Solaire Casino napasok ng sindikato

SolaireBAGO matapos ang taon 2014, naging mainit na usap-usapan ang isyung napasok ng sindikato ang Solaire Casino.

Halos ilang buwan umanong namayagpag ang nasabing sindikato at milyones (kuno) ang nadale sa Solaire casino.

Ayon pa sa ating impormasyon, pineke ng sindikato ang P10k-worth Casino chip. Napakahusay umano ng pagkakapeke kaya kahit ang kanilang chip machine detector ay hindi ito nakilatis.

At kung kailan matatapos na ang Disyembre ay saka lamang natuklasan ang nasabing modus operandi ng sindikato.

Tsk tsk tsk…

Aba, Mr. Enrique Razon mukhang malaki talaga ang problema ninyo sa inyong intelligence and security force.

Mantakin ninyong napasok kayo ng sindikato nang hindi ninyo namamalayan at namayagpag pa nang halos ilang buwan?!

Aba β€˜e akala ko ba, magagaling at eksperto ang inyong inutel β€˜este intelligence and security force?

Mukhang sa abduction, kidnapping at salvage lang magagaling β€˜yang nakuha ninyong intelligence and security force?!

O baka naman sila mismo ang kasabwat ng sindikato?!

Tayo naman ay nagtatanong lang ho…

Pero dapat ka na sigurong kabahan Mr. Razon, dahil malaking sablay β€˜yan sa security operations ng isang casino.

Ano sa palagay ninyo?!