Thursday , December 19 2024

Breaking News

Michael Yang ‘pagador’ ng Pharmally — Duterte

ni ROSE NOVENARIO HINDI na mahihirapan ang Senado na ungkatin ang papel ng dating economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kuwestiyonableng kontrata ng Pharmally Pharmaceuticals Corporation dahil mismong punong ehekutibo’y inamin na pagador siya ng kompanyang nakasungkit ng P8.6-bilyong overpriced medical supplies.   Sinabi ito ng Pangulo kasunod ng pagtatanggol kung bakit niya itinalagang economic adviser si Michael Yang, …

Read More »

MMDA Redemption Center back to normal operations

MMDA

BALIK normal na ang operasyon sa redemption center at puwede na muling magsagawa ng face-to-face transactions sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong araw Martes, 31 Agosto. Lahat ng transaksiyon, kabilang ang pagbabayad ng multa sa traffic violations ay tatanggapin sa Redemption Center. Sa mga nais magbayad sa pamamagitan ng electronic o cashless sa online payment channels ay pinapayagan pa …

Read More »

2nd dose ibinigay sa pamamagitan ng COVID Protect
95% flying crew ng Cebu Pacific bakunado na

Cebu Pacific crew, Covid-19 vaccine

INIULAT ng Cebu Pacific, 95 porsiyento ng kanilang mga pilot at mga cabin crew ay pawang bakunado na, at patungo sa pagkompleto ng employees inoculation sa Oktubre ngayong taon. Noong Huwebes, 26 Agosto, binigyan ng pangalawang dose ng bakuna kontra CoVid-19 ang ilang mga empleyado sa pamamagitan ng COVID Protect, ang kanilang programa na may layuning bakunahan lahat ang kanilang …

Read More »

20-storey Pedro Gil residences sinimulan na ng Manila gov’t

Isko Moreno, Honey Lacuna, Pedro Gil residences

INIHUDYAT na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang konstruksiyon ng ika-limang proyektong pabahay para sa mga umuupa at informal settlers, sa isang groundbreaking ceremony, kahapon.   Pinangunahan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang groundbreaking ceremony ng 20-storey Pedro Gil Residences na matatagpuan sa kanto ng Augusto Francisco at Perlita  streets sa San Andres Bukid. Ayon kay Mayor Isko, ang konstruksiyon …

Read More »

Escape plan ng Duterte Davao Group kasado na

KASADO na ang daan upang makatakas sa pananagutan sa paglulustay ng pera ng bayan ang tinaguriang Davao Group ni Pangulong Rodrigo Duterte kapag nawala na siya sa puwesto. Inihayag ito ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Richard Gordon sa panayam sa kanya ng programang The Chiefs, sa One News. Aniya, ang pagpapapuwesto sa iba’t ibang ahensiya hanggang sa Ombudsman …

Read More »

Sa gitna ng pandemya
PAMOMOLITIKA NG PAMILYA DUTERTE BINATIKOS

HATAW News Team UMABOT na sa halos 22,000 kada araw ang CoVid-19 cases sa Filipinas pero ang administrasyong Duterte ay pamomolitika at pagbatikos lang ang kayang gawin. Ipinahayag ito ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Partylist Rep. France Castro kasabay ng hamon kay Pangulong Rodrigo Duterte, imbes ang kanyang vice presidential bid at ang pag-uudyok sa anak na si Davao …

Read More »

JC, wa pakels sa pagpapakita ng butt

HINDI masabi ni JC Santos kung magkano ang halaga ng kanyang butt nang deretsahang tinanong ko ito sa media conference ng pelikulang Open ng BlacksheepPH at T-Rex Entertainment na idinirehe ni Andoy Ranay. Katrabaho rito ni JC sina Arci Munoz, Vance Larena, at Ina Raymundo. Ang sinabi niya lang ay wala siyang pakialam sa walang kiyeme at walang humpay na …

Read More »

Beauty queen-turned actress, takam na takam sa mga giveaway

blind item woman

KARAKTER talaga ang beauty queen-turned-actress na ito. May ugali kasi itong parang takam na takam sa mga giveway sa presscon na tipong nakikipagkompitensiya pa sa mga uma-attend na miyembro ng showbiz press. Minsan sa presscon sa isang pelikulang kasama siya ay kinuyog siya ng press para interbyuhin sa isang sulok. Magiliw naman niyang pinagbigyan ang mga ito. Sa kalagitnaan ng interbyu, …

Read More »

NBI Pinakilos vs drug trade sa Bilibid

INIUTOS ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng fact-finding investigation sa kalakaran ng ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison. Ito ay makaraan niyang matanggap ang ilang bank documents na iniuugnay sa nangyayaring transaksiyon ng ipinagbabawal na gamot sa Bilibid. Ayon kay Aguirre, magagamit ng NBI ang mga dokumento na …

Read More »

Donaire mapapalaban sa The Big Dome

MAPAPALABAN na naman si Nonito Donaire Jr., at ngayo’y sa Smart Araneta Coliseum tatangkain ng Pinoy champ na mapatunayang muli ang kanyang husay bilang kampeon sa buong mundo. Kinompirma ito ni Top Rank promoter Bob Arum makaraang matagumpay na mapanalunan ng 33-anyos na alaga sa kanyang comeback fight ang World Boxing Organization (WBO) super bantamweight title nitong nakaraang Disyembre kontra …

Read More »

Nacionalista Party handa nang sumabak sa 2016

LALO pang pinaigting ang tibay ng Nacionalista Party sa Camarines Sur matapos sumapi ang marami pang miyembro kabilang ang ilang dating nasa partido ng administrasyon, ang Liberal Party. Noong Huwebes, sinaksihan nina Senador Cynthia Villar at Ferdinand “Bongbong” Marcos ang pormal na oath-taking ceremony ng mga bagong NP members na pinangunahan ni NP provincial chairman at dating Gobernador LRay Villafuerte. …

Read More »

Volunteer legal counsel niratrat sa San Fabian

TODAS ang isang dating municipal councilor nang tambangan ng gun-for-hire sa Poblacion, San Fabian, Pangasinan kahapon. Kinilala ang biktimang si Atty. Cristobal Fernandez, 67, residente ng Caballero St., Poblacion, San Fabian. Sa report ni Chief Insp. Crisante Sadino, hepe ng San Fabian PNP, nagsusulat ang aboagdo sa loob ng opisina nang pumasok ang dalawang armadong lalaking nakasuot ng helmet dakong …

Read More »

Ampatuan lawyers kumalas sa kaso (Delaying tactic?)

PERSONAL na matatanggap ng mga akusado sa Maguindanao massacre case ang ano mang court decision, orders, resolutions at iba pang direktiba makaraan magbitiw ang mga miyembro ng kanilang defense counsel. Kabilang sa mga naghain ng kani-kanilang notice of withdrawals ay sina Atty. Sigfrid Fortun ng Fortun, Narvasa, Salazar Law Firm; Atty. Andres Manuel ng Manuel Law Office; at Atty. Paris …

Read More »

P0.31/kwh rate hike ipatutupad ng Meralco

IPATUTUPAD ng Manila Electric Co (Meralco) ang P0.31 per kilowatt hour rate hike ngayong buwan. Kabilang dito ang P0.23 /kwh pagtaas sa generation charge at ang P0.08/ kwh pagtaas sa iba pang charges. Ang taas-singil sa koryente ay bunsod ng serye ng power plant shutdown sa Luzon nitong Hulyo. Ang mga consumer ay magbabayad din ng karagdagan para sa electrification …

Read More »

Manager ng outsourcing company nag-suicide

TUMALON mula sa ika-22 palapag ng condominium ang isang Singaporean national na manager ng isang kompanya sa Taguig City kahapon ng umaga. Patay agad ang biktimang si Quiao Sheng Zhang, 28, branch manager ng Trinco Inc., – BPO Company, isang business process outsourcing company, sa Makati City at pansamantalang naninirahan sa Room 22-D, Crescent Park Residences Condominium, sa 30th St., …

Read More »

PCOS issue bubusisiin ng Senado

MAGPAPATAWAG ng sariling imbestigasyon ang Senado kaugnay ng naging kontrobersiya sa performance ng precinct count optical scan (PCOS) machines noong 2013 local and senatorial elections. Ang imbestigasyon ay gagawin ng Senate committee on electorial reforms and people’s participation na pinamumunuan ni Sen. Koko Pimentel. Tinukoy ng senador ang alegasyon ng electorial fraud sa Nueva Ecija partikular sa kasong inihain nina …

Read More »

Bail appeal ni Enrile tuluyan nang ibinasura ng Sandigan

TULUYANG ibinasura ng Sandiganbayan 3rd division ang motion for reconsideration sa petition to bail ng kampo ni Sen. Juan Ponce Enrile. Ayon sa resolusyong inilabas ng anti-graft court, nabigo ang kampo ni Enrile na makapagpakita nang sapat na rason para pagbigyan ang senador na makapagpyansa. Si Enrile ay nahaharap sa kasong plunder dahil sa alegasyon ng pagtanggap ng kickback sa …

Read More »

Misis ni Derek humingi ng P48-M support

INIHAYAG ng abogado ni Mary Christine Jolly, sinasabing misis ni Derek Ramsay, na humihingi ang kanyang kliyente sa aktor ng lump sum support na P48 milyon. Sinabi ni Atty. Isaiah Asuncion, ang nasabing halaga ay para sa renta ng bahay, dental at edukasyon ng anak nina Jolly at Ramsay hanggang magkolehiyo. Ang kahilingan ay inilatag ng kampo ni Jolly sa …

Read More »

Iniregalong multi-cab sa Cebu LGUs tong pats din (Dagdag na kaso kay Binay)

CEBU CITY – Hindi pa man lubusang nasasagot ang kasong plunder, isang panibagong kaso ng katiwalian ang haharapin ni Vice President Jejomar Binay kaugnay sa pagbili ng multi-cab na ipinamigay niya sa local government units (LGUs) sa lalawigang ito. Ayon sa abogadong si Renato Bondal, binili ni Binay ang mga multi-cab noong siya ay Mayor pa ng Makati sa halagang …

Read More »

Misis todas habang ka-skype si mister (Hubo’t hubad sa harap ng laptop)

VIGAN CITY – Walang saplot at patay na nang makita ang isang ginang sa loob ng kanyang kuwarto sa inuupahang bahay sa Sinait, Ilocos Sur kamakalawa. Ang biktima ay kinilalang si Rose Jean Ibea, 41, asawa ng seaman, at mayroong tatlong anak, ng Brgy. Masadag nguni’t nangungupahan sa Brgy. Rang sa nasabing bayan. Batay sa imbestigasyon ng PNP Sinait na …

Read More »

Pataw na buwis vs bonus, allowances ng state workers kinatigan ng Palasyo

PINABORAN ng Palasyo ang mahigpit na pagpapatupad ng pagpapataw ng buwis ng Bureau of Internal revenue (BIR) sa mga bonus at allowance na tinatanggap ng mga kawani ng gobyerno. Depensa ni Presidential Sookesman Edwin Lacierda, hindi nagpapataw ng panibagong pagbubuwis ang gobyerno sa mga empleyado ng pamahalaan, bagkus ay sinusunod lamang ni BIR Commissioner Kim Henares ang nakasaad sa Section …

Read More »

Escort chopper ni Gazmin 2 kalihim, bumagsak (Piloto, bystander sugatan)

CAGAYAN DE ORO CITY – Nasa ligtas nang kalagayan ang isang sundalo at sibilyan na sugatan sa pagbagsak ng sinasakyang chopper ni 4th ID commanding officer, B/Gen. Ricardo Visaya sa loob ng Camp Ranao, Marawi City kahapon. Inihayag ni 4th ID spokesperson Maj Christian Uy, ilang minuto lamang mula sa pag-take off ng Sokol multi-purpose helicopter ay biglang nawalan ng …

Read More »

Massacre witness aalisin sa WPP (Makaraan ikanta ang bribery deal)

PINAG-AARALAN ng Witness Protection Program (WPP) na alisin sa kanilang pangangalaga si Lakmodin Saliao, state witness sa Maguindanao massacre case. Ito ang sinabi ni Justice Undersecretary Francisco Baraan III, makaraan magpaunlak ng panayam si Saliao nang walang permiso mula sa WPP. Matatandaan, sa panayam sa isang himpilan ng radyo, sinabi ni Saliao na nabayaran ng P50 milyon ang panel of …

Read More »

DoJ prosecs mananatili sa kaso ng Ampatuan (Sa kabila ng P50-M bribery deal)

HINAMON ni DoJ Usec. Franscisco Baraan III si Atty. Nena Santos, abogado ng mga biktima ng Maguindanao massacre, na ilabas ang sinasabing listahan ng sinuhulang public prosecutors para maabswelto ang mga Ampatuan sa nasabing kaso. (BONG SON) IPINASYA ni Justice Sec. Leila de Lima na manatili ang mga miyembro ng kasalukuyang prosecution panel sa Maguindanao massacre case sa kabila ng …

Read More »

Bading bugbog-sarado sa sadistang callboy

LUMULUHANG dumulog sa himpilan ng pulisya ang isang 24-anyos bading makaraan babuyin at bugbugin ng isang callboy kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. Namamaga ang labi dahil sa kagat, gula-gulanit ang bra at damit ng biktimang kinilalang si Daniel Lim alyas Beki, 25-anyos, ng M. Maysan, Brgy. Maysan, Valenzuela City. Habang pinaghahanap ang hindi nakilalang suspek na mabilis na tumakas …

Read More »