ISANG gunggong-galunggong na opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tahasang nagpakita ng kanyang katangahan at kayabangan nitong nakaraang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.
Mahilig kasing magpa-bida ang nasabing BI-NAIA official. Kahit sa kuwentohan lang, gusto siya lagi ang bida.
At dahil sa ganyang kostumbre, hayun, humulagpos ang katangahan n’ya.
Mantakin ba naman ninyong i-post sa kanyang Facebook account last APEC ang passport ni American President Barrack Obama?!
Sabay caption pa ng: “The Eagle has landed!”
Sonabagan!!!
‘E highly confidential ‘yan, Kamoteng BI official!
Ingat na ingat nga ‘yung mga nagbabantay kay Obama na ma-detect ng terorista kung nasaan sila tapos si kamote ia-announce at ibubuyangyang ang pasaporte ni Obama sa Facebook?!
‘E ‘yun nga, biglang may isang nag-comment na… “You’re in big trouble, man!”
Saka lang siguro natauhan ‘yung kamoteng BI-NAIA official kaya ini-delete ‘yung kanyang post sa Facebook.
Ano ba ang nangyayari sa BI official na ‘yan?! Nasalanta na ba ng human trafficking ang kanyang utak?!
O nahawa na siya sa kanyang amo na isa ring gunggong-galunggong!?
Kilala mo ba ‘yang tarantadong opisyal na ‘yan BI-NAIA Airport Operation Division chief BEN ‘tot’ SE!?
Batukan mo nga ‘yan para matauhan!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com