Saturday , May 21 2022

Maraming milagro sa POC

 

00 pitik tisoyPORT of Cebu (POC) District Collector Marcos, ano na po ba ang resulta ng imbestigasyon sa mga ninakaw na imported BIGAS sa inyong pantalan na umaabot sa 20 container vans sa ginawang SWING OPERATION, by using FAKE DOCUMENTS .

Ang malupit pa rito ‘e walang binayarang BUWIS, kahit isang sentimo!

But for sure may nabayaran sa mga kasabwat na mga tulisan. May naparusahan na po ba at  kung sino sino sila?

Ano pala ang putok na balita diyan sa Port of Cebu, that a certain “ALIN-G” ang mabigat daw diyan ngayon at tinalo pa raw ang old players.

Paki-check nga Comm. Bert Lina.

MICP paboritong daanan ng misdeclared goods

May nasakoteng 1×40 container van na idineklara na naglalaman ng 1,030 children handbags, street lamps and school supplies etc.,  sa Manila International Container Port (MICP) pero nabuking ng customs na ang tunay na laman ay mga assorted medicines in a 452 boxes from XIAMEN China na 5,120,00O tablets  tulad  ng TUSERAN FORTE, DECOLGEN, KREMIL-S, at BIOGESIC and 210 bags/25k ng mga bigas ,various motorcycle parts other undeclared item consigned to RESPAWNABLE ENTERPRISES.

Wala pang actual result or finding if the said medicines ay FAKE or not. But for sure mga peke ito.

May isang  container declared naman na BOXES and GROCERY items pero naglalaman pala ng mga branded TOYS  and PORK luncheon meat consigned to BERBA ENTERPRISES.

May isang container din na declared PLASTIC TOYS pero ang laman ay assorted car accessories, branded toys and  other branded items consigned to BLUE IMPLUSE TRADING.

Ang tatlong consignee ay sasampahan ng kaso ng Bureau of Customs for smuggling dahil sa misdeclaration ng kanilang kontrabando bilang general merchandise.

Ang tanong, bakit paboritong bagsakan ng misdeclared goods ang MICP?

Alam ko ang sagot, ewan ko lang kung alam na rin ninyo!?

 

About Ricky "Tisoy" Carvajal

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

P33.00, hindi nakabibili ng corned beef

AKSYON AGADni Almar Danguilan MAGKAKANO na ba ang isang de latang sardinas ngayon? Depende sa …

USAPING BAYAN ni Nelson Flores

Isang Bukas na Liham

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. SA MGA KASAMA, ngayon at dati; kamag-anak, kamag-aral …

PROMDI ni Fernan AngelesI

Eksperto, hindi polpolitiko sa DOE

PROMDIni Fernan Angeles SA NAPIPINTONG pag-upo ni President-elect Bongbong Marcos bilang ika-17 Pangulo sa Hulyo, …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Ikinayaman ang presyohang turon

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ALAM ng mga nakatrabaho ko sa Tempo sa loob …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Taas presyo sa de-lata, gatas, asin atbp, hamon sa BBM admin

AKSYON AGADni Almar Danguilan INAASAHAN sa buwan ng Hulyo o mga kasunod na buwan ay …

Leave a Reply