Sunday , October 2 2022

Usec na humirit sa utol ni Digong sisibakin

ISANG opisyal ng gob­yerno na nakipag-tran­saksiyon sa kapatid ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te ang masisibak sa puwesto.

Ayon sa Pangulo, mayroon pang limang mga opisyal ang nasa listahan niya ngayon na nakatakda na rin niyang palayasin sa puwesto.

Isa aniya rito ay isang undersecretary na gumamit ng pangalan o humingi aniya ng tulong sa kaniyang kapatid para sa isang proyekto.

Binigyang diin ng Pangulo, kabilin-bilinan niyang huwag gagamit ng pangalan o makikipag-usap o makikipag- tran­saksiyon sinoman sa kaniyang mga kaanak o pamilya.

Dahil dito ay masisi­bak aniya sa puwesto ang nasabing opisyal dahil sa paglabag sa kaniyang kautusan.

Hindi pinangalanan ng pangulo kung sino ang nasabing opisyal, at sinabing kakausapin muna niya pagbalik sa Maynila.

“Now, this guy he ran afoul within the department and sought the help of I think my sister. At inilagay niya doon sa ano that he went to the — for succor or for help from the first family at sinabi sa kanya “go.” Sabi ko, “tanggalin mo.” Sabi ko, “fire him out.” His violation? He violated my order na pagka ako ang minention or talking to my relatives, even on a conversation about a project only, t***, sisipain talaga kita,” aniya.

“I told everybody huwag, consider it denied and do not even — even think about talking about the project whether it is really for or against. Ang sabi ko roon ilagay mo ang rason na sinipa ko siya for just violating that. I am imposing talagang the strictest.”

Kamakailan ay napaulat na nadakip sa Japan ang umano’y ka-so­syo ni Emmanuel Roa Duterte, kapatid ng Pa­ngulo,  sa Japan-Philip­pine Global Coin (J-PGC) na si Takanori Okuno sa kasong assault at robbery.

Batay sa ulat, sa unang bahagi ng 2018 ay nag-apply ng lisensiya ang J-PGC sa Securities and Exchange Commis­sion (SEC) para mailun­sad ang cryptocurrency-related projects.

May panawagan din ang Philippine Embassy sa Greece sa mga Filipino roon na mag-ingat sa pakikipag-deal sa Digital Currency Co. Ltd at  “Philippine Global Coin.”

Iginiit ni Presidential Spokesman Harry Roque ang panawagan ng Pangulo na iwasan ang kanyang mga kaanak dahil hindi niya kino-konsinti ang anomang pakikialam o pag-nenegosyo nila sa gobyerno.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Bulacan Police PNP

Bulacan police umiskor
MAHIGIT 765K HALAGA NG DROGA NAKUMPISKA, 15 DRUG SUSPEK NALAMBAT AT 6 NA LAW OFFENDERS NAI-HOYO

TINATAYANG aabot sa mahigit 765K halaga ng iligal na droga ang nakumpiska habang 15 drug …

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

NANAWAGAN ang mga kamag-anak ng ilan sa mga nasawing rescuer sa Bulacan ng dagdag na …

shabu

3 tulak sa Gapo nasabat
MAHIGIT P1-M HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA

 MAHIGIT  P1-M halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad habang tatlong tulak …

FRIENDSHIP route sticker las pinas

Sa Las Piñas
72-ORAS TRO PABOR SA ‘FRIENDSHIP ROUTE’ PINALAWIG NG KORTE

ISA PANG DAGOK sa bagong administrasyon ng BF Resort Village Homeowners Association, Inc. (BFRVHAI) ang …

Zasa Aliman Stone Hope Company Diesel

Oil importer dudulog sa Malacañang dahil sa pagbasura ng DOE sa kanilang aplikasyon

DUDULOG sa Office the President (OP) ang isang oil importer kaugnay sa hinalang pagbasura ng …

Leave a Reply