Everyday happy ang mga lespu ng MPD-Presinto Quatro sa mga 1602 operator

Muarip 1602ISA sa masaya at maswerteng presinto ngayon sa MANILA POLICE DISTRICT ang MPD PS-4 na pinamumunuan ni Kernel MUARIP.

Bago pa raw pumasok ang Disyembre nakaraang taon ay nagpakilala na ang ilang pulis quatro sa mga operator ng 1602.

Pero hindi para pagsabihan na itigil na ang kanilang ilegal na pasugal kundi largahan pa ang 1602 operation nila sa A.O.R. ng PS-4!

Mukhang hindi pa sila nasiyahan sa dati nang talamak na bookies ng kabayo, STL, lotteng, jueteng) sa kanilang teritoryo nina BOY SIMBULAN, PASYA, BAGMAN COP PAKNOY at EDNA ENTENG D. ROSARIO β€˜e nagpapasok pa ng operator ng color games at drop ball sa Bustillos St., na malapit sa mga unibersidad, dormitory at boarding house.

At para mas masiyahan ang operator nito ay pinalatagan pa ng perya-galan!

Piyestang-piyesta nga raw ang mga operator dahil doon mismo sa kalye DAPITAN na dalawang kanto lang ang layo sa Presinto-4 ay nilatagan na rin ng maliliwanag na mesa ng color games at drop ball!

Sonabagan!!!

Untouchable nga raw lahat ng 1602 operator sa nasasakupan ng Presinto 4 dahil β€˜timbrado’ sa kanila at sa city hall?!

Aba Kernel β€˜boy rekta’ Muarip, magpa-kape ka naman paminsan minsan…jackpot na jackpot pala ngayon ang estasyon mo?!