Saturday , September 24 2022

Korupsiyon iso-SONA ni Digong

POSIBLENG kasama sa ilitanya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikatlong state of the nation address (SONA) ang mga nabistong korupsiyon sa Department of Tourism at Philhealth.

Ito’y dahil ang nais ibandera ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA sa 23 Hulyo ang isyu ng korupsiyon.

“The campaign against—iyong kampanya po laban sa korupsiyon ay hinaylight (highlighted) ni Presidente noong pinag-uusapan po iyong content ng State of the Nation Address,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Paliwanag ni Roque, may bagong format ang SONA ni Duterte at lilimitahan ito sa pag-uulat ng Pangulo sa mga usapin na malapit sa kanyang puso, partikular ang isyu ng korupsiyon.

“Pero talagang iyong SONA will be the President talking to the people and reporting to the people on matters na malapit sa puso po ng ating Presidente. At doon po lumabas iyong kampanya niya sa korupsiyon na wala pong tigil at wala pong kupas iyong kampanya,” sabi ni Roque.

Naging tampok sa nakalipas na isang linggo ang kuwestiyonableng P60-M na ibinayad ng Department of Tourism sa kompanya ni Ben Tulfo, kapatid ni Secretary Wanda Teo para sa inilabas na anunsiyo sa PTV sa programang Kilos Pronto.

Si Teo ay nagbitiw kahapon bilang kalihim ng DOT at nangako ang kanyang kapatid na ibabalik sa PTV ang P60-M.

Habang sa isyung korupsiyon sa Philhealth ay pinaiimbestigahan na rin ng Pangulo ang report ng Commission on Audit (COA)  na P627,000 ang travel expenses ni officer-in-charge Celestina dela Serna at ang pagkalugi ng ahensiya ng P9-B.

Sa liham ng Philhealth Workers for Hope, Integrity, Transparency and Empowerment (Philhealth WHITE) kay Pangulong Duterte, isiniwalat ng mga obrero  ang paglagak ng P900-milyon mula sa P1 bilyong Externally Managed Fund (EMF) sa common stocks na labag sa Section 27 (d) ng Republic Act 10606 o Philhealth Charter na nagtatakda na dapat ay sa preferred stocks lamang puwedeng i-invest ang EMF.

Ang investment ng EMF sa common stocks ay nagresulta sa pagkalugi ng P116 milyon, batay sa income statement.

Nabatid sa Philhealth WHITE na pinayagan nina Dela Serna at PHICEA President Esperanza Ocampo ang ilegal na pagpataw ng P2,000 na 10% agency fee sa 2016  at 2017 collective negotiation agreement (CNA) incentive na nagkakahalaga ng P20,000 noong nakalipas na Enero 2017 sa 3,500 casual employees na umabot sa P16-M.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Sta Maria Bulacan

Sa Sta.Maria, Bulacan…
2 PUSAKAL NA TULAK NASAKOTE

NAGWAKAS ang maliligayang araw ng dalawang hinihinalang tulak na responsable sa pagkakalat ng ilegal na …

pinuno ng pamahalaan Bulacan

Matibay at umaayon sa pagbabago <br> MGA PINUNO NG BULACAN, NAGKAISA SA PAGRESOLBA NG MGA ISYU NG LALAWIGAN

SA isang pambihirang pagkakataon, nagsama-sama ang mga pinuno ng pamahalaan sa Bulacan sa pangunguna nina …

Bong Revilla Jr

Sen Bong mamimigay ng kotse, motorsiklo, laptop, at cash sa kanyang kaarawan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TIYAK na marami ang matutuwa sa espesyal na regalo ni Sen …

Nueva Ecija PPO, PNP PRO3, Prison

No. 1  most wanted rapist ng Nueva Ecija, nasakote

ARESTADO sa inilatag na Manhunt Charlie Operation ng mga awtoridad ang nakatalang Rank no. 1 …

Masungi Georeserve

Peace and order sa Masungi Georeserve, ibabalik — Gen. Nartatez

TINIYAK ni Police Regional Office 4A Regional Director, P/BGen. Jose Melencion Nartatez, Jr., na agad …

Leave a Reply