PAIIIMBESTIGAHAN ng Bayan Muna party-list ang malawakang pagdakip ng pulisya sa mga ‘tambay’ maging ang pagkamatay ng isang inaresto sa kustodiya ng Novaliches Police Station 4. Kinondena nina Bayan Muna Rep. Carlos Zarate at Party chairman Neri Colmenares ang pagkamatay ni Genesis Argoncillo alyas Tisoy, na dinakip ng mga pulis-Quezon City noong Biyernes ngunit makalipas ang apat na araw ay idineklarang dead …
Read More »Mental Health Act nilagdaan ni Duterte
NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11036 o Mental Health Act kahapon. Ang batas ay may layuning isulong ang proteksiyon sa karapatan ng mga taong may kapansanan sa pag-iisip sa pamamagitan nang paglalaan ng pondo para sa integrated mental health services. Base sa batas, titiyakin ng estado ang maagap, abot-kaya, de-kalidad at “culturally-appropriate” na mental health care …
Read More »GMRC kargo ng magulang — Palasyo
MINALIIT ng Palasyo ang pahayag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na malaking hamon sa kanila ang magturo ng “good manners and right conduct” sa mga mag-aaral dahil napapanood si Pangulong Rodrigo Duterte na gumagamit ng masasamang salita sa kanyang mga talumpati. Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, trabaho ng mga magulang ang magturo ng kagandahang asal sa kanilang mga …
Read More »Pag-uwi ni Joma kanselado
READ: Peace talks ikinansela: Duterte patalsikin — Joma Sison READ: Joma hindi ‘mata-tarmac’ sa airport (Sigurado si Duterte) READ: Babala ni Digong: Peace talks ‘pag bigo ulit Joma papatayin READ: Umuwi ka na sagot kita (Hikayat ni Digong kay Joma) READ: Digong kay Joma: 5 NPA kapalit ng sundalong papaslangin ng komunista READ: Joma ‘nabansot’ sa FQS (Sana’y may sapat …
Read More »Trade sec ipakain sa gutom na sikmura
DAPAT ipakain sa mga gutom na Filipino si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez. Ito ang buwelta ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) sa pahayag ni Lopez sa Palasyo kahapon na hindi dapat bigyan ng umento sa sahod ang mga manggagawa sa kabila nang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Sinabi ni Allan …
Read More »Digong nagnilay saltik sa pari itinigil
“FOR whom the bell tolls, it tolls for thee…” Bahagi ito ng sinabi kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte nang sa gitna ng kanyang pagbatikos sa mga pari ng Simbahang Katolika sa kanyang talumpati sa Iloilo City, tumunog ang kampana bilang hudyat ng Angelus. Bago tumunog ang kampana, mistulang binibigyan katuwiran ni Duterte ang pagpatay sa isang pari kamakailan na umano’y …
Read More »Tanong ng Palace reporters ‘ibinasura’ ng PIA Region XII
MEDIA censorship. Ito ang puna ng ilang mamamahayag na nakatalaga sa Palasyo matapos balewalain ni Danilo E. Doguiles, PIA Region XII officer-in-charge, ang ilang ipinadalang tanong ng Palace reporters sa press briefing ni Presidential Spokesman Harry Roque sa Cotabato City. Si Doguiles ang tumayong moderator sa naturang press briefing. Matapos basahin ni Roque ang kanyang ope-ning statement ay inatasan niya …
Read More »Media Safety chief isusunod ng Palasyo — Harry Roque
NAKAHANDA ang Palasyo na paimbestigahan ang isyu nang pagkakasangkot ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) chief Joel Egco sa iringan ng dalawang media organizations na nag-ugat sa P100 milyong federalism campaign fund. Sa press briefing sa Cotabato kahapon, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na makatutulong sa pagsisisyasat kung may maghahain ng pormal na reklamo laban kay Egco. “Well, …
Read More »Sister Fox mananatili sa bansa
IGINAGALANG ng Palasyo ang resolusyon ng Department of Justice (DOJ) na kumatig sa petisyon ni Sister Patricia Fox na manatili sa bansa. “We respect the resolution by the DOJ secretary,” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque. Sa resolusyon na nilagdaan ni Justice Secretary Menardo Guevarra, binaliktad niya ang naunang kautusan ng Bureau of Immigration na i-downgrade ang missionary visa ni …
Read More »Duterte, Simbahan nag-usap na
TINAWAGAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bishop Sofronio Bancud noong 14 Hunyo upang makiramay at tiyakin na mabibigyan ng hustisya ang pagpatay kay Fr. Richmond Nilo. “Tinawagan namin si Bishop Sofronio Bancud at personal silang nagkausap ng Pangulo. Ipinarating ng Pangulo ang pakikiramay sa yumaong pari at ini-assure na mabibigyan ng hustisya,” sabi ni Special Assistant to the President Christopher …
Read More »Tambay puwedeng Rumesbak sa parak
PINAYOHAN ng Palasyo ang mga “tambay” na buweltahan ang mga pulis kung nilabag ang kanilang karapatan nang arestohin sila. “Well, kasi po meron tayong established na mga mekanismo para protektahan ang karapatan ng kalayaan. Unang-una po, e kapag kayo ay… kapag ang mamamayan ay naaresto at hindi naman kinasuhan, pupuwedeng makasuhan ng kriminal for illegal detention iyong ating (ka)pulis(an),” ani Roque …
Read More »Tanim-bala probe result in 24-hrs, utos ni Duterte
INAASAHAN ng Palasyo na maisusumite ngayon ng mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan ang imbestigasyon sa napaulat na insidente ng tanim bala noong Biyernes sa NAIA Terminal 3. Tiniyak ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, agad iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Transportation (DOTr), Manila International Airport Authority (MIAA), at Office for Transportation Security (OTS) ang pagsisiyasat …
Read More »Trillanes may tagong yaman abroad — Bong Go
ITINAGO sa ibang bansa ni Sen. Antonio Trillanes IV ang ninakaw niyang pera ng bayan, ayon kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go. Ang pahayag ni Go ay tugon sa pagkuwestiyon ni Trillanes sa taguri sa kanyang “bilyonaryo” ni Pangulong Rodrigo Duterte. Giit ni Go, ang ibig sabihin ng Pangulon ay bilyonaryo siya kapag ipinagbili ng kanyang pamilya …
Read More »GRP-NDFP peace talks kinansela ni Duterte
MAILAP pa rin ang minimithing kapayapaan sa bansa matapos iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanselahin muli ang nakatakdang peace talks sa kilusang komunista sa 28 Hunyo sa Oslo, Norway. Ang pasya ay ginawa ni Duterte matapos ang joint AFP-PNP command conference sa Palasyo kamakalawa ng gabi. Sa biglaang press conference kahapon sa Palasyo, sinabi ni Presidential Adviser on the …
Read More »Duterte patalsikin — Joma Sison
NANAWAGAN si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison sa lahat ng mga rebolusyonaryo, mga puwersang anti-Duterte at publiko na patatagin at palawakin ang hanay upang mapatalsik si Pangulong Rodrigo Duterte. Ang pahayag ni Sison ay bilang tugon sa pagkansela ni Duterte sa nakatakdang peace talks sa 28 Hunyo na aniya’y lantarang indikasyon na hindi interesado …
Read More »Barangay execs aarmasan ni Digong
IKINOKONSIDERA ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan na rin ang mga kapitan ng barangay sa buong bansa. Sinabi ito ng Pangulo sa harap ng mahigit 2,800 bagong halal na chairman ng barangay sa Region 3 na nanumpa sa kanya kahapon sa Clarkfield, Pampanga. Ang plano ng Pangulo ay base sa gitna ng dumaraming bilang ng mga opisyal ng barangay na namamatay sa pagtupad ng tungkulin kaugnay ng kampanya kontra ilegal na droga. Ayon sa Pangulo, …
Read More »Duterte binulaga ng lightning rally sa Cavite
HINDI natinag si Pangulong Rodrigo Duterte sa lightning rally na isinagawa ng may sampung aktibista sa harap niya bago magtalumpati sa 120th Independence Day sa Kawit, Cavite kahapon ng umaga. “Hayaan mo lang. It’s a freedom of speech. You can have it. Okay lang. I will understand,” ani Duterte habang hinihila palayo ng mga pulis at mga kagawad ng Presidential …
Read More »No drug test, no driving policy
KAILANGAN sumailalim sa drug test ang mga tsuper ng bus bago sumabak sa long trip o mahahabang biyahe. Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte bunsod ng naitalang mga trahedya sa kalsada kamakailan. Ani Duterte, lumang tugtugin na ang alibi na nawalan ng preno kaya’t nakaaksidente ang isang bus driver kaya ang kailangan ipatupad ang “no drug test, no driving policy” …
Read More »Barangay execs sisibakin — Duterte
NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na sususpendehin o tatanggalin sa puwesto ang barangay officials na may mataas na drug-related crimes sa kanilang komunidad. Sinabi ng Pangulo, kailangan magpaliwanag ang barangay chairman kay Department of Interior and Local Government (DILG) officer-in-charge Eduardo Año kapag nanatiling talamak pa rin ang illegal drugs at krimen sa kanilang pamayanan. “If there are many drug …
Read More »Pari itinumba sa simbahan
READ: 72-anyos pari itinumba sa Nueva Ecija READ: PNP nagbuo ng special team (Para sa pinaslang na pari) READ: Pari itinumba sa harap ng altar (Pagkatapos magmisa) READ: Palasyo ‘tahimik’ (Sa pagpatay sa isang pari matapos siyang magmisa) PINAGBABARIL ang isang pari sa Nueva Ecija sa loob mismo ng simbahan matapos siyang magmisa kagabi. Batay sa inisya na ulat, pumasok …
Read More »Duterte inatake ng migraine
TINIYAK ng Palasyo na maayos ang kalagayan ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Pahayag ito ng Malacañang matapos ibunyag ng Pangulo na nagsusuka siya sa eroplano bunsod ng migraine habang nasa biyahe mula sa tatlong araw na official visit sa South Korea pabalik ng Filipinas noong Martes ng gabi. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang dapat na ipag-alala ang …
Read More »‘Pag pumalag vs China, kudeta vs Duterte
NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Duterte na patatalsikin siya ng pulisya’t militar kapag isinabak niya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa digmaan kontra China sa agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea (WPS). Sa press conference sa NAIA Terminal 2 sa kanyang pagdating mula sa 3-day official visit sa South Korea, inihayag ng Pangulo, …
Read More »Mocha dapat mag-sorry (Kay Kris Aquino)
INUTUSAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Communications Assistant Secretary Mocha Uson upang humingi ng apology kay Kris Aquino kaugnay sa social media post niya na ikinasama ng loob ng dating presidential daughter. Sa press conference kahapon sa Presidential Guest House, sinabi ni Special Assistant to the President Christopher ‘Bong ‘ Go, pumayag si Mocha na mag-sorry kay Kris. Aminado si …
Read More »Martial Law sa buong bansa babala ni Duterte (Kritiko ‘pag di umayos)
NAGBABALA si Pangulong Rodigo Duterte na idedeklara niya ang martial law sa buong bansa kapag hindi tumigil ang mga kitiko sa pagbatikos sa kanya. Sinabi ng Pangulo, nagpapasalamat siya sa Diyos na sa huling yugto ng kanyang buhay ay binigyan siya ng tsansa na makapagsilbi sa bayan kaya’t may mga pagbabago sa mga susunod na araw sa bansa lalo sa …
Read More »US$1-B utang ng PH sa SoKor iingatan vs korupsiyon (Para sa Build, Build, Build projects)
SEOUL – TINIYAK ng administrasyong Duterte sa gobyernong South Korea, hindi mapupunta sa korupsiyon ang inilaan nitong US$1-B Official Development Assistance para ipantustos sa Build, Build, Build projects. Sa press briefing sa Imperial Palace Hotel kahapon, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez, hindi maaaksaya sa korupsiyon ang pera ng mga mamamayan ng South Korea. Tungkulin aniya ng pamahalaang Duterte na …
Read More »