This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
PANAHON na naman po ng mga pagtatapos (maliban sa mga unibersidad na nagbago ng kanilang fiscal academic year) mula sa pre-school, elementary, high school hanggang kolehiyo.
Batid natin na maraming mga magsisipagtapos na mga mag-aaral. Marami sa kanila ang sisigaw ng yeheey lalo na ‘yung mga magtatapos with flying colors.
Ito kasi ang regalo nila sa kanilang sarili, lalo’t higit sa kanilang mga magulang na katuwang nila sa pagsisikhay.
Mayroon din magtatapos na masayang malungkot, lalo na kung mag-isa nilang itinaguyod ang kanilang sarili.
Mga magulang na nagtiis maghiwalay sa mahabang panahon dahil overseas Filipino worker (OFW) ang isa, at ang isa ay nag-alaga ng kanilang mga anak para maitaguyod ang pag-aaral hanggang makatapos.
Mga single parent na mag-isang itinaguyod ang kanyang mga anak hanggang makatapos ng kolehiyo.
Mga tito o tita, lolo o lola na napag-iwanan ng kanilang mga pamangkin o apo dahil sa mga hindi inaasahang sirkumsitansiya sa buhay.
Ilan lang sila sa mga karakter na nakatutuwang pakinggan ang kuwento dahil napagtapos nila ang kanilang mga ‘anak.’
Lahat po tayo ay mayroong mga pagsubok na dinaraanan lalo na’t pagpapalaki at pagpapaaral sa anak ang pag-uusapan, pero sana po ay huwag tayong magsawa. Patuloy natin silang igiya patungo sa pagpapahalaga sa edukasyon.
Lagi ko pong ibabahagi sa inyo ang minsang sinabi ng yumaong labor leader at party-list representative na si Hon. Crispin “Ka Bel” Beltran — “Sa kahit anong sistema ng lipunan, mahalaga ang may pinag-aralan.”
Sa lahat ng graduates — CONGRATULATIONS!
Sa lahat ng mga magulang — sampung ulit na CONGRATULATIONS ang nais kong ipaabot sa inyo!
Karapat-dapat kayo sa inyong mga pagsisikhay sa buhay… mabuhay po!