang at sibuyas kamakailan pero hindi po ito natural na dahilan kundi dahil sa pagka-kartel ng ilang importer. Kinilala ni Department of Justice (DoJ) Secretary Leila de Lima ang isa sa mga kakasuhan …

Read More »

Hindi kaya ma-Corona si VP Jojo Binay sa kanyang new spokesman?

ISANG litigation lawyer daw ang bagong tagapagsalita ni Vice President Jejomar Binay — isang Atty. Rico Quicho. Kilalang litigation lawyer pero hindi na siya bago sa trabahong pagiging spokesman dahil ganito ang naging trabaho niya kay impeached Supreme Court Chief Justice Renato Corona. Si Cavite Gov. Ronvic Remulla naman, gaya ng sinabi niya hanggang Disyembre 2014 lang siya kaya ngayon …

Read More »

Privatization ng NAIA unti-unti nang sinisimulan

SI SECRETARY Joseph Emilio Aguinaldo Pabaya este Abaya ba ay inilagay sa Department of Transportation and Communication (DOTC) para sa unti-unting transisyong pribado ng mga pag-aari ng gobyerno?! Naitatanong natin ito, dahil sa sunod-sunod na development sa ahensiyang kanyang pinamumunuan na kinasasangkutan ng pagpapasa sa pribadong sektor ng operation and maintenance, una na ng MRT 3. Kasunod nito, pinag-iisipan na …

Read More »

Thank You Idol USEC. Rey Marfil

HULI man daw at magaling, huli pa rin… hehehe Kidding aside nagpapasalamat po talaga tayo kay USEC. Rey Marfil (ang Boy Abunda ng Palasyo) dahil hindi kumukupas ang kanyang pag-aalala sa inyong lingkod mula nang maupo siya d’yan sa Malakanyang. Hindi ko na sasabihin kung ano man ‘yung iniregalo niya dahil baka may mainggit at magselos pa. D’yan naman tayo …

Read More »

Alaska Milk lasang sabon!?

GUSTO namin ipabatid sa inyong kaalaman na ang ALASKA CONDENSED MILK na aming nabibili ay may LASANG SABON. Hindi lang minsan kundi madalas. Marami rin ang aming produkto na na-reject dahil sa masamang lasa ng Alaska condensed milk. Sana po ay maipaabot sa kinauukulan at mabigyan ng action ang aming complaint para maiwasan ang legal action sa aming panig. Paki-asikaso …

Read More »

Jueteng all the way sa Isabela

MUKHANG nagkakaisa ang local government unit at pulisya sa Santiago City, Isabela kapag pagkukuwartahan ang pinag-uusapan? Isang alyas JOE DELA KRUS at ROBERT NGO-NGO ang matunog na matunog ngayon na siyang may hawak ng JUETENG sa nasabing lalawigan. Ang impormasyon na nakarating sa atin, nanghihiram umano ng kapal ng mukha ang dalawang ‘yan sa isang Kamaganak Inc., ni Mayor Joseph …

Read More »