This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
BINABATI natin si Chief Supt. Pablo Francisco “Boyet” Balagtas dahil sa magkasunod na karangalan at responsibilidad na iginawad at iniatang sa kanya.
Una, iginawad na ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang unang estrelya sa kanyang balikat at ikalawa siya ay itinalagang Director ng PNP Aviation Security Group.
Masasabi nating malayo na talaga ang narating ni kaibigang Boyet kung career ang pag-uusapan.
Mula sa pagiging hepe ng maliit na unit sa Western Police District (MPD ngayon) ay ganap na ang pagiging director niya ng PNP-ASG.
Alam natin na kayang-kaya mo ang trabahong ‘yan dahil sa iyong ugaling likas na masipag, matiyaga at determinado bukod pa na ikaw ay isang mahusay na lider/hepe.
Kung inaakala ninyong si Gen. Balagtas lang ang natutuwa sa sunod-sunod na suwerteng ito, aba nagkakamali po kayo.
Lahat ng mga taong malapit kay Gen. Balagtas ay natutuwa dahil mula noon hanggang ngayon ay hindi nagbabago ang kanyang ugali.