Saturday , July 27 2024

PhilHealth ‘matagal’ nang isinumbong kay Digong (Iregularidad sandamakmak)

ISINUMBONG ng mga kawani at empleyado mula sa Philippine Health Insurance kay Pangulong Rodrigo Duterte ang multi-milyong anomalya sa ahensiya na umano’y kinasasangkutan ni officer-in-charge Dr. Celestina dela Serna at isang lider ng mga empleyado.

Sa liham ng Philhealth Workers for Hope, Integrity, Transparency and Empowerment (Philhealth WHITE) kay Pangulong Duterte, idinetalye nila ang pagmamalabis sa tungkulin at panunupil sa kanilang hanay.

LTH

Kabilang sa mga isiniwalat ng mga kawani ang paglalagak ng P900-mil-yon mula sa isang bilyong pisong Externally Ma-naged Fund (EMF) sa common stocks na labag sa Section 27 (d) ng Republic Act 10606 o Philhealth Charter, na nagtatakda na dapat ay sa preferred stocks puwedeng i-invest ang EMF.

Ang investment ng EMF sa common stocks ay nagresulta sa pagkalugi ng P116 milyon, batay sa income statement.

Ito anila ay nakasaad sa COA Audit Observation Memoramdum noong 23 Marso 2017 na isa sa mga naging isyu sa confirmation hearing ni da-ting Health Secretary Paulyn Ubial.

Matatandaan, ibinasura ng Commission on Appointments si Ubial bilang health secretary.

Nabatid sa Philhealth White na pinayagan nina Dela Serna at PHICEA President Esperanza Ocampo ang ilegal na pagpataw ng P2,000 na 10% agency fee sa 2016  at 2017 collective negotiation agreement (CNA) incentive na nagkakahalaga ng P20,000 noong nakalipas na Enero 2017 sa 3,500 casual employees na umabot sa P16-M.

Dahil sa pambibisto nila sa mga nasabing anomalya sa Philhealth, sila pa ang sinampahan ng mga kasong administratibo ng mga opisyal at hindi sila binigyan ng CNA incentives.

“Mr. President, we hope and pray for your intervention and timely assistance. These problems besetting Philhealth greatly affected the morale of the employess. It would be impossible for Philhealth to accomplish its mission with demoralized employees,” anila sa liham kay Duterte.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *