Friday , November 22 2024

Bulabugin

Violation of civil service rules governing relocation of employees sa Immigration (Attention: Civil Service Commission)

NAAALARMANG muli ang mga organic personnel ng Bureau of Immigration (BI) at na-dedesmaya sa walang tigil na rotation of assignments na isinasagawa ng kanilang bossing na walang iba kundi si Commissioner Fred ‘serious dishonesty’ Mison. Ito raw ang bagong ‘pautot at pakulo’ ni Mison na lahat ng Immigration Officers (IOs) ay kailangan umikot sa lahat ng airport sa buong bansa. …

Read More »

Si Cory (RIP) ay gaya  ni Gabriela Silang (Excuse me po!) (Sabi ni PNoy)

SINGLAWAK daw ng Pacific Ocean ang diperensiya nina Gabriela Silang at Cory Aquino. ‘Yan po mismo ang sabi ng tagapagsalita ng grupong GABRIELA nang ikompara ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang ina sa bayaning si Gabriela Silang nang magsalita sa women’s month celebration ng mga kababaihang entreprenuer sa Technical Education, Skills and Development Authority (TESDA) sa Pasay City. Hindi …

Read More »

Mga doktor sa JASGH sa Binondo desmayado sa isang opisyal

INIREREKLAMO ng maraming doctor sa Jose Abad Santos General Hospital (JASGH) ang isang opisyal na masyadong umaabuso sa kapangyarihang ipinagkatiwala ng administrasyong humirang sa kanya. At dahil daw sa pang-aabusong ‘yan sa kapangyarihan ay lalong nararamdaman at kitang-kita ang pagkakaiba ng kasalukuyan kaysa nakaraang administrasyon.   Ang JASGH gaya ng Ospital ng Tondo, Gat Bonifacio Memorial Center, Sta. Ana Hospital at …

Read More »

Lagi tayong pinabibilib ni Mayor Rodrigo Duterte

ISA si Davao Mayor Rodrigo Duterte sa mga public officials na kinakikitaan ng tunay na tapang, sinseridad at palabra de honor. Sabi nga ng matatanda, isang taong alam ang pagkakaiba ng OO at HINDI. Ibibigay nang buong puso ang kanyang OO kung kinakailangan pero paninindigan din nang husto ang kanyang HINDI kung hinihingi ng pagkakataon. Gaya na lang nitong pag-aamuki …

Read More »

Understanding daw para sa taong laging misunderstood?!

HUMIHINGI raw ng pang-unawa si Pangulong Benigno Aquino III kaugnay ng Mamasapano incident. Unawain daw siya dahil kung hindi mali ang detalyang ibinigay sa kanya ‘e ‘di  sana’y agad si-yang nakahingi ng reinforcement sa Armed For-ces of the Philippines (AFP). Parang gusto tuloy natin sabihin … tao ka lang nga kaya lang Presidente ka ng isang bansa. Sabi n’yo nga …

Read More »

LTO mabilis sa multa mabagal sa resulta! (Stickers wala pa rin )

PARA umano madala ang mga traffic violator, itinaas ng Land Transportation Office (LTO) ang multa sa mabibigat na violations. Lalo na raw ‘yung mga paglabag na ginagamit ng mga criminal (i.e pagmamaneho ng hindi rehistradong sasakyan). Gaya nitong ipatututpad daw sa Abril 1 (2015) na “No Registration, No Travel” policy. Sa ilalim ng nasabing patakaran ang motoristang lalabag ay magmumulta …

Read More »

Ang TGIF-sexcapade ni Immigration ‘Lolo Lover Boy’ Official (Cannot be located every Friday)

MATAPOS mabulgar ang romantic sexcapades sa Huma Island Palawan rendezvous, muli na namang kumalat na parang virus sa BI main office ang balitang magkasama nitong nakaraang isang weekend ang mag-lolo ‘este’ mag-jowang BI Lolo lover boy Official at ang kinababaliwan n’yang si alias Lady Valerie sa isang pabulosong resort na Misibis Bay sa Cagraray Island sa bayan ng Albay. Talagang …

Read More »

PNP-CIDG chief Gen. Benjamin Magalong may prinsipyo na may ‘balls’ pa!

SANA lahat ng police top brass ‘e may paninindigan na gaya kay Gen. Benjamin Magalong, ang Director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at namuno sa Board of Inquiry (BOI) na nangalap ng mga ebidensiya at nag-imbestiga sa Mamasapano incident noong Enero 25, na ikinamatay ng 44 commando ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF). Buong paninindigan …

Read More »

Congrats Gen. Boyet Balagtas!

BINABATI natin si Chief Supt. Pablo Francisco “Boyet” Balagtas dahil sa magkasunod na karangalan at responsibilidad na iginawad at iniatang sa kanya. Una, iginawad na ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang unang estrelya sa kanyang balikat at ikalawa siya ay itinalagang Director ng  PNP  Aviation Security Group. Masasabi nating malayo na talaga ang narating ni kaibigang Boyet kung career …

Read More »

MPD Chief Gen.  Rolando Nana may alaga ka bang berdugo sa HQ?

NAHINDIK naman tayo sa naispatang retrato ng photojournalist nating si BONG SON na naka-BEAT d’yan sa Manila Police District (MPD). Mantakin ninyong IPINAGBUHOL ang apat na suspek sa pamamagitan ng sa tantiya natin ay tatlong kilong kadena na ikinandado ng apat na malalaking padlock. SONABAGAN!!! Biktima ba ng asong may rabies ang apat na suspek at kailangang ikadena nang higit …

Read More »

Congratulations Graduates… Congratulations Proud Parents!

PANAHON na naman po ng mga pagtatapos (maliban sa mga unibersidad na nagbago ng kanilang fiscal academic year) mula sa pre-school, elementary, high school hanggang kolehiyo. Batid natin na maraming mga magsisipagtapos na mga mag-aaral. Marami sa kanila ang sisigaw ng yeheey lalo na ‘yung mga magtatapos with flying colors. Ito kasi ang regalo nila sa kanilang sarili, lalo’t higit …

Read More »

Jeane Napoles nalusutan sina De Lima At Mison (Setyembre 28 (2014) pa pala nasa bansa!)

SINO kaya ang nagtutulog-tulugan ‘este natutulog sa pansitan at hindi man lang napansin ang pagdating ng anak ni pork barrel scam queen Janet Lim Napoles na si socialite Jeane Catherine Lim Napoles?! Si Jeane Catherine Lim Napoles, ang anak ng nakahoyong pork barrel scam queen, na feeling anak nang hari at reyna kung maglamyerda,mag-shopping at pumorma sa Amerika at sa …

Read More »

Sarhento Kolektong ng ‘DILG at PNP’ gumagala na sa Metro Manila

ISANG alias SARHENTONG GREG AGRELADO Y AGREMANO ang sikat na sikat ngayon na umiikot sa mga 1602 player,putahan, sugalan, beerhouse at maging sa mga drogahan. Gasgas na gasgas ng kamoteng ito ang pangalan nina Gen. Leonardo Espina at Gen. Carmelo Valmoria pati na si DILG Secretary  Mar Roxas sa panghihingi ng intelihensiya sa mga ilegalista. Diskarte pa ng kumag “funding” …

Read More »

Customs-Naia officials pinarangalan at pinapurihan ng PDEA

BINABATI natin ang matatapang at magigiting na opisyal at mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa natanggap nilang papuri at karangalan mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Mismong si Director Erwin S. Ogarion ng PDEA ang nagkaloob ng “Plaque of Commendation” kay BOC-NAIA District Collector Edgar Z. Macabeo. Hindi …

Read More »

Anyare Ms. Melissa Mendez?

MAINIT na pinag-uusapan ngayon ang huling insidenteng kinasangkutan ng isang aktres, ng isang modelong lalaki at kaibigan nitong sinabing miyembro ng influential family sa Pagadian City. Pare-pareho silang pasahero sa isang eroplano pero ang aktres na si Melissa Mendez lang ang pinababa dahil umano sa kanyang pananakit at walang tigil na pagbibitiw ng hindi magagandang salita. Wala akong gustong kampihan …

Read More »

May kumita ba sa CAAP upgrading ng emergency services unit?

TILA namumula na naman ‘daw’ ang hasang ng ilang opisyales ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) makaraang matuloy ang sinasabing upgrading ng Emergency Services Unit ng nasabing government agency. Sa impormasyong nakalap ng inyong Bulabog boys, bilyon ang halaga ng brand new fire-fighting vehicles gaya ng high-speed fire trucks na sinuri sa Port of Batangas over the weekend. …

Read More »

1D dinirekta ng upak vs illegal drugs (Foreign and local artists i-drug test na rin)

HINDI natin alam kung gimik ba ito o talagang mayroong pagkukulang sa bahagi ng producer at local organizer tuwing magtatanghal sa bansa ang One Direction. Nakagugulat kasi na tuwing magkakaroon ng concert sa bansa ang One Direction (1D) nagiging isyu ang pagpapa-drug test sa kanila. Ang unang tanong: kung hindi gimik ito, pwede namang gawin nang tahimik ang drug test, …

Read More »

Sec. Herminio “Sonny” Coloma, Jr., sa CSC karapat-dapat ba!?

HINDI natin alam kung sinasadya ng mga bayarang ‘spin doctors’ ang pagpapatampok at pagpapainit sa isyu ng Mamapasano upang hindi mapansin ang unti-unting pagpapalit ng Gabinete ng Malakanyang. Nitong nakaraang huwebes, pumutok ang balitang, itataga este itatalaga ni PNoy si Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr., sa Civil Service Commission (CSC). Kung credentials o qualifications, qualified naman siguro pero pwede bang …

Read More »

Cannot be reached pa rin si OWWA Chief Calzado sa repat OFWs

BUNSOD nang lumalalang tensiyon sa Yemen, focus ngayon ang pamahalaan para magbigay ng tulong sa mga nagsisilikas na mga kababayan nating overseas Filipino workers (OFWs) na nagparehistro bilang panimulang proseso para sa isasagawang Mandatory Repatriation. Sa pagkakataong may pagkilos para tulungan ang Pinoy workers sa ibayong dagat ay inaasahang magpaparamdam si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Adminsitrator Rebecca Calzado. Kaya …

Read More »

Sen. Grace Poe idiniin o inabsuwelto si PNoy!? (Bagito pero matikas)

MAY pananagutan si Pangulong Benigno Aquino III sa Mamasapano incident pero hindi siya maaaring parusahan dahil sa kanyang immunity bilang pangulo ng bansa. Hindi rin naman umano siya puwedeng i-impeach dahil ang ‘pananagutan’ niya sa Mamasapano incident na ikinamatay ng 44 kagawad ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) ay hindi ka-impeach-impeach. Ang isang klaro sa committee report …

Read More »

Survey ni PNoy lumagapak

AGAD sumadsad sa pinakamababa ang approval at trust ratings ni Pangulong Benigno Aquino III kasunod ng madugong operasyon sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 na SAF commandos. Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Marso 1 hanggang 7 kung kailan mainit na isyu ang naging sagupaan ng PNP-SAF at Moro Islamic Liberation Front (MILF), natikman ni Aquino sa …

Read More »

Malate Police Chief Supt. Romeo M. Odrada tiniyak na hindi sila nangha-harass ng vendors

08ISANG liham po ang ipinadala ni Malate (Manila) Police chief, Supt. Romeo Odrada sa inyong lingkod kaugnay ng nailathala nating email/reklamo sa ginawa umanong pangha-harass ng mga pulis sa mga vendor na nasa A. Mabini St., sa harap ng Harrison Plaza at sa Adriatico St., sa pagitan ng P. Ocampo at Leveriza streets. Sa kanyang liham, ipinaliwanag ni Kernel Odrada …

Read More »

Misis ni Pasay Konsi Ian Vendinel nagkakalat na rin…

DAHIL last term na ni Konsehal Ian Vendinel bilang konsehal ng Pasay, hindi nagtataka ang mga Pasayeño kung bakit nagkalat na rin ang mga tarpaulin ng kanyang misis na si Donna. Si Mrs. Donna naman daw ang tatakbo bilang konsehal ng Pasay come 2016 elections. May bago pa ba? S’yempre kailangan may pumalit sa poder nilang iiwanan. Practice po iyan …

Read More »

Garapalan ang PDA ni Immigration ‘Lover Boy’ Official (Attention: SOJ Leila De Lima)

Noong nakaraang Martes, ganon na lang ang pagkamangha nang halos lahat ng empleyado sa Bureau of Immigration (BI) main office nang hindi inaasahang biglang sumulpot ang beauty ng isang  personalidad (TH as in trying hard actress/starlet) na ngayon ay nali-link sa isang opisyal ng ating paboritong ahensiya. Matapos nating ibunyag ang kanilang illicit affair at sexcapades ay parang ‘proud na …

Read More »

Parañaque Budget Head hiniling ipa-lifestyle check (Attention: Ombudsman)

ILANG mga taal na taga-Parañaque na nagtatrabaho sa city hall ang lumapit sa inyong lingkod at nakiusap na tulungan sila para maipa-lifestyle check o mapaimbestigahan ang hepe ng kanilang budget office. Kung hindi tayo nagkakamali, ang kanilang hepe na si Flocerfida Babida ay siya rin hepe noong panahon ni Joey Marquez. Ayon nga sa mga naggugumiit na ipa-lifestyle check si …

Read More »