Anyare Ms. Melissa Mendez?

melissa mendezMAINIT na pinag-uusapan ngayon ang huling insidenteng kinasangkutan ng isang aktres, ng isang modelong lalaki at kaibigan nitong sinabing miyembro ng influential family sa Pagadian City.

Pare-pareho silang pasahero sa isang eroplano pero ang aktres na si Melissa Mendez lang ang pinababa dahil umano sa kanyang pananakit at walang tigil na pagbibitiw ng hindi magagandang salita.

Wala akong gustong kampihan sa insidenteng ito, pero unang-una, nakagugulat na naibuyo si Ms. Melissa Mendez ng isang sitwasyon na gaya nito para magmukha siyang isang mal-edukadang babae.

Pero nanliit naman ako sa sarili ko bilang isang lalaki, kung totoo mang sinabi ni Rey Pamaran, ang kaibigan ni Andrew Wolff at tinutukoy na mula sa maimpluwensiyang pamilya sa Pagadian, ang mga katagang “hahampasin ng bag” at “alis d’yan ang baho ng hininga mo.”    

This attitude for a man is very much uncalled for and very ungentleman.

Ang tatlong nasasangkot sa insidenteng ito ay hindi dapat umaarte nang gaya ng pinaggagawa nila sa harap ng iba pang pasahero sa eroplano dahil sila ay public figure and supposedly acting like a role model.

Puwede pa nating unawain kung hindi nila kayang maging role model. Just stay silent. Hindi katulad n’yan na daig pa nila ang pusang kalye (pusakal) at asong gala (asgal) na nagkatitigan lang ‘e bigla nang nagkalmutan.

Ang lastly, matatanda na kayo ‘no! Huwag na kayong pasaway!