Monday , November 29 2021

Privatization ng NAIA unti-unti nang sinisimulan

Abaya NAIA privatizationSI SECRETARY Joseph Emilio Aguinaldo Pabaya este Abaya ba ay inilagay sa Department of Transportation and Communication (DOTC) para sa unti-unting transisyong pribado ng mga pag-aari ng gobyerno?!

Naitatanong natin ito, dahil sa sunod-sunod na development sa ahensiyang kanyang pinamumunuan na kinasasangkutan ng pagpapasa sa pribadong sektor ng operation and maintenance, una na ng MRT 3.

Kasunod nito, pinag-iisipan na rin ng DOTC na ipa-bid pala ang operation and maintenance ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa kasalukuyan ang mga terminal ng NAIA ay nasa pamamahala ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang ahensiyang direktang nakapailalim sa DOTC.

Matagal na nating naririnig ang planong isapribado ang NAIA/MIAA.

Pero ang hindi natin maintindihan, bakit ginastusan pa ng pamahalaan ang rehabilitasyon ng NAIA terminal 1 sa halagang P1.3 bilyon kung plano naman palang isapribado ang operation at maintenance nito?!

What the fact!?

Ano ‘yan? Kikita nang walang puhunan ang mananalong bidder? Bakit hindi hinayaan na ‘yung pribadong kompanya na ang namahala sa rehabilitation ng NAIA terminal 1 kung ipa-privatize rin naman pala?!

Ang isa pang tanong dito kung isasapribado ang NAIA, ilang libong empleyado ang maaapektohan ng privatization?

Ilan ang ia-absorb, kung mayroon, o ilan ang mawawalan ng trabaho at magugutom ang pamilya?

Mayroon ba silang programa para sa mga empleyadong mawawalan ng trabaho?

Ilan lang po iyan sa mga katanungan na dapat sagutin ng DOTC.

Pero ang isa sa malaking kuwestiyon na dapat harapin ng administrasyong PNoy, talaga bang pagsasapribado ng pampublikong ahensiya ang solusyon para sa maayos na pamamahala?!

Pakisagot na nga Secretary Abayad ‘este Abaya!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Dianne

JSY: The authentic Mr. Bulabugin until his death

GOOD evening, Everyone. My name is Diane, and I’m the daughter of Jerry Yap. I …

Sir Jerry Yap JSY Almar Danguilan Family

Thank you JSY for being big time suki of Gardenera

ni Almar Danguilan KUNG isa-isahin ang mga kabutihan na naibahagi ni Boss Jerry sa akin …

Sir Jerry Yap JSY Maam Evelyn 2

A heartfelt message for JSY

Before I start, I am speaking on behalf of my mom from her perspective, in …

Sir Jerry Yap JSY Gloria Galuno Mommy Glo

Memories with JSY

“LET us always find opportunities to be with the people we value the most. Life …

Jerry Yap, JSY, Hataw

Maraming salamat, JSY!

HARD-HITTING columnist, isa sa pinakamahusay na boss at leader, mabait na kaibigan, kapatid, ama, padre …

Leave a Reply