Saturday , December 28 2024

Bulabugin

TRO sa UBER at sa GRABCAR ng QC court makatulong kaya?

NAGTAGUMPAY ang Angat Tsuper Samahan ng mga Tsuper at Operator ng Pilipinas Genuine Organization (STOP and GO) Transport Coalition na makakuha ng temporary restraining order (TRO) sa Quezon City Regional Trial Court Branch laban sa Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Uber at GrabCar. Ang naghain ng petisyon ay si Pascual “Jun” Magno, presidente ng Angat Tsuper Samahan ng mga Tsuper …

Read More »

“One-stop-shop visa processing” binuwag ni SoJ Caguioa

TULUYAN na ring binuwag ni Hon. Justice Sec. Ben Caguioa ang ating iniulat na ala-One-Stop-Shop visa processing diyan sa Room 426 sa 4th floor ng BI-Main building thru Department Order No. 912. Ito raw pala ‘yung Visa and Special Permits Task Force (VSTF) na na-create bunsod ng isang Immigration Administrative Order na ini-issue ni Comm. Fred “greencard” Mison at ipinagkatiwala sa …

Read More »

Sen. Antonio “Sonny” Trillanes sumuporta kay Grace Poe

DESMAYADO si Senator Antonio Trillanes IV sa naging desisyon ng Comelec. Ito umano ay malinaw na paglalantad ng partisan politics. Napakahaba nga naman ng panahon para suriin ang kandidatura ni Senator Grace Poe ‘e bakit kung kailan tumatakbo siyang presidente at nangunguna sa survey ay saka nagdedesisyon ang Comelec na pabor sa kung sino mang makikinabang kapag na-disqualified ang senadora.       …

Read More »

Tuluyan nga kayang ma-disqualify ang anak nina Panday at Inday?

NALUNGKOT tayo sa naging desisyon ng Commission on Election (Comelec) 2nd Division nang i-disqualify nila si Senator Grace Poe dahil kukulangin ng dalawang buwan (‘yun lang!?) para maging 10 taon ang residency niya sa bansa hanggang May 2016. ‘Yun daw kasi ang isinasaad ng butas ‘este’ batas. Kailangan na ang sino mang tatakbong presidente o bise presidente  ng Filipinas ay …

Read More »

Pasikat at pabidang BI-NAIA official sumalto nitong nakaraang APEC

ISANG gunggong-galunggong na opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tahasang nagpakita ng kanyang katangahan at kayabangan nitong nakaraang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit. Mahilig kasing magpa-bida ang nasabing BI-NAIA official. Kahit sa kuwentohan lang, gusto siya lagi ang bida. At dahil sa ganyang kostumbre, hayun, humulagpos ang katangahan n’ya. Mantakin ba naman …

Read More »

Hinaing ng taga-Tondo 2

Sure win na ‘yan si Mayor Lim, Sir Jerry. Lalong-lalo na dito sa Tondo Dos! Dito lang nanalo si Mayor Lim noong last election, kaya si Erap, ginagawang Timawa ang mga taga-TONDO DOS! Noong minsang dumayo dito sa amin ang mga TAUHAN ni ERAP, para raw magpa-Raffle, dala ‘yung magandang Sound system at NAPAKALAKING PROJECTOR. Nagpatawag ng mga TAO, nagkadarapa …

Read More »

Si Mayor Digong Duterte nag-‘do dirty in public’

DEFENSE mechanism. Mukhang ‘yan ang malinaw na lumutang sa mga ipinakita ni Davao Mayor Rodrigo Duterte sa publiko sa proklamasyon sa kanya sa Century Park Hotel at ang paghalik, pagyakap at pagpapaupo sa kanyang kandungan ng dalawang babae sa McKinley West Open Field sa Taguig City. Sa Century Park Hotel, minura niya ang Santo Papa pero itinanggi niya ito kinabukasan …

Read More »

Nakakompromisong Katarungan

GANITO natin gustong tawagin ang lumabas na hatol ng Olongapo City Regional Trial Court kay Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton. Guilty sa kasong homicide si Pemberton, bagama’t tinanggap ito ng mga kaanak ng biktima, mayroon naman silang reserbasyon kung bakit homicide lang ang kaso. Ang rason, ang ikinamatay raw ng biktimang si Jennifer Laude ay asphyxia kaya hindi pwedeng ‘murder’ …

Read More »

Araw ng mga bayani binaboy ng maruming perya sa likod ng Bonifacio Shrine

MARAMI na talagang nababoy sa Maynila.           Kahapon, ipinagdiriwang ng buong bansa ang Araw ng mga Bayani kasabay ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio. Pero imbes maging maringal at kagalang-galang ang pagdiriwang ‘e para pang nababoy dahil sa namamayagpag na perya sa likod ng Bonifacio Shrine.           Sonabagan! Dahil sa pamamayagpag ng nasabing perya na iilan lang ang rides (delikadong rides) namantot …

Read More »

Duterte Fever naman ngayon

S’YEMPRE nagdeklara si Davao City Mayor Rodrigo Duterte kaya hayan pinagkulumpunan na naman siya kahit saan magpunta. Kahit sa social media, maingay ang mga supporter ni Digong. Mantakin n’yo namna ang showmanship ni Digong parang SUPERMAN na kayang tapatan ang lahat. Si Digong na nga kaya?! Pero ano itong nababalitaan natin na nagdeklara pa lamang si Digong ‘e bigla nang …

Read More »

Dumating na ba ang ‘Carmi Martin’ sa buhay ni Mison

NITONG nakaraang Linggo ay lumabas ang isang nakagugulat na Department Order No. 911 mula kay Secretary of Justice Alfredo Benjamin Caguioa. Isinasaad sa mga nasabing Department Order ang pagbibigay ng karampatang kapangyarihan kay BI Associate Commissioner Gilbert U. Repizo upang maging Commissioner-in-Charge ng border control operations sa buong Filipinas! Uulitin lang po natin, buong bansa ‘yan! Kasama rin dito ang …

Read More »

Wedding sponsors campaign contributors sa vice presidential bid ni Sen. Chiz Escudero?

  MATINIK at WAIS. Isa ho ‘yan sa mga karakter na puwedeng ikapit kay Sen. Chiz Escudero na ngayon ay tumatakbong vice president sa independiyenteng kapasidad. Sabi nga, hindi mararating ni Chiz ang kanyang kinaroroonan ngayon kung hindi siya mautak ‘di ba? Sa totoo lang, maging ang kanyang kasal umano sa aktres na si Heart Evangelista ay maituturing na preparasyon …

Read More »

SoJ Ben Caguioa nagbigay ng bagong liwanag sa BI

  HE is our “Knight in Shining Armor!” Ito ang description nang halos lahat ng nagbubunying mga empleyado sa Bureau of immigration mula nang umupong Secretary of Justice si Hon. Alfredo Benjamin Caguioa. Pakiramdam daw kasi nang lahat ay siya na ang ipinadalang “sugo” or “savior” para maging tagapagtanggol ng mga naaapi at muling magpagaan ng pakiramdam ng mga empleyadong …

Read More »

Mayor Fred Lim sa survey pa lang panalong-panalo na

NAGBUNYI ang mga Manileño nang lumabas sa isinagawang survey ng Philippine Polls Online (PPOL) para sa nalalapit na halalan sa 2016 na nangunguna si Mayor Alfredo Lim habang malayong nakabuntot sina dating Pangulo at incumbent Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada at outgoing Manila District V Representative Amado Bagatsing. Sa tanong “kung sino ang nais ninyong susunod na mayor ng Maynila,” nakuha …

Read More »

Isang makabuluhan at masayang kaarawan Konsehal (to be) Jimmy Adriano!

BINABATI po natin si Barangay Chairman Jimmy Adriano ng Barangay 718, Zone 8, Malate, Maynila ng isang happy, happy birthday! Si Chairman Adriano po ay isa sa maipagmamalaking barangay chairman ng Maynila. Ang kanyang barangay sa Malate, Maynila ay isa sa maituturing na may maunlad na komersiyo. Siyempre hindi uunlad ang komersiyo sa isang lugar kung hindi kayang panghawakan ang …

Read More »

PCSO Chairman Ayong Maliksi ‘iginagapos’ ng PCSO board pabor sa STL operators

MASAKLAP itong kalagayan ngayon ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Ereneo “Ayong” Maliksi kung totoo ngang ‘napakahina’ ng kanyang convincing power sa Board of Directors (BOD). Sabi  ni Chairman Ayong, “Hindi ako makagalaw laban sa mga katiwalian ng STL operations. Nakagapos ang kamay ko sa kontrol ng mayorya ng PCSO Board.” Hindi natin alam kung ang statement bang ito …

Read More »

Pabebe driver feeling bossing sa BI detention cell

INIAANGAL ng mga Bureau of Immigration (BI) CSU (civilian security unit) personnel at Confidential Agents na nakatalaga sa BI-Warden’s facility sa Bicutan ang isang Vemcy Pa-macho ‘este’ Camacho. Masyado raw maangas kung makapag-utos at kung umasta raw ay daig pa mismo ang warden ng buong pasilidad! Kontodo de-baril pa raw na nakasukbit na animo’y dating militar samantala dakilang hao-hsiao lang …

Read More »

Conjugal racket ng mag-asawang Corres sa Angeles pumutok na!

AYAN NA! Pumutok na ang bulkan! Kung pinansin o pinag-aralan man lang ng kasalukuyang administrasyon ng Bureau of Immigration (BI) ang halos dalawang taon na nating pinupuna at binabatikos na pagmamanipula ng mag-asawang Corres (Angeles Alien Control Officer o ACO Janice Corres at Albert Corres) sa pagpoproseso ng visa application ng mga dayuhan na ini-endoso ng Fontana Leisure Estate hindi …

Read More »

Justice for Quintin “Ting” Paredes San Diego hiling ng MAD members

PINASLANG si Quintin “Ting” Paredes San Diego sa kanyang Maligaya Farm Resort sa sa Barangay Caragsacan, Dingalan, Aurora nitong nakaraang Nobyembre 7 (2015). Si Ting ang chairman ng Mamayang Ayaw sa Dinastiya Politikal (MAD). Maraming adbokasiyang isinusulong ang MAD, kaya ang hinala ng kanyang mga opis-yal at miyembro, may kaugnayan dito ang pamamaslang sa kanya. Hindi lang siya laban sa …

Read More »

Kataas lumundag ni Cong. Dan Fernandez

ANG taas naman ng lundag ni Laguna congressman Dan Fernandez?! Aba ‘e muntik akong malula. Mantakin ninyong kaya rin daw niyang gawin sa Laguna ang ginawa ni Mayor Rodrigo Duterte sa Davao City?! Ang taas ng lundag kasi, ang alam nating tinatakbuhan ni Duterte ay presidente hindi mayor.  E bakit tila tinatapatan siya ni Fernandez na tumatakbong mayor sa Sta. …

Read More »

Atoy Customs Design for cars & trucks at Violago nakabili na ba ng kalsada sa West Ave., QC!?

MATAGAL na tayong nakatatanggap ng reklamo tungkol sa ATOY CUSTOMS at VIOLAGO. Ito ‘yung dalawang talyer na gumagawa ng mga sasakyan ayon sa disenyo na gustong gawin ng may-ari. Maraming nakikitang nagpapagawa sa kanila kasi nga ‘e custom design, lalo na ‘yung mahihilig sa sasakyan. Pero ang reklamo ng mga motorista na dumaraan sa nasabing lugar, dapat ‘e magkaroon sila …

Read More »

LTO pahirap sa bayan

IBANG klase rin ang Land Transportation Office (LTO) na pinamumunuan ngayon ni Atty. Alpunso ‘este’ Alfonso Tan. Aba, hindi na nga nila ma-comply ang backlog sa plaka at lisensiya ng mga applicants ‘e nagdagdag pa ng requirements sa renewal ng driver’s license. May police clearance na may NBI clearance pa?! Sonabagan!!! Hindi ba dagdag gastos at abala ‘yan sa mga …

Read More »

Aprub ba kay SoJ Ben Caguioa ang “one-stop-shop” visa processing?

SA KABILA raw ng ating mga inilahad, tuloy pa rin daw ang sinasabing one-stop-shop processing ng visa riyan sa Rm. 426 courtesy ng isang Atty. Paminta ‘este’ Maminta. Since bigyan ng blessing ni Pabebe-Comm. Fred ‘greencard’ Mison ang tinaguriang “one-stop-shop” diyan sa 4th floor ng BI main office, hindi nag-aksaya ng panahon si Atty. Maminta at bigla agad naisipan na mag-expand …

Read More »