Misis ni Pasay Konsi Ian Vendinel nagkakalat na rin…

ian vendivelDAHIL last term na ni Konsehal Ian Vendinel bilang konsehal ng Pasay, hindi nagtataka ang mga Pasayeño kung bakit nagkalat na rin ang mga tarpaulin ng kanyang misis na si Donna.

Si Mrs. Donna naman daw ang tatakbo bilang konsehal ng Pasay come 2016 elections.

May bago pa ba?

S’yempre kailangan may pumalit sa poder nilang iiwanan. Practice po iyan ng mga traditional politician (TRAPO).

Abang-abang lang po tayo at tiyak, meron pang mga lulutang na maglalagay ng kanilang tarpaulin sa area.

Huwag na po kayong magtaka.