This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
MARAMI ang bumilib at natuwa sa ipinakitang tapang ni Board of Inquiry (BOI) head, CIDG Dir. Gen. Benjamin Magalong nang ilabas nila ang resulta ng imbestigasyon.
Kumbaga, sabi nga sa usapang lalaki, may yagbols si Gen. Magalong.
Naipakita nilang malaki ang pananagutan nina Gen. Alan Purisima at mayroon din si Pangulong Benigno Aquino III… pero lalong nadiin ang sinibak na hepe ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) na si Gen. Getulio Napeñas.
Iniisip tuloy natin na parang ‘buhos-tubig’ ito sa mainit na damdamin ng sambayanan lalo ng mga pamilya ng napaslang na Fallen 44.
Pero ang gusto natin itanong at interesadong malaman ng mga kababayan natin, ano ang kaparusahan sa mga dapat managot?!
Maiibsan man lang ba ang kirot na nararamdaman ng mga naulila?!
Maaalis ba nito ang pangamba ng mga iba pang SAF na laging isinasalang sa mga mapanganib na operasyon?!
At higit sa lahat, gusto nating tanungin, ang SAF ba ay tagaligtas ng sambayanan o ginagamit lang sa mga espesyal na operasyon pabor sa interes ng kung sino ang nakaupo?!
Ang buhay ba ng SAF ay para sa bayan? O sa interes lang ng iilan?!