Saturday , December 6 2025

Blog List Layout

https://www.facebook.com/bingoplusph

Lider ng criminal group sa Bataan todas (Sa kampanya kontra krimen ng PRO3)

PATAY sa enkuwentro laban sa mga kagawad ng CIDG PFU-Bataan, Orani Municipal Police Station, at Provincial Intelligence Unit ng Bataan PPO ang sinasabing lider ng Junjun Criminal Group sa ikinasang buy bust operation na nauwi sa shootout nitong Miyerkoles, 24 Marso, sa bayan ng Orani, lalawigan ng Bataan. Ayon sa ulat ni P/Col. Joel Tampis, provincial director ng Bataan PPO, …

Read More »

Rice farmers sinanay sa pagpapalakas ng rice production

Rice Farmer Bigas palay

LIBO-LIBONG mag­sasa­kang nagtatanim ng palay ang nakinabang nang sumailalim sa pagsasanay at naabot ng information campaign na ipinapatupad ng Rice Competitiveness Extension Fund-Rice Extension Services Program (RCEF-RESP) mula nang lagdaan ang Rice Tariffication Law noong 2019. Ayon kay Karen Eloisa Barroga, vice-chair ng Technical Working Group ng RCEF-RESP, mas maraming magsasaka at trainers ang naturuan ng extension services. Ngayong 2021, …

Read More »

Bangladeshi national itinumba sa RTW stall

gun dead

BINARIL at napatay ang isang Bangladeshi national ng isang hindi kilalang suspek sa loob ng mall sa Pasay City, kahapon. Binawian ng buhay nang idating sa San Juan De Dios Hospital ang biktima na kinilalang si Abu Taher, 52 anyos, may asawa, negosyante, residente sa Apollo 10, Barangay 188, Zone 20, San Gregorio Village, Pasay City, sanhi ng mga tama …

Read More »

2 drug peddler mas piniling mamatay kaysa sumuko

shabu drugs dead

BINAWIAN ng buhay ang dalawang ‘manga­nga­lakal’ ng droga matapos manlaban at makipagbarilan sa pulisya sa anti-illegal drug operation na ikinasa sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan nitong Miyerkoles, 24 Marso. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang mga napaslang na suspek na sina Edison Dizon ng Looban, Brgy. Tabing-ilog, bayan ng Marilao; at Gaudioso Juarez, …

Read More »

DAR sa mga empleyado: “No swab test, no entry!”

Covid-19 Swab test

MATAPOS sa 31 staff ang nagpositibo sa CoVid-19, hindi na papayagang makapasok sa kanilang trabaho ang mga empleyado ng Department of Agrarian Reform (DAR) nang walang swab test sa loob ng 14 araw. Nitong Huwebes, nagpalabas si DAR Director for Administrative Service Cupido Asuncion, ng memorandum para sa mandatory testing ng mga empleyado sa mga opisina ng ahensiya upang matiyak …

Read More »

Bakuna gamitin bago mag-expire

HINIKAYAT ni Senator Joel Villanueva ang gobyerno na agad gamitin ang bakuna upang hindi ito masayang, at kung kinakailangan ay iturok agad sa next priority group tulad ng essential workers. “Ang vaccination po ay time-on-target dahil may expiry date ang mga ito,” ani Villanueva, chair ng Senate labor committee. “Imbes masayang, gamitin na po ito kaagad.” Ayon kay Villanueva, dapat …

Read More »

LGU ‘guilty’ Duterte ‘absuwelto’ (Double standard sa command responsibility)

MAGKASALUNGAT ang interpretasyon ng Palasyo at Department of Interior and Local Government (DILG) sa doktrina ng command responsibility kaugnay ng mga patakaran sa pagpapatupad ng national vaccination program. Nanindigan si DILG Undersecretary Epimaco Densing na alinsunod sa command responsibility, dapat managot si Parañaque Mayor Edwin Olivarez sa pagturok ng CoVid-19 vaccine sa aktor na si Mark Anthony Fernandez ng city …

Read More »

Aktor Mark Anthony posibleng makalusot sa pagpapabakuna

POSIBLENG makalusot sa anomang kaso ang aktor na si Mark Anthony Fernandez sa kanyang pagpapabakuna kontra CoVid-19 sa Parañaque City. Ito ang inamin ng Department of Interior and Local Government (DILG) matapos konsultahin ang kanilang legal department sa maaaring pananagutan ng aktor. Ayon kay Usec. Epimaco Densing, walang batas ang maaaring gamiting kaso laban kay Fernandez matapos siyang sumi­ngit sa …

Read More »

Giit ni Kap mauna sa frontliners at senior citizens

SA KABILA ng babala ng Department of the Interior and Local Government (DILG), patuloy na iginigiit ng isang punong barangay mula sa Rizal na isama sila sa mga unang batch ng mga tuturukan ng bakuna kontra CoVid-19 – isang bagay na agad sinagot ng kagawaran. Ayon mismo kay DILG Undersecretary Epimaco Densing, sasampahan nila ng kaso ang mga magpipilit at …

Read More »

Mga dating opisyal ng DILG at BFP pinakakasuhan ng COA

SA PAGLABAG sa itinatakda ng batas, pinasasampahan ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ng Commission on Audit (COA) ang mga dating opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Bureau of Fire Protection (BFP) hinggil sa kontrata sa pagbili ng 184 fire trucks at iba pang gamit ng bombero na nagkakahalaga ng mahigit P1.7 …

Read More »

Sen. Bong Go, dumalo sa ‘mass gatherings’

Sa kanyang Going Forward column sa pahayagang Daily Tribune, ikinuwento ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go ang libo-libo kataong tinulungan niya sa mga pinuntahang lugar sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Aniya, noong Lunes, 15 Marso, ay tinulungan ng kanyang grupo ang 1,655 beneficiaries sa Cabagan, Isabela, at 1,037 beneficiaries sa Amulung, Cagayan. Habang noong Martes, 16 Marso, nagbigay ng …

Read More »

Panawagan sa IATF: Karapatan sa pagsamba igalang — Pabillo

NANAWAGAN ang isang obispo ng Simbahang Katolika sa adminis­tra­syong Duterte na konsulta­hin ang mga kaukulang sektor bago magbalangkas ng patakaran kaugnay sa ipinatutupad na quarantine protocols. Sinabi ni Bishop Broderick Pabillo, Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila, may hindi pagkakauna­waan kaugnay sa inilabas niyang pastoral instruction na nagsaad na bukas at magdaraos ng misa ang mga simbahan na may 10% …

Read More »

AFP CS, 88 officials kinompirma ng CA

KINOMPIRMA ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, General Cirilito Sobejana, at ng 31 military officials ganoon din ang nominasyon ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Aimee Ferolino-Ampoloquio, bukod pa sa nomina­syon ng limang ambassador na kakatawan sa Filipinas at 51 opisyal ng Department of Foreign Affairs …

Read More »

2 timbog sa P.3m damo

marijuana

DUMAYO para magbenta ng damo ang dalawang tulak na nabisto nang makuhaan ng mahigit sa P300,000 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Jerich Frane Hernadez, 19 anyos, at Lloyd Paloyo, 21 anyos, kapwa residente sa Brgy. Buting, Pasig City. Ayon kay P/Cpl. Elouiza …

Read More »

‘10K Ayuda Bill’ ipasa

Covid-19 Kamara Congress Money

KINULIT ni dating Speaker Alan Peter Caye­tano ang Kongreso para ipasa ang ‘10K Ayuda Bill,’ gaya ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, at ng dalawang local government units (LGUs), na hinihiling sa gobyerno na magbigay ng karag­dagang ayuda sa mga mamamayan na grabeng naapektohan ng pan­demya dulot ng CoVid-19.. Inihain nina Cayetano, Taguig Rep. Lani Cayetano, at kanilang mga alyado …

Read More »

ARMC sa Marikina, 80% full capacity sa COVID-19 patients — Dr. Mateo

NASA 80 porsiyentong full capacity para sa mga pasyenteng positibo sa CoVid-19 ang Amang Rodriguez Medical Center, sa lungsod ng Marikina. Ayon kay Dr. Imelda Mateo, ARMC Chief, nasa 76 ang admitted, 70 ang kompirmado, at anim ang suspected patient, habang walo pa ang naghihintay sa emergency room na maiakyat sa CoVid ward. Ani Dr. Mateo, aminado siyang wala nang …

Read More »

18-anyos dalagang nalasing, niluray ng kaibigan

harassed hold hand rape

LABIS na tiwala sa naturingang kaibigan, isang dalaga ang pinagsamantalahan habang lasing sa isang bahay sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan ng Bulacan. Kinilala ang suspek ng mga tauhan ng San Ildefonso Municipal Police Station (MPS), na si Jerick Cunanan,  agad natutop sa isang lugar sa Brgy. Mataas na Parang, sa nabanggit na bayan. Lumilitaw sa ulat ng pulisya, una …

Read More »

2 factory workers nakompiskahan ng gin at damo (Pinahinto sa Oplan Sita)

checkpoint

NAHAHARAP sa patong-patong na mga kaso ang dalawang lalaki maka­raang masita sa inilatag na quarantine checkpoint sa boundary ng mga lungsod ng Caloocan at Meycauayan, sa lalawigan ng Bulacan. Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Bernardo Pagaduan, hepe ng Meycauayan City Police Station (CPS), kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang dalawang suspek na sina Aldrin …

Read More »

Senior Citizens binigyan ng mga PPE sa Pampanga (Ayuda kontra CoVid-19)

PERSONAL na pinangunahan ni Second District board member Anthony  Joseph Torres ang pamimigay ng pulse oximeters, thermometers, at face shields mula sa pamahalaang panlalawigan ng Pampanga sa pamumuno nina Governor Dennis “Delta” Pineda, Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda, at Sangguniang Bayan ng Guagua, at tuloy-tuloy ito sa buong probinsiya. Ayon kay Pineda, ang mga face shield at thermometer ay ipamimigay …

Read More »

Manager, caretaker, 2 pa timbog (Nagsabwatan sa pagnanakaw sa poultry farm)

arrest prison

ARESTADO ang nag­sabwatang manager at caretaker upang ransakin ang JJ Rock Poultry farm matapos silang inguso ng dalawa nilang kasamahan na nauna nang natiklo nang matiyempohan ng Talavera Municipal Police Station patrollers nitong Lunes ng madaling araw, 22 Marso, sa Brgy. Sampaloc, bayan ng Talavera, lalawigan ng Nueva Ecija. Kinilala ni P/Col. Jaime Santos, provincial director ng Nueva Ecija PPO, …

Read More »

2 weeks lockdown sa QC Hall of Justice, hiniling ng judges

HINILING sa Court Administrator ng Supreme Court (SC) ng mga huwes sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) na isailalim sa dalawang linggong lockdown ang Hall of Justice. Sa pangunguna ng Executive Judge ng QC, ipinaabot ni Cecily Burgos-Villabert kay Court Administrator Jose Maidas Marquez na dapat isara ang lahat ng korte sa lungsod dahil sa pagdami ng CoVid-19 cases. …

Read More »

Mayor Romualdez pinaiimbestigahan ng Palasyo sa DILG

PINAIIMBESTIGAHAN ng Palasyo si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez dahil nagpaturok ng CoVid-19 vaccine ng Sinovac kahit may patakaran na ang dapat maunang bakuna­han ay health workers. Sa isang tweet ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), ipinagmalaki na nagpabakuna si Romualdez alinsunod sa national vaccination program. Tinanggal na ng PCOO ang nasabing tweet. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, medical …

Read More »

Duterte umiiwas sa bayad-pinsala kapag naprehuwisyo ng CoVid-19 vaccine (Kung private sector)

NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi puwedeng panagutin ang pamahalaan sakaling magkaroon ng masamang epekto ang CoVid-19 vaccine sa taong tinurukan nito kapag ang bakuna ay binili ng pribadong sektor. “One that is the government cannot guarantee much less give you an immune status that you are freed of any and all liability… I think we cannot even do …

Read More »

Truck Helper patay sa steelbars na humulagpos sa backhoe

workers accident

PATAY ang 42-anyos truck helper, nang mabagsakan ng kumalas na steelbar sa backhoe, sa isang construction site sa Barangay Old Balara, Quezon City, nitong Linggo ng umaga. Ang biktima ay kinilalang si Jojit Canale Cabulit, 42, may asawa, helper ng Golden Express at residente sa Bldg, 8 Unit 501, Manggahan Residence, Barangay Sta. Lucia, Pasig City. Agad pinigil si Ricardo …

Read More »
Krystall Herbal Products and FGO Branches