This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
ILANG mga taal na taga-Parañaque na nagtatrabaho sa city hall ang lumapit sa inyong lingkod at nakiusap na tulungan sila para maipa-lifestyle check o mapaimbestigahan ang hepe ng kanilang budget office.
Kung hindi tayo nagkakamali, ang kanilang hepe na si Flocerfida Babida ay siya rin hepe noong panahon ni Joey Marquez.
Ayon nga sa mga naggugumiit na ipa-lifestyle check si Babida, marami na raw naisubi ang nasabing hepe dahil kabisado na niya ang pasikot-sikot sa budget office.
Kabisadong-kabisado na nila kung paano paiikutin ang supply and bidding.
Nagagawa umano ni Babida ‘yan sa tulong ng isang Riza Alfiler, na isang casual employee sa Budget pero dala-dalawa ang sasakyan, bago ang bahay at nakapagpapautang (5/6) pa sa mga empleyado.
Hindi na rin umano nakapagtataka kung bakit sandamakmak ang assets ni Babida sa Batangas?
Magaling umanong ‘magpaikot’ ng pera sina Babida at Riza.
Ultimo utol ni Riza na isa rin casual ay kontodo alahas ang porma. Dinaig pa raw ang mga Saudi boy.
Tsk tsk tsk…
Mukhang maging si Mayor Edwin Olivarez ay napapaikot nitong sina Babida at Riza?!
Ang tanong nga ng mga concerned Parañaque city hall employees, sobra ba ang bait ni Mayor Olivarez at nagiging talamak ang korupsyon sa city hall?
Hindi naman daw ganyan kagarapal noong administrayon ni dating Mayor Jun Bernabe?!