Kataas lumundag ni Cong. Dan Fernandez

dan fernando lagunaANG taas naman ng lundag ni Laguna congressman Dan Fernandez?!

Aba ‘e muntik akong malula.

Mantakin ninyong kaya rin daw niyang gawin sa Laguna ang ginawa ni Mayor Rodrigo Duterte sa Davao City?!

Ang taas ng lundag kasi, ang alam nating tinatakbuhan ni Duterte ay presidente hindi mayor.

 E bakit tila tinatapatan siya ni Fernandez na tumatakbong mayor sa Sta. Rosa, Laguna?!

Eepal lang itong si Fernandez ‘e mali pa…

Ang masama katono pa ni Fernandez ‘yung ‘Koponang Tsinelas.’

Nagtataka naman tayo kung bakit matindi ang reaksiyon ng Koponang Tsinelas at ni Fernandez sa kandidatura ni Mayo Digong Duterte.

Para bang gulat na gulat sila sa naging desisyon ni Duterte.

Siguro natakot ang Koponang Tsinelas dahil pag pumasok si Duterte sa survey ‘e malamang na makulelat na sila.

Aray ko!

Para kasing choir sa simbahan, in unison nang rumepeke ang Koponang Tsinelas, ‘yan bistado tuloy silang lahat, kung sino-sino sila.

Tsk tsk tsk…

Back to Dan Fernandez, sa totoo lang, marami ang nagulat nang magdeklara siyang tatakbong Mayor sa Sta. Rosa, Laguna.

Sabi ng ilang kaibigan natin sa Sta. Rosa city, ‘e Hindi naman kasi siya taal na tagaroon.

Ngek!!!

Lumipat lang siya ng bahay at presto, komo naka-comply ang kanyang residency sa requirements ng Comelec, hayun tumakbo nang mayor sa Sta. Rosa.

‘E sa totoo lang, mas gusto ng mga taga-Sta. Rosa ‘yung kapatid ni Mayora Arlene ang tumakbong alkalde, nagulat na lang sila na biglang lumutang ang isang Dan Fernandez?!

Nagbiro pa ‘yun isang kausap ko, na “puro footbridge at welcome marker lang daw naman ang nagawa n’yan sa distrito nya sa Laguna. Dumami rin daw ang love of my life n’ya.”

Akala yata ni Fernandez ‘e bigla siyang sisikat kapag binanatan niya si Duterte, hayun bigla siyang inupakan sa social media.

‘Yan na nga ba ang sinasabi natin, hinay-hinay sa pag-epal at baka biglang maindulto.

Hik hik hik!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com