Friday , July 26 2024

Duterte galit sa anomalya sa DOT-PTV 4

KOMBINSIDO si Pangulong Rodrigo Duterte na may alam si Communications Secretary Martin Andanar sa isyu ng P60 milyong advertisement fund ng Department of Tourism na ipinambayad sa production company ng magkapatid na Tulfo,  mga kapatid ni Tourism Secretary Wanda Teo.

Batay sa source sa Palasyo, galit si Pangulong Duterte kina Andanar, Teo at mga Tulfo.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi mangingiming tanggalin agad ni Pangulong Duterte ang ilang miyembro ng kanyang gabinete na makikitang sangkot sa katiwalian o anomang iregularidad.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, napatunayan na ni Pangulong Duterte na sinisibak niya ang mga opisyal ng Pamahalaan na mapatutunayang sangkot sa katiwalian o iregularidad at hindi aniya mahalaga kung kaibigan o kakampi sila.

Maliban aniya sa imbestigasyon ng Office of the President, dapat din gawin ng Ombudsman ang trabahong magsiyasat sa mga napaulat na katiwalian sa gobyerno.

“So the Ombudsman has to investigate and has to do its own case buildup,” ani Roque.

Kamakalawa’y kinompirma ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na kabilang sa iniimbestigahan sa issue ay si Andanar.

Hindi rin naikaila ni Go ang pagkadesmaya sa nabistong santambak na puwestong hawak ng esposo ni Teo sa DOT attached agency na Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).

“Delicadeza naman, labag sa batas iyan,” ani Go sa panayam kamakalawa.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *