Atoy Customs Design for cars & trucks at Violago nakabili na ba ng kalsada sa West Ave., QC!?

Atoy customsMATAGAL na tayong nakatatanggap ng reklamo tungkol sa ATOY CUSTOMS at VIOLAGO.

Ito ‘yung dalawang talyer na gumagawa ng mga sasakyan ayon sa disenyo na gustong gawin ng may-ari.

Maraming nakikitang nagpapagawa sa kanila kasi nga ‘e custom design, lalo na ‘yung mahihilig sa sasakyan.

Pero ang reklamo ng mga motorista na dumaraan sa nasabing lugar, dapat ‘e magkaroon sila ng malaking talyer kasi sa kalsada na nila halos ginagawa ang mga tanggap nilang trabaho.

At sa totoo lang, sila ang nakababara sa traffic ng mga sasakyan sa nasabing lugar.

Ilang beses nang inireklamo pero ganoon at ganoon pa rin ang nangyayari.

Aba kung hindi tayo nagkakamali, nasa kanto lang ng Quezon Ave. at West Ave. ang satellite office ng MMDA, hindi ba nila napapansin ‘yang dalawang talyer na ‘yan?!

Nagtataka tayo kung bakit hirap na hirap ang mga awtoridad para sitahin ‘yang dalawang talyer.

Ano ba talaga ang meron diyan at mukhang hindi kayang sitahin ng mga awtoridad ang mga talyer na ‘yan?!

Pakisagot na nga ho ret. Gen. Elmo San Diego!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com