This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
HINDI natin alam kung sinasadya ng mga bayarang ‘spin doctors’ ang pagpapatampok at pagpapainit sa isyu ng Mamapasano upang hindi mapansin ang unti-unting pagpapalit ng Gabinete ng Malakanyang.
Nitong nakaraang huwebes, pumutok ang balitang, itataga este itatalaga ni PNoy si Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr., sa Civil Service Commission (CSC).
Kung credentials o qualifications, qualified naman siguro pero pwede bang pakisilip na rin ang track records?
Ano na ba ang nangyari doon sa isyu ng pagbebenta ng IBC Channel 13 kay Rehgis Romero?
Naklaro na ba ang joint venture na ito na mas malaki pa ang kinita ng ka-joint venture sa gob-yerno?!
Nalimutan na ba ng Palasyo kung ano ang na-ging papel dito ni Secretary Colokoy ‘este Coloma?!
Wala na bang ibang maaasahan ang administrasyon ni PNoy para italaga d’yan sa CSC?!