This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
NAARESTO na ang dalawa sa apat na mga suspek sa pagpaslang sa tabloid reporter na si Nerlita “Nerlie” Ledesma sa Bataan.
Ayon kay Bataan Police Director, Sr. Supt. Rodel Sermonia, positibong kinilala ng mga testigo ang gunman na si Inocencio Bendo alyas Banjo at kasabwat na si Juan Pulo alyas Buboy, kapwa kakasuhan ng murder.
Dagdag ni Sermonia, tumbok na rin ng kanilang operasyon ang dalawa pang suspek na nagsilbing look-out at kompiyansa siyang matutukoy na rin nila ang mastermind sa pagpaslang sa Abante reporter.
Nakatulong aniya sa mabilis na pagkilala sa mga suspek ang P100,000 reward na inihayag ni Governor Albert Garcia.
Lumilitaw na alitan sa liderato ng homeowners association ng mga informal settler sa Balanga City ang motibo sa krimen at walang kinalaman sa trabaho ni Ledesma bilang mamamahayag.
Nabatid na si Ledesma ang kasalukuyang pangulo ng homeowners association sa lugar.