Tuesday , August 9 2022

Nakakompromisong Katarungan

pembertonGANITO natin gustong tawagin ang lumabas na hatol ng Olongapo City Regional Trial Court kay Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton.

Guilty sa kasong homicide si Pemberton, bagama’t tinanggap ito ng mga kaanak ng biktima, mayroon naman silang reserbasyon kung bakit homicide lang ang kaso.

Ang rason, ang ikinamatay raw ng biktimang si Jennifer Laude ay asphyxia kaya hindi pwedeng ‘murder’ ang isampang kaso laban kay Pemberton.

‘Yan siguro ang immediate cause. E ano ang antecedent cause of death? Hindi ba’t inilalagay ‘yun sa death certificate?        

Anila, naniniwala silang ginamit na naman umano sa nasabing kaso ang  Visiting Forcer Agreement (VFA).

Ididiretso si Pemberton sa National Bilibid Prison, hindi  sa US Embassy, hindi sa JUSMAG o saan mang American facility, pero ito ay pansamantala lamang.

Bakit naman pansamantala lang?!

Tapusin na lang sa Bilibid ni Pemberton ang sentensiya sa kanyang anim (6) hanggang 12 taon kulong.

‘Yan ha, anim hanggang 12 taon lang.

Kumbaga, adding insult to injury pa ‘yan kung tatanggalin nila sa Bilibid si Pemberton para ibalik sa US base sa VFA.

Huwag n’yo namang hayaan na maniwala kaming ang sentensiya kay Pemberton ay isang nakakompromisong katarungan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply