This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
PINASLANG si Quintin “Ting” Paredes San Diego sa kanyang Maligaya Farm Resort sa sa Barangay Caragsacan, Dingalan, Aurora nitong nakaraang Nobyembre 7 (2015).
Si Ting ang chairman ng Mamayang Ayaw sa Dinastiya Politikal (MAD).
Maraming adbokasiyang isinusulong ang MAD, kaya ang hinala ng kanyang mga opis-yal at miyembro, may kaugnayan dito ang pamamaslang sa kanya.
Hindi lang siya laban sa political dynasty, laban din siya sa DAP at PDAF.
Pabor sa pangangalaga ng kapaligiran kaya kalaban siya ng mga umaabuso rito gaya ng illegal miners.
Kasangga siya ng mga mamamahayag sa panawagan na ipasa na ang Freedom of Information (FOI) Bill.
Gusto rin niyang i-restore ang death penalty lalo na laban sa karumal-dumal na krimen gaya ng ilegal na droga.
Hinihiling po ng MAD ang pakikiisa at panalangin sa katarungan para kay TING SAN DIEGO.
Nanawagan din ang MAD sa mga awtoridad na maging puspusan ang imbestigasyon upang agad mahuli ang gunman at utak sa pamamaslang.
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com