61-anyos ina nagsaksak sa sarili (Anak nakaalitan)

090814 knifeLA UNION – Itinakbo sa pagamutan sa bayan ng Bauang, La Union, ang isang 61-anyos lola makaraan magtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanyang sarili kamakalawa.

Sa ulat mula sa Bauang PNP, sinaksak ng nasabing lola ang kaliwang dibdib at natagpuan na lamang ng kanyang anak na nakahandusay at duguan sa kanilang bahay katabi ang ginamit na kutsilyo.

Maswerteng nailigtas ng mga doktor sa bingit ng kamatayan ang biktima.

Pinaniniwalaang ang pag-aaway nila ng isa pa niyang anak ang sanhi ng tangka niyang pagpapakamatay.