This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
PAGKATAPOS ng dagdag-pasahe sa MRT at LRT na talagang ikinadesmaya ng sambayanang commuters (mula P15 naging P37) heto na naman ang taas-singil sa serbisyong tubig.
Hindi pa nga natin nararamdaman ang komportableng serbisyo ng dalawang concessionaire ng Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS), nagkaroon pa sila ng lakas ng loob na magdagdag ng singil sa kanilang serbisyong mas mabilis lang magputol kapag hindi nakapagbabayad at magbutas ng kalsadang ginastusan ng buwis ng mamamayan.
Sige sabihin na nating humihingi naman sila ng paumanhin para raw sa maayos na daloy ng serbisyo.
Pero βyun pala ang rason, pagkatapos nilang gumastos sa pagsasaayos ng mga pasilidad βe babawiin pala nila sa kanilang consumers.
Onli in da Pilipins lang talaga na ang isang ahensiyang pag-aari ng pamahalaan ay isinasapribado pero ang pagsasaayos at rehabilitasyon ay ipinapapasan sa sambayanan.
At huwag po kayong magulat dahil panahon na naman ng bayaran ng buwis baka lalo kayong magulat na halos kalahati ng kinita ninyo ay mapupunta sa Rentas Internas nang hindi nβyo naman nararamdaman kung saan napupunta.
Pati buwis nila ay sa atin ipinapatong ng walanghiyang water concessionaire na βyan!
Baka dumating na ang panahon na pati hangin na nilalanghap natin ay de-metro at may bayad na rin!?
βYan po ang eksaktong pasabog ng 2015 — nagtataas ng presyo ng mga bilihin, dagdag-singil sa mga serbisyong panlipunan at nakagigitlang pagpapataw ng buwis.